TADHANA KABANATA 18

7 2 0
                                    

[Kabanata 18 - Bangka]

Huwag niyong sabihin na silang dalawa ang makakatabi ko ngayon sa kalesa?

"TACIANG, hayaan mo silang dalawa na sumakay sa inyong kalesa. Sila na ang magbitbit ng aking mga dala upang ikaw ay magkasya na rito," saad ni Doña Cecilia, tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib at nakahinga ng maluwag. Hindi ko kakayaning makasama ang dalawang Santiago na ito sa iisang kalesa!

Tumango naman si Khalil at Sergio, kinuha na nila ang mga dalang bayong ni Doña Cecilia. Sinundan ko silang dalawa nang tingin hanggang sa mailagay na nila ang mga bayong sa kalesang pagmamay-ari ng aming pamilya, nakaramdam ako ng kaba nang akmang lilingunin na nila ako.

Napahinga ako ng malalim at bago pa makatagpo ng tingin ang isa sa kanila at dali-dali na rin akong sumakay sa kalesa, alam ko namang kapag hindi pa ako sumakay ng kusa ay aalalayan pa nila ako at kinakabahan pa rin ako kung kaya't kailangan ko munang pahupain ito.

Nagulat si Doña Cecilia at Cresensia dahil sa ginawa kong hindi kaaya-ayang pagsampa ngunit hindi ko na lang sila pinansin at idinapo ang aking mga mata sa labas, si Cresensia ang aming nasa gitna na alam kong nagtataka akong pinagmamasdan ngayon at maging si Doña Cecilia na alam kong nakakatunog na.

Napapikit na lang ako sa halo-halong pakiramdam na nararamdaman ko ngayon, ang katotohanang makakasama ko ang lalaking iniiwasan ko at ang lalaking itinitibok ng puso ko ay nagdudulot ng pagkabaliw sa akin.

NANG makarating sa daungan ay ilinibot ko ang aking paningin, ang paglubog ng araw ang kapansin-pansin ngayon para sa akin. Napatigil ako mula sa pagtatanaw ng kalangitan at gulat na nagbaba ng tingin kay Sergio nang biglang syang sumulpot sa aking gilid.

Nginitian nya ako bago ilahad ang kanyang palad bilang pag-aalok na ako'y alalayan nya pababa ng kalesa, nilingon ko ang aking mga katabi at nakababa na pala si Doña Cecilia at Cresensia sa tulong ni Khalil na walang reaksyon ang mukha at nakatingin lang sa kahel na kalangitan. Galit sya?

Muli na lang akong nagbalik ng tingin kay Sergio, napahinga ako ng malalim at walang ibang nagawa kung hindi tanggapin ang kamay nyang nakalahad sa akin. Nakita ko nang mapangiti si Doña Cecilia at Cresensia dahil sa pangyayaring iyon sa pagitan namin ni Sergio, muli kong nilingon si Khalil at mukhang wala syang balak na tignan man lang ako kahit saglit.

Napaiwas na lang ako ng tingin at tinignan si Sergio, sinubukan ko syang ngitian at nagbaba ng tingin sa aming kamay na hawak nya pa rin ngayon. Nakuha nya naman agad iyon at mukhang hindi rin namalayang hawak nya pa rin ang aking kamay, maingat nya iyong binitawan at napaiwas ng tingin upang itago ang kanyang ngiti.

Napailing na lang ako at linapitan sina Doña Cecilia na nakangiti sa akin ng malawak ngayon. "Saan na po tayo sunod na pupunta?" Tanong ko, kasisimula pa lang ng paglubog ng araw at maaga pa naman kung kaya't matagal pa bago kami abutan ng gabi.

"Mamamangka tayo!" Nakangiting sagot ni Cresensia na ikinagulat ko, tila naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang maalalang nasa daungan pala kami ngayon!

Ito na ba ang kanilang plano? Na ihagis ako sa kalaliman ng lawa?! "M-mamamangka?" Nagugulat na tanong ko at napasapo sa aking noo, nilingon ko si Khalil na mukhang naintindihan ang aking gulat. Dahil kasalanan nya kung bakit takot akong sumakay ng bangka!

"Oo kaya tara na!" Nakangiting tugon ni Cresensia sa aking tanong, wala na akong ibang nagawa nang ako'y hatakin nya papunta sa isang bangkang naghihintay ng ilan pang pasahero at pasakayin doon!

"Ate Taciang, ayaw mo ba? Ako na nga ang mauuna," tanong at saad ni Cresensia nang makitang namumutla na ako ngayon, binitawan na nya ang aking kamay at walang takot na tumungtong sa umaalog na bangka.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWhere stories live. Discover now