43: Liv

24 2 0
                                    

CHIDUCK

Maagang umalis si Father Samuel at Sister Editha, madilim pa nung nilisan nila ang simbahan para pumunta sa kaibigan ni Father Samuel na tutulong samin. Ngayon ay alas-siyete na nang umaga.

Kayayari lang namin kumain ni Motmot kasabay ‘yung alaga ni Father Samuel na si Garu, si Garu ay lumaki kay Father Samuel at kinamulatan ang pagiging Catholic. Fourteen years old palang si Garu, maliit at maputi, sabi niya nag-aaral siya ng seminary at kalaunan ay getting trained to be exorcist, like Father Samuel do.

“Ate Chiduck may naghahanap sayo.” Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Garu. Nasa loob kami ng kuwarto kung saan kami natulog kagabi.

“Sino daw?” Tanong ko habang nakaupo sa kama katabi si Motmot. Si Motmot ay busy sa cellphone ko.

“Ah, Bulb yata ang sabi nya, e. Kilala mo ba?”

Nangunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito? “Nasaan ba siya? Hindi mo pinapasok?”

“Ayaw niya, e. ‘Di daw siya pwedeng pumasok sa loob.”

“Bakit daw?”

“Takot daw siya sa Diyos.”

Natutop ako sa kinauupuan sa narinig. Ano daw? Takot sa Diyos? Bakit paanong nangyari ‘yon? May ganun bang tao?

Nabaling ang tingin ko kay Motmot ng humalakhak siya ng tawa dahil sa pinanonood na video. Nakasandal siya sa pader habang nakaunat ang paa.

“Ano, Ate Chiduck paaalisin koba?” Nabalik ang tingin ko kay Garu ng magsalita siya.

“Hindi na. Nasaan gawi ba siya?”

“Nasa labas ng simbahan.”

“Sige puntahan ko nalang, dito ka muna kay Motmot.” Tumango siya at lumapit kay Motmot. Ako nama’y nagtungo sa pinto at lumabas.

Pagkalabas ko ng simbahan nasulyapan ko si Bulb sa kabilang kalsada. Naka hoodie at nakapasok ang kamay sa bulsa, natatabunan din ang kaniyang noo ng mismong hood. Simple lang ang ayos pero may dating sa ‘kin.

Lalakad na ako palapit sa kaniya ng muli akong napahinto. Napaisip ako, sinabi ko bang may dating siya sa ‘kin?

Napailing ako. Pag-angat ko ng tingin nagulat ako ng makitang nakadapo sa ‘kin ang tingin niya, hindi lang basta tingin parang titig na.

Naglakad na ‘ko patungo sa kaniya at tumawid ng kalsada. Pagkarating ko sa harapan niya hindi parin siya nakurap.

“Bulb?” Bigkas ko, tumagilid ang ulo ko pakanan. Niwagayway ko ang kamay sa harapan niya. Doon lang siya natauhan at gumalaw.

“Uhm, ano — mabuti nalang at umalis na kayo sa inyo.” Kumunot ang noo ko sa straightforward niyang saad.

“Kagabi lang.” Sagot ko at naglakad patungo sa silong ng isang karinderya sa tapat. Wala pang tao dahil maaga pa, pero pwede naman maupo.

Tumingin ako sa likod ko at napansing sumusunod sa ‘kin si Bulb. Pagkaupo ko sa isang silya umupo rin siya, magkaharap kami.

“Bakit nandito ka? Bakit ayaw mong pumasok sa loob ng simbahan?” Tanong ko. Inikot ko ang tingin sa karinderya, ilang pares ng lamesa at mga silya, may mini counter kung saan doon nakalagay ang mga ulam, meron ding menu na nakalagay sa itaas para makita ng customer ang mga putahe nila, nakatarpulin ‘yon.

“Hindi ko kaya.” Bumalik ang tingin ko kay Bulb.

“Anong hindi mo kaya?” Ulit ko.

Tumingin siya sa ‘kin, diretso sa mga mata ko. “Hindi ko kayang lumapit sa Diyos, masusunog ako.”

Umawang ang labi ko.

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko sigurado kung paano sasagot. Bakit kasi ang weird niya? Inalis ko ang bara sa lalamunan at muling nagsalita. “G-gusto mo bang umorder? Baka meron na silang lugaw dito.” Pagbabago ko sa tapic.

Hindi siya kumibo at nakatitig padin sa ‘kin. Nailang tuloy ako at umiwas ng tingin.

“Masaya akong nalaman mona ang katotohanan.”

May pumiltik na ugat sa sintido ko sa turan niya. Binalik ko ang tingin sa kaniya na nanlalaki ang mata. Nabibingi ba ako? Napakurap ako. “A-anong sabi mo?” Hindi siya sumagot at tanging pag-ngiti ang sinukli.

“Simula palang, mula nung magbago ka, lagi kang sumusulpot kung nasaan ako, hindi ko maintindihan puro weird nalang ang nangyayari sa paligid ko at kasama ka doon.” Huminga ako ng malalim, binaba ko ang kamay sa pagitan ng hita. “Weird ka, para ka ding si dad, mga nagbabago ang ugali ninyo matapos kayong maaksidente.”

Hindi siya nakakibo sa tinuran ko, binaba niya ang tingin. Para bang may nagtatalo sa kalooban niya. “Sino kaba talaga, Bulb? ‘Wag kana magsinungaling, dahil ang totoong Bulb ay kabaligtaran ng ugali mo ngayon. . . ang totoong Bulb ay addict! Naninigarilyo, gumagamit ng pinagbabawal na gamot, at higit sa lahat takot sa kaniya ang lahat sa campus.”

“Tama ka.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Tama ako?”

“Tama ka.”

