TADHANA KABANATA 1

24 2 0
                                    

[Kabanata 1 - Pista]

"BINIBINI, kayo ay hinahanap na po ni Don Filimon." Tumayo na ako mula sa upuan at muling pinagmasdan ang aking sarili sa malaking salamin, magarbo at kulay kahel na baro't saya ang aking suot ngayon tulad ng paglubog ng araw na alam kong masisilayan ko mamaya.

Pumasok na ang aking tagasilbi na nagsalita mula sa tapat ng pinto kanina, si Maribel. May ngiti sa aking labi hanggang sa tuluyan akong mapatingin sa kanya, napangiti sya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. May suot din akong payneta na nakatusok sa aking buhok, nanatiling nakabagsak ang aking itim at kulot na buhok.

"Walang pinagbago ang ganda ng aming perpektong binibini," nakangiting papuri ni Maribel, napakamot naman ako sa likod ng aking tainga habang nakangiti pa rin. Sinabi na naman nya ang ibinansag nila sa akin noon pa man.

"Ikaw talaga, Maribel!" Nahihiyang saad ko at napahinga ng malalim. "Ngunit maraming salamat pa rin," nakangiting dagdag ko, tumango naman sya ng dalawang beses at kinuha na ang aking abanikong nasa kama at ikinumpas iyon bago ibigay sa akin.

Si Maribel ay labing walong taong gulang pa lamang, mas matanda ako sa kanya ng pitong taon. Sandali kong pinagmamasdan ang abaniko kong kulay kahel din at binurdahan ng haring araw na papalubog, ito talaga ang tema ng aking suot. Aking pinaghandaan ang araw na ito sapagkat alam kong makikita ko muli sya sa simbahan mamaya.

"Tayo'y bumaba na," nakangiting saad ko at lumabas na sa aking silid, naghihintay na sina ama at ang aming kalesa papunta sa simbahan kung saan ngayon ay malapit nang mag-umpisa.

FELIZ fiesta! (Maligayang pista!)" Ang narinig kong pagbati ng lahat sa isa't isa matapos ang misa, Ika-labing walo ngayon ng setyembre at hanggang sa ika-dalawampu ay ipagdiriwang ang pistang ito.

Nagsimula na rin kaming batiin at makipagbatian sa mga taong aming nakakasalamuha ngayon sa loob ng simbahan, marami ang nagbabanggit sa aking pagbabalik kapag nakikita ako sa likuran ni ama. Ngayong setyembre talaga ang buwan na aking ninais bumalik sapagkat alam kong paparating na ang pista, kailanman ay walang pista na wala si Anastacia De Leon.

Habang nasa likod ako ni ama ay pasimple kong ilinibot ang aking paningin, hinahanap ang pamilya Santiago. Alam kong naririto sila ngayon at hindi magpapahuli dahil si Don Flavio Santiago na syang ama ni Khalil ay ang gobernadorcillo ng bayang ito.

Ilang sandali pa ay nahagip na ng aking mga mata ang pamilya Santiago na nasa harapan, kausap ngayon ni Don Flavio at Doña Cecilia ang punong padre ng simbahang ito. Kasama nila sina Cresensia, Sergio, at Khalil na laking gulat ko dahil seryosong nakatingin sa akin ngayon.

Dahil sa kaba ay mabilis na lamang akong nag-iwas ng tingin at nagbalik ng tingin kay ama na abala pa rin sa pakikipagkwentuhan sa kanyang mga kakilala at kaibigan, muli kong narinig ang muling pagkabog ng aking puso dahil nagtama ang aming paningin ni Khalil. Noong nagkita kami sa daungan ay kinailangan nya ring umalis dahil pinatawag sya sa monisipyo.

Hindi ako nabigyan ng pagkakataong makapagsalita ngunit ngayon ay mukhang mayroon na, narito na nga ngayon ang pagkakataon ngunit labis na kaba naman ang nararamdaman ko. Iba na kung sya ay tumingin ngayon kahit na noong bata kami ay seryoso na talaga sya sa mga bagay, hindi ko kailanman nabasa ang kanyang damdamin na kung nay nilalaman ba ito tulad ko.

"Don Flavio, maligayang pista!" Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang pagbati ni ama, ngayon pa lang ay aking alam ko nang naririto ngayon ang mga Santiago sa harapan namin!

"Maligayang pista rin kaibigan. Aking iniimbitahan ka rin na pumunta sa aming tahanan upang makadalo sa munting salu-salo na aking ipinaghandaan para sa inyo," nakangiting saad ni Don Flavio, dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa mga Santiago na napatingin din lahat sa akin ngayon.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz