TADHANA KABANATA 33

8 0 0
                                    

[Kabanata 33 - Paalam]

"ANG iyong kagandahan ay hindi dapat pinagmamasdan lamang," nakangising saad ni Don Solomon na ikinatigil ng aking mundo, nanlaki ang mga mata ko at agad napatayo sa kama.

"I-isa pong kapangahasan at kasalanan ang inyong ginawa!" Nanginginig ang boses na sigaw ko at napaatras ngunit ako'y nasa pinakasulok na pala, humalakhak naman sya na naghari sa buong kapaligiran.

Kaba at takot ang naghari sa aking puso nang ihagis nya sa sahig ang hawak nyang babasaging baso ng alak na ang dahilan nang pagkabasag nito. Tila naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang humakbang sya papalapit sa akin at hinawak ang magkabila kong pisngi gamit ang kanyang isang kamay.

"Isa ka lamang 'di hamak na alipin kung kaya't wala kang karapatang sigawan ang isang makapangyarihang tulad ko!" Galit na sigaw nya sa akin, namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa labis na takot. Muli akong napasigaw sa sakit nang ako'y pwersa nyang itulak pasandal sa pader.

"Ikaw ay aking pagmamay-ari kung kaya't susundin mo ako, sa ayaw at sa gusto mo man!" Muling sigaw nya at napatumba ako sa sahig nang tumama ang kanyang kamao sa aking pisngi, napahawak ako roon at lumuluhang nag-angat ng tingin sa kanya.

"P-pakiusa-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mahigpit nyang hawakan ang aking balikat at buong pwersa akong itinayo, habang nanginginig na nakatingin kay Don Solomon ay biglang pumasok sa aking isipan si ama.

"A-anak, h-huwag na huwag mong kalilimutan ang lahat ng itinuro ko sa iyo. M-mahal na mahal kita..."

Bigla ay naghari ngayon sa aking isipan ang itinuro sa akin noon ni ama na lumaban ako at kailanman ay huwag magpapaapi. Muli akong napatingin kay Don Solomon, akmang ihahagis nya ako pahiga sa kama ngunit mabilis kong tinapakan ng mahigpit ang kanyang paa at sya ang buong pwersang itinulak ko sa kama.

Nang makita ang pagkakataon ay dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan iyon, napapikit ako sa takot nang marinig ang kanyang pagsigaw sa aking pangalan ngunit nanginginig na akong tumakbo paalis sa silid na nababalot ng kanyang karahasan.

Nang tuluyang makalabas ay napatigil ako nang masilayan si Aurora at Khalil na sabay na naglalakad ngayon sa pasilyo ngunit sabay din silang napatigil matapos akong makita. Nanginginig ang aking buong katawan, magulo ang aking buhok, at patuloy na bumubuhos ang aking luha habang nakatingin ngayon kay Khalil na nagulat matapos makita ang aking hitsura.

Dali-dali syang naglakad papalapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "T-taciang, anong nangyari sa iyo?!" Nabibiglang tanong nya at napatingin sa aking mukhang namumula ngayon sa sakit.

"Anastacia!" Magsasalita na muli sana sya ngunit napatigil ang lahat matapos marinig ang malakas na sigaw ni Don Solomon na naghari sa buong kapaligiran, lumabas sya mula sa silid at tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang itutok nya sa akin ang hawak nyang baril.

Napatingin sya sa aking katabi at napatigil sya nang makita ang heneral, hindi na nagsayang pa ng oras si Khalil at dali-dali nyang inagaw ang hawak na baril ni Don Solomon at diretsong itinutok iyon sa kanya.

Napataas ang dalawang kamay ni Don Solomon at tila biglang nagising sa katotohanan. "Ama!" Napalingon ako kay Aurora nang sumigaw sya at lalapitan sana ang kanyang ama ngunit agad iniharang ni Khalil ang kanyang kamay upang hindi ito makalapit.

"Sumama ka sa akin at hindi mo na kailangang magpaliwanag pa," seryosong saad ni Khalil habang nakatingin ng diretso kay Don Solomon, iginapos nya ang kamay nito habang nakatutok pa rin ang baril na hawak nya.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin