1: Bangungot

154 7 2
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

CHIDUCK

“WALANG AALIS!”

Napalunok ako at nabalot ng takot sa malaking boses ni daddy. Parang nanggaling sa ilalim ng lupa. Parang may ibang katauhan. Parang may sanib?

Nakatayo siya sa harap ng pinto at nanlilisik ang mata. Tinutok niya ang kutsilyo samin ni Motmot, ang kapatid ko. Madiin ang hawak niya doon. 

Gumuhit ang malademonyong ngisi kay dad. “AKALA MO BA WALA AKONG ALAM NA MAY ALAM KANA?”

Tumagilid ang kaniyang ulo at pailalim tumingin. Nanindig ang balahibo ko. Kinarate ako ng kaba sa kakaiba niyang tingin. Nakakatakot.

"SUMAGOT KA!" Nagitla ako sa malaki niyang boses. Parang nasasaniban. 

“D-daddy ‘wag mo po kaming patayin ni ate.” Bumigat ang dibdib kong makita ang kapatid kong umiiyak at takot. Hawak ko ang maliit niyang kamay na nanlalamig katulad ng sa ‘kin.

“D-daddy please don’t.” Pakiusap ni Motmot.

“TAHIMIK!”

Lalong naiyak ang kapatid ko sa takot. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya na nanginginig.

Binalik ko ang tingin kay dad na nanlilisik ang mata, gumuhit ang nakakapangilabot na ngisi sa kaniya. Ang creepy parang may ibang nilalang sa loob niya.

Humakbang siya palapit habang nakaamba ang kutsilyo samin. Papatayin niya kami. Gusto niya kaming mamatay.

Napaatras kami ni Motmot ngunit sa pag-atras namin nasa likod pala si mommy. Naapakan ko ang paa niya kaya napaabante ako.

Ngunit ganon nalang ang takot ko ng itaas niya ang hawak na patalim at walang awang ginilitan sa leeg ang kapatid ko. Napatili ako ng bumagsak sa sahig si Motmot at sumisirit ang dugo sa leeg.

"Hindi!" Napasabunot ako sa buhok. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.

“M-mommy anong ginawa mo!” Napatulala ako at hindi alam ang gagawin. Nanginginig ang labi kong nakatingin sa nangingisay kong kapatid.

Napaatras ako ng iamba ni mommy ang kutsilyo sa ‘kin. Suminghot ako at tiningnan si mommy, nangingitim ang ilalim ng mata at magulo ang buhok niya. Para siyang nawala sa sarili. Parang baliw.

Tumagilid ang ulo niya at matalim na tingin ang pinukol sa 'kin. Bigla siyang tumawa tapos naging seryoso. Pailalim niya akong tinitigan tapos bigla siyang ngumisi — ngising demonyo.

Nanginig ang katawan ko sa takot. Anong nangyayari sa pamilya ko?

Napasigaw ako ng may humila sa buhok ko. Lalo akong naiyak ng iisang tao lang ang gumawa non, si daddy. Pilit akong kumawala pero hinawakan niya ang dalawa kong braso gamit ang isang kamay niya.

“HAVE A NICE GREET KAY SANTANAS!” Bulong niya. Ang lalim at ang laki ng boses. Nakakataas balahibo.

Sinenyasan niya si mommy — napapikit ako ng itarak ni mommy ang kutsilyo sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang matinding kirot na parang pinipiga sa mismong puso ko. Ramdam ko ang paghiwa ng talim sa laman ko.

Nakabaon.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now