Napatitig ako sa kaniya at napakamot sa ulo. “Pwede bang paki-elaborate?”

Tumitig siya sa mga mata ko, pati yata kaluluwa ko nakikita niya. “Hindi ako so Bulb.”

Tama ako. Noon pa man. “Kung hindi ka si Bulb, sino ka? Anong ginawa mo sa kaniya? Kailangan ko itong ipaalam kay Father Samuel.”

“Hindi, ‘wag — sandali, magpapaliwanag ako.” Mabilis niyang turan, mukhang na tense sa bigla kong arangkada. Hindi ko alam pero hindi ako natatakot sa kaniya. “Ako, ako ‘yung madalas mong makita.”

Napansin ko ang mabilis na pagdaan ng kalungkutan sa kaniyang mata, ano ‘yon? Hindi ko maintindihan? Bakit nagkakameron siya ng emosyon?

“Anong madalas kong makita?” Tanong ko nalang.

“Ang shadow.”

Nahagit ko ang hininga at napaayos ng upo. “Alin ka sa dalawa.” Sumasakit yata ang ulo ko.

“Ang bansag sa ‘kin ng kapatid mo’y, Liv.”

Para akong tinakasan ng ulirat sa narinig. Humigpit ang hawak ko sa aking isang kamay. Liv? Kay Bulb ba siya sumapi? At 'yung Viv kay dad?

“Mabait ako ‘wag ka matakot sa ‘kin.” Dugtong niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Siguro nararamdaman niya ang pagkabalisa ko at takot.

“Chiduck hindi kita sasaktan, maniwala ka, please, nandito lang ako para balaan ka — kayo ng kapatid mo.” Halos mag-makaawa na siya.

Lumunok ako.

“Kaya, kaya ba sabi mo umalis na kami sa bahay noon? Kaya ba pinipilit mo akong mag-ingat at dumistansya kay daddy?” Inangat ko ang tingin, diretso sa kaniyang mata. Tumango lang siya bilang sang-ayon. Naiintindihan kona. “Kung ganun, sino ang nasa katawan ni daddy ngayon?”

Tanong ko parin kahit may idea na 'ko. Gusto ko lang marinig mismo sa kaniya.

“Ang tawag sa kaniya ng kapatid mo’y, Viv.”

Napanganga ako. Ibig sabihin talagang nakikita ni Motmot ang dalawang shadow? At ang nasa katawan ni dad ay 'yung masama? Umangat ang tingin ko kay Bulb. Nanginginig ang labi ko na hindi alam ang sasabihin.

“Siya ang masama, Chiduck. Siya ang magpapahamak sa inyong magkapatid. Pero ako, hindi.”

“Bakit.” Tanging nasabi ko nalang. Tumititig ako sa kaniya at naghintay ng sagot. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago sumagot.

“May gusto ako sayo.” Diretsa niyang saad.

Kumabog ang dibdib ko sa salitang ‘yon. Hindi ko expected. Nagulat ako. Nabigla. Ilang minuto akong natulala dahil hindi mag sink-in sa ‘kin ang sinabi niya. Inalis ko ang bara sa lalamunan at muling nagtanong. “Paano mo nakuha ang katawan ni, Bulb?” Pagbago ko sa topic.

Tumitig siya sa ‘kin. “Wala na siyang buhay nang hawakan ko ang katawan niya, nagising akong narito na sa katawang ‘to.”

Kumunot ang noo ko. Inalala ko ang napanood namin video tungkol kay Bulb noon. Kung saan siya nasaksak at tumayo na walang emosyon. “Nangyari ba ito nung nakabulagta nalang si Bulb matapos siyang pagtulungan at saksakin ng dalawang lalaki sa dibdib at tagiliran?” Tanong ko.

“Tama, nang makaalis ang kaluluwa niya sa katawang ‘to, hinawakan ko ang katawang lupa niya at paggising ko nasa katawang ito na 'ko, pag-aari kona ito.”

Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. Nakakabaliw. Ngunit, may mga bagay na hindi maipapaliwanag ng siyensya.

“Iyong panaginip ko? Tungkol sa pinangyarihan ng krimen kung saan namatay ang totoong Bulb. . . “ Huminto muna ako panandalian at huminga ng malalim. “Sa panaginip na ‘yon napunta ako kung nasaan si Bulb, nakita ko kung paano siya pinatay at binugbog.” Tumingin ako sa kaniya.

“Ang pinagtataka ko nakita ko ang shadow doon, at tinuturo niya si Bulb?”

“Ako 'yon ang nakita mo.” Sagot niya.

“Kaya mo siya tinuro sa panaginip ko dahil sumapi ka sa kaniya at kaya kilala mo 'ko, ganun ba?”

“Ganun nga.”

Napatango ako. “Ibig sabihin si dad hindi talaga si dad? Nakita ko rin ang shadow o ikaw na itinuro ang katawan niya.”

“Binalaan lang kita na hindi siya ang daddy mo.” Tumititig siya sa mga mata ko, tapos niliko ang tingin sa simbahan. “Kailangan ko ng umalis.”

“Ha? Bakit? May pupuntahan kaba?” Tanong ko. Hindi parin nawawala ang tingin niya sa simbahan kaharap ng karinderyang kinauupuan namin. Para bang nasasaktan siya, makita o makalapit lang ng konti sa simbahan.

“Hindi ko. . . “ Tumingin siya sa ‘kin bago magpatuloy. “Hindi ko kayang magtagal sa harap ng bahay ng Diyos.”

Tumayo na siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa dumapo muli ang mata niya sa ‘kin.

“Mag-iingat ka.” Matapos niyang sabihin ang salitang ‘yon naglakad na siya palayo, hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Gusto ko sanang itanong kung makikita ko pa siya ulit?







***

To be continued.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now