TADHANA KABANATA 19

7 3 0
                                    

[Kabanata 19 - Ngiting Mapait]

Pilipinas, 1868

NANG makalapit sya sa akin ay may ngiti pa rin sa aking labi, lihim kong pinagmasdan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Labing apat na taong gulang na sya at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kagandahan nyang lalaki!

Labing dalawang taong gulang pa lang ako ngunit hindi ko maunawaan kung bakit tila pagdating sa kanya ay nagiging espesyal ang aking pakikitungo. Nakasuot sya ng itim na sapatos, pantalon, agribo, at sumbrelo maliban sa suot nyang panloob na kulay puti. Ako naman ay nakasuot ng puting baro at itim na saya, sinasadya na makapares sya.

"Kay tagal mo naman. Bakit? Isinama mo ba si Sergio?" Tanong ko at ilinibot ang aking paningin ngunit wala naman akong ibang nakitang tao kung hindi sya.

Nang ibalik ko ang aking tingin sa kanya ay masama na ang kanyang tingin sa akin, napahawak naman ako sa tapat ng aking puso. "Galit?" Nakangusong tanong ko at siniringan sya, agad din akong napangiti dahil hindi naman ako sanay na manaray ng tao.

"Bakit ba kasi tayo naririto?" Tanong ko muli, pasalamat sya at wala si ama kung kaya't madali akong nakatakas sa aming tahanan.

Linapitan nya ako at itinuro ang bangkang nasa ilog ngunit ang aking mga mata ay dumapo sa kanyang kamay na kumapit sa aking braso, talagang makulit ang kamay nya. Ibinalik na nya ang tingin sa akin nang hindi ako magsalita, napatingin din sya sa kanyang kamay na nakakapit sa aking braso.

Napatigil sya at mukhang napagtanto ang kanyang kapangahasan, ang sabi ni Ina ay masama raw na ako'y hawakan ng kung sino-sino lalo na ang mga kalalakihan. Binitawan na nya ang aking braso, iniwas ko na lang ang aking tingin sa kanya sapagkat hindi ko rin mapigilan ang aking pagngiti.

"Paumanhin," rinig kong paghingi nya ng tawad, pinigilan ko na ang aking pagngiti at muli syang nilingon. Tinanguhan ko sya bilang tugon, naglakad na ako patungo sa bangkang itinuro nya.

Pinagmasdan ko iyon at hinawakan. "Ano ang ating gagawin dito? Sasakyan?" Tanong ko at nilingon ko sya, natawa ako nang ako'y tignan nya ng kung seryoso pa ako sa sinasabi ko.

"Natural, Taciang. Ikaw ay sumakay na," kalmadong saad nya, ngitian ko sya. "Sige ho, Ginoong Khalil. Huwag ka na hong masungit," nakangiting pang-aasar ko sa kanya, ilang sandali pa ay napasimangot lang ako dahil hindi nya ako pinansin.

Sasakay na lang sana ako ngunit napatigil ako nang may pumasok na tanong sa aking isipan. "Sandali, ikaw ay marunong ba kung paano gamitin ang bangka na ito?" Usisa ka, nagulat ako nang makita ang pagngisi nya.

"Susubukan natin," malawak ang ngiting saad nya at inalalayan na ako pasakay sa bangka, wala sa sarili akong napaupo at napatulala. Tila tinamaan ang aking puso ng isang panang puno ng pag-ibig.

Nakasakay na rin sya at hinawakan ang isang sagwan, napakapit ako sa maaaring hawakan nang maramdaman ang dahan-dahang pag-andar ng bangka. Ilang sandali pa ay napangiti rin ako, ito ang aking unang beses na sumakay sa bangka at kay sarap pala sa pakiramdam!

"Ang galing! Marunong ka pala nito?" Namamanghang tanong ko at ilinibot ang aking paningin, napatingin ako sa malinaw na tubig ng ilog. Marahan kong ibinaba roon ang aking kamay, mas lalo akong napangiti habang dinarama ang lamig ng tubig.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWhere stories live. Discover now