TADHANA WAKAS

46 2 0
                                    

Now Playing: Dahan by December Avenue.

[Ang Wakas]

LUHA ang sunod-sunod na bumuhos sa aking mga mata habang nakatulala sa kawalan, hindi na ito tumigil pa magmula kagabi simula noong nagkaroon nang nag-aalab na tensyon sa pagitan naming dalawa.

Simula noong binitawan ko sya.

Ramdam na ramdam ko ngayon ang lamig ng hangin na tila bumabalot sa aking linalamig na puso, nakaramdam ako ng pag-iisa dahil maging ang nag-iisang taong inaasahan ko ay sinaktan na rin ako.

Hindi ko na alam ngayon ang aking gagawin. Malaya na ako ngunit hindi ko magawang umalis sa seldang ito dahil sa oras na gawin ko iyon, hindi na rin ako makababalik pa sa bayang aking pinagmulan.

Namuo na naman ang luha sa aking mga mata habang patuloy na pumapasok sa aking isipan ang taong minsan ko na ring inibig, totoong sya pa rin ang hinahanap ng aking puso ngunit may isang bagay na nagpapabitaw ng pag-ibig ko sa kanya.

Hindi ako makapaniwalang matapos ang lahat ng nangyari ay magtatapos din sa wala ang pag-ibig kong ito, hindi ko akalaing mawawala ang aking tiwala sa kanya at magagawa ko rin syang saktan.

Nanatili akong tulala hanggang sa marinig ko ang hakbang na papalapit sa akin, nakasandal ako sa rehas kung kaya't nakatalikod ako sa pasilyo at hindi ko makikita ang taong dumating.

Umihip ang malamig na hangin kung kaya't nakarating sa aking pang-amoy ang pamilyar nyang bango, iyon pa lamang ang nangyayari ngunit agad nang namuo ang luha sa aking mga mata. Sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin mapigilang masaktan dahil sa katotohanang ito na ang huling sandali sa pagitan naming dalawa.

Napapikit ako nang maramdaman ang kanyang presensya sa aking likuran, hindi ko man sya lingunin ngunit alam kong nakasandal na rin sya sa rehas na aking pinagsasandalan ngayon. Tanging ang makapal na rehas ang pumapagitna sa amin.

"B-bakit nandito ka pa rin?" Nasasaktan kong idinilat ang aking mga mata matapos marinig ang malungkot nyang boses, nanikip ang aking dibdib matapos marinig ang tahimik nyang pagluha.

Parehong hindi na namin mapigilan pa ang aming mga luha dahil sa masakit na kapalarang ito. Napopoot man ako sa kanya ngunit nais ko pa ring punasan ang luhang bumubuhos ngayon sa kanyang mga mata, nais kong gawin iyon ngunit nanghihina ang aking puso.

"N-naiintindihan ko kung hindi mo man ako muling pansinin ngayon, ang mahalaga ay nakikita pa rin kita hanggang ngayon. K-kahit na..." Hindi na nya natuloy pa ang kanyang sinasabi dahil nag-unahan na ang mga luhang bumuhos sa kanyang mga mata, kumibot ang aking labi matapos mapagtanto ang kanyang nais sabihin.

"S-siguro nga ay mas maganda kung ikaw ay lumayo na sa bayang ito, kung lumayo ka muna sa mga taong nagdulot ng pasakit sa iyong puso. M-mas mabuti kung lumayo ka muna sa akin," nasasaktang saad nya habang pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Napahawak ako sa tapat ng aking puso dahil tila durog na durog na ito ngayon, ang katotohanang ito na ang huli naming pagkikita ay labis na nagpapadurog ng aking puso. Hindi ko na rin nais pang manatili sa bayang ito kung saan makikita ko lamang syang ikasal sa iba.

Buwan na ng marso at ngayong marso na sya ikakasal, napakasakit sapagkat sa ilang taon kong pagpapangarap na ikasal sa kanya ay nasayang lang sapagkat kailanman ay hindi na ako maikakasal pa sa kanya.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWhere stories live. Discover now