3: Albularyo

55 3 0
                                    

CHIDUCK

“Oh? Anong nangyari at bakit namumutla ka?” Tanong ni mommy pagbalik ko sa sala.

“Wala lang po nakakita lang ng butiki.” Pabulong ang pagkasabi ko dahil baka marinig ng albularyo.

Umupo ako sa tabi ni mommy. Ayoko munang sabihin sa kaniya ang nangyari sa cr. Gusto ko munang mapanatag ang loob.

Maya-maya bumalik na ‘yong albularyo na may dalang planggana, pulang kandila at pitsel ng tubig. Umupo siya sa monobloc chair kaharap ang mga gamit niya sa lamesita.

Tumingin siya samin bago pumikit at bumulong sa hangin. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa 'yon. Matapos niyang bumulong sa hangin tumingin siya sa ‘kin. “Anong pangalan mo, hija? Buong pangalan at edad.”

Lumunok ako ng laway bago nag-salita. “Chiduck M. Laurel po, 17 na po ako.”

“Chiduck Laurel.” Ulit niya, kinuha niya ang pitsel ng tubig at nagsalin sa planggana.

"Pamper hoc hedum" Bulong niya. Dinampi niya ang hinlalaki sa tubig at pinahid sa noo ko.

“Ang tubig na ‘yan ay may halong agua bendita.” Saad niya.

Ang planggana ay may lamang kalahating tubig. Kinuha niya ang pulang kandila at muling bumulong sa hangin bago niya sindihan ito.

“Dito sa tubig-agua mabubuo ang nilalang na sayo’y sumusunod at dito rin sa tubig-agua malalaman kung paano natin mapupuksa ang nilalang na 'yon.”

Tumango lamang kami. Nag-umpisa na siyang magsalita ng latin.

"Credo in Deum Patrem omnipotentem, Creatorem caeli et terrae."

Bawat salita niya pabulong lang. Bulong na hangin lang ang nakaririnig.

Tahimik ang paligid.

Ako, si mommy, si daddy at Ate Janice ay nakikiramdam lang.

Nakatingin ako sa albularyo, nakapikit siya at nagsasalita. Binubulong ang mga katagang hindi namin naiintindihan.

"Et in Iesum Christum, Filium eius uni­cum, Dominum nostrum, qui conceptus est de Spritu Sancto"

Lahat kami nagulat ng biglang gumalaw ang planggana. Hindi naman natapon ang laman pero umusad ito, na animo'y may tumulak. 

Inangat ko ang tingin kay mommy na ngayon ay gulat din. Walang gumalaw sa planggana. Kaya pati ako nakaramdam ng takot.

Nang ibalik ko ang tingin sa albularyo, may namuong pawis sa noo niya. Parang 'di niya inasahan mangyayari 'yon pero kahit ganun pinagpatuloy parin niya ang pagsasalita ng latin. Ang ritwal niya.

"Natus ex Maria Vir­gine, passus sub Pontio Pi­lato, crucifixus, mortuus, et se­pultus, descendit ad in­fernos."

Napapitlag ako at napakapit kay mommy ng biglang tumilapon ang lagayan ng pitsel. Gumawa ito ng sunod-sunod na ingay. Walang laman ang pitsel at lalong walang gumalaw o nagtapon non, kusa itong gumalaw mag-isa. Kusang tumilapon.

“Huwag ninyong pansinin, manalig kayo.” Saad ng albularyo, muling pumikit at pinagpatuloy ang pagbigkas ng latin na salita. Pero kahit ganun ramdam ko ang kaba niya. Ramdam kong kinakabahan siya.

"Tertia die resurrexit a mortuis, ascendit ad caelos, sedet ad dexteram Dei Patris omnipotentis, inde venturus est iudicare vivos et mortuos — "

Lahat kami nagulat ng tumaob ang planggana. Nakaramdam ako ng pangingilabot. Takot na hindi ko maintindihan. Natapon ang tubig sa planggana kasama ang kandilang nalusaw. Ganun nalang ang takot na gumuhit sa mukha ng albularyo.

"C-credo in Spiritum Sanctum, sanctam Ecclesiam catholi­cam."

Tuluyan na akong napasigaw ng malamig na hangin ang umihip. Ramdam kong tumama ito sa mukha at katawan ko. Halos mapatulala kami, pati ang albularyo ay rumehistro narin ang takot.

"S-sanctorum communio­nem, remissionem peccato­rum, carnis resurrectionem." Utal na pagsasalita ng albularyo. Napasigaw si mommy at ate Janice ng mag-laglagan ang mga gamit sa bahay. Hinila ako ni mommy patayo at niyakap. 

‘Yung mga garapon na kaninang nasa divider ay nabasag, kalat ang bubog sa sahig. ‘Yung mga nakasabit sa dingding mga gumalaw. Lumapit samin si ate Janice at yumakap samin ni mommy. Bakas sa kaniya ang takot. 

“U-umalis na kayo!”

Lahat kami nabaling ang tingin sa albularyo. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. Napatingin ako sa kaniyang braso malapit sa kaniyang pulso, meron doon namumuong malaking itim na hugis kamay na kanina ay wala.

“Umalis na kayo ngayon din!” Nanlilisik ang mata niyang nakatingin samin. Bigla akong natakot.

“’Tang K-kadyot.” Nahintakutan tawag ni Ate Janice. Kinuha ng albularyo ang towel niya at tinakip sa kaniyang braso, napansin niyang nakatingin ako doon.

“Umalis na kayo Janice, ialis mo ang mga taong ‘yan sa bahay ko!” May diin nitong kumento. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya? Kung bakit gusto niya kaming paalisin? At kung bakit naka-meron siya ng itim na bakas sa braso na hugis kamay?

Lumapit samin si daddy at hinila kami palabas sa bahay, ngunit muling nag-salita ang albularyo na kinahinto namin.

“Hindi na ako ang kailangan ng anak nyo.” Saad nito na kinalukot ng noo ng parents ko. Lalabas na sana kami ng mag-salita muli ang albularyo.

"Mag handa kayo nag-uumpisa palang siya malayo pa ang katapusan." Pahabol nito pero kinaladkad na kami ni daddy palabas ng bahay.








***

Note:

Salamat sa nagbabasa. Vote, comment, share. Kung trip ninyo. Hahaha

Btw, 'yung latin na ginamit ko ay isang dasal. Dasal na nakapag-papaalis ng demonyo at bad spirits.

(⁠•⁠ө⁠•⁠)⁠♡

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now