9. Pagbabago

41 3 0
                                    

CHIDUCK

Monday.

Nakatitig ako sa kisame habang nag-iisip. 7:30am palang at tinatamad pa 'kong bumangon. Three days lang na-confined si daddy at pinauwi narin after. Ngayon magaling na siya at parang walang nangyari.

“Chiduck?”

Napatingin ako sa pinto. “D-dad anong ginagawa mo dito?” Gulat kong tanong, dumako ang tingin ko sa tray niyang dala.

Pumasok siya at sinara ang pinto.

“Breakfast.” Saad niya at tinaas ang dalang pagkain. Umupo ako sa kama at hindi makapaniwala. Never ginawa ito ni daddy kaya nagtataka ako.

“Magaling kana ba, Dad?” Hindi ko siguradong tanong. Nagsalubong ang kilay niya at parang nagtataka sa tanong ko.

“Oo naman, bakit mo natanong? Mukha bang hindi ako okay?”

Umiling ako.

Nilapag niya ang pagkain sa ibabaw ng kama ko. May bowl ng sinangag tapos itlog at hotdog ang ulam.

“Kain ka muna.” Utos niya, dinasog ang kutsara at tinidor sa ‘kin. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ngayon ‘to?

“Ayaw moba ng ulam?” Nagtataka niyang tanong. Sinalubong ko ang tingin niya at matipid na ngumiti.

“Gusto po. Pero, kasi Dad hindi ka naman ganito sa ‘kin?” Kinagat ko ang dila sa loob ng bibig. Baka magalit siya Chiduck tigilan mona, bilin ko sa madaldal kong bibig.

Natawa si daddy at tumango-tango. “Gusto kong bumawi sayo, anak.”

Nanlaki ang mata ko. Tama ba rinig ko? Nakatingin siya sa 'kin ng sincere. Para bang sinasabi niyang patawarin ko siya sa nagawa niya noon?

Napalunok ako at tumango.

Tinawag niya akong anak at ang saya ko. Ngayon ang unang beses na tinawag niya akong anak at kakaiba ang pakiramdam. Masaya.

Parang nagtutubig ang gilid ng mata ko.

“Pag-pasensyahan mo si daddy kung hindi naging maganda ang pakikitungo niya noon pero babawi siya ngayon.”

Kinagat ko ang labi kasabay ng pagtulo ng luha. Bakit masaya ‘kong marinig ‘yon? Bakit ang saya-saya ko? Gusto kong lumundag. Ang gaan ng loob ko.

“D-dad.” Utal kong saad, mangiyak-ngiyak.

“Alam ko, I’m sorry Chiduck.”

Napangiti ako at pinunasan ang luha. Hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam. Basta masaya ako. Sobrang saya ko.

“Thank you po.” Turan ko. Tumango lang siya sa ‘kin at inasog ang pagkain sa ‘kin.

“Kumain ka para sayo 'yan.”

Tumango at kinuha ang kutsara at tinidor. Masaya ako. Sobrang saya ko. Okay na kami ni daddy.

Nakakaisang subo palang ako ng pumasok si mommy sa kuwarto ko. Nagulat siya at napatingin samin.

“Endzone? Narito ka pala?” Nanlaki ang mata niya.

“Nagdala ako ng breakfast sa anak natin.” Sagot ni daddy. Nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy pero mabilis niyang nabawi, ngumiti siya samin at tumango.

Lumapit si mommy samin at umupo sa kabilang side ng kama.

“Ngayon lang kita nakitang ganyan, anong meron?” Pabirong turan ni mommy.

“Baka kasi na-trauma ang anak natin dahil sa nangyari.”

Nagkatinginan kami ni mommy. Ngumiti lang siya sa ‘kin at tumango.





________





Nakatutok ako sa laptop at nanonood ng movie'ng 'The Cabin In The Woods'.

12:11 pm na ng hapon, nakagayak nako at papasok nalang mamayang 1pm. Napatakip ako sa bibig dahil nasa likod ng bida ang killer. Shit ka! Tanga nasa likod mo bobo!

“Anak?”

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Pinindot ko ang pause bago nagsalita. “Pasok po.”

Nasa work na si mommy at nasa school narin si Motmot kaya si daddy ‘yan. Pumasok siya sa kuwarto kong nakangiti. Hindi ako sanay na ganito siya pero masaya ako.

“Bakit po, Dad?” Tanong ko. Umayos ako ng upo sa kama.

“Naka-uniform kana pala? Papasok kaba?”

Tumango ako. “Opo, 1pm ‘yung dating ng school bus.”

Tumango siya at umupo sa gilid ng kama ko. Napatingin siya sa pinanonood ko.

“Anong movie ‘yan? Hindi kapa legal age bawal kang manood ng may rated, okay.”

Natawa ako sa saad ni daddy, parang nung isang araw lang sinabihan niya akong seventeen na at hindi na dapat ginagawang baby.

“Okay lang ‘to, Dad. Hindi naman ‘to rated spg, e.” Sagot ko.

“Baka naman may boyfriend kana?”

Nanlaki ang mata ko.

“Dad kung ano-anong sinasabi mo.” Nakangiti kong saad. Paano ako magkakameron ng boyfriend kung tingin sa ‘kin ng mga classmates ko weird?

“Bakit? Masama bang magtanong? Syempre dalaga kana at baka hindi ko alam may manliligaw kana pala.”

Umiling ako. Ngayon lang si daddy naging ganito at ang sarap sa pakiramdam.

“Bakit nga pala narito ka, Dad? Hindi ka pumunta sa restaurant mo?” Pagbabago ko sa topic.

“Hindi importante sa ‘kin ang restaurant mas importante ka.”

Kumunot ang noo ko. Workaholics siya at alam kong importante ang negosyo sa kaniya, pero ngumiti nalang ako at tumango.

“Importante rin kayo sa ‘kin, Daddy.” Masaya kong saad. Sobrang saya kong nagbago ang pakikitungo niya sa ‘kin. Sobra.







***


Note:

Ito na ang pagbabago, eyy enebe!
(⁠人⁠*⁠´⁠∀⁠`⁠)⁠。⁠*゚⁠+ HAHAHA, happy yarn?
‘Diko na maipagkakaila. . . may sayad talaga ako. Huhu (⁠ ⁠⚈̥̥̥̥̥́⁠⌢⁠⚈̥̥̥̥̥̀⁠)

*Mag vote na kasi kayo at comment huhu (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠)




Who Are You ShadowOnde as histórias ganham vida. Descobre agora