6: Hagdan

42 3 0
                                    

CHIDUCK

Naalimpungatan ako dahil sa pangangalay ng leeg. Nakatulog pala ako sa gilid ng kama kakaiyak.

Tumingin ako sa orasan, seven o’clock. Ganun katagal ang tulog ko? Kaya pala ang sakit ng leeg ko.

Tumayo ako at nagbukas ng ilaw sa room ko. Nilapitan ko ang phone kong nag-riring, si mommy.

“Hello, Mom?” Saad ko sa kabilang linya.

“Chiduck ‘nak?”

“Yes po?” Umupo ako sa kama habang kausap siya.

“Bukas na ‘ko ng umaga makauwi, ha. Over time kami ngayon sa work.”

“Sige po.”

“Kumain kana ba? Nasan si daddy mo at si Motmot?”

“Kakain palang po. Si daddy po baka nasa kuwarto ninyo, si Motmot for sure tulog na po ‘yon.”

“Bakit ang tamlay ng boses mo? May nangyari ba? Naibigay moba ‘yung gift at letter mo kay daddy mo?” Nag-aalalang tanong niya. Alam niya ang tungkol sa binigay ko kay daddy dahil siya ang kasama kong bumili ng Seiko Watch sa mall.

“Nakatulog po kasi ako at naibigay kona kay daddy ‘yung gift at letter.”

“Ano naman reaction ng daddy mo? Anong sabi niya?” Natahimik ako sa turan niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. “Nagalit na naman ba siya?” 

Hindi ako nakaimik.

“M-medyo. Sige na po, k-kakain lang ako.” Medyo utal kong saad. Naiiyak kasi ako kapag naaalala.

Pinatay kona ang tawag. Ayokong ikwento kay mommy saka nalang siguro.

Paglabas ko sa kuwarto patay na ang ilaw sa pasilyo, nalungkot ako na maisip na hindi manlang ako kinatok ni daddy para kumain ng dinner. Hindi manlang ako naalala.

Pababa na ‘ko sa hagdan ng may maaninag ako. Kahit kasi madilim sa bahay may dim light namang nakasindi.

Sa ibabang bahagi ng hagdan may nakatayo, nakatalikod ito sa ‘kin ngunit kita ang mahaba at kulot nitong buhok pati narin ang suot niyang saya na hanggang talampakan niya.

Umatras ako palayo sa hagdan, dahil sigurado akong siya ang nakita ko sa Bulacan. Isang diretso ang hagdan, ako ang nasa itaas at siya ang nasa ibaba.

Hindi ko siya inalisan ng tingin habang naatras. Ayokong maglaho siya sa paningin ko dahil baka bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko.

Napakurap ako sandali pero pagbalik ko ng tingin wala na siya doon. 

'Gusto ka ng demonyo isasama ka niya at wala kang magagawa'

Napasigaw ako ng may bumulong sa tenga ko. Niliko ko ang tingin ngunit walang tao. Ano 'yon? Siya ba 'yon? Kinilabutan ako at tinakpan ang magkabilang tenga. Ayoko siyang marinig. Ayoko.

Nagulat ako ng mahulog ang vase at mabasag, doon ko napansin nadanggis ko pala. Kinabahan ako dahil collection vase ito ni dad siguradong magagalit siya kapag nakita niya.

Sa hagdan wala na ang matandang babae pero may pumalit, nakatayo siya ngayon sa gitnang bahagi at nakaharap sa ‘kin. Itim ang kaniyang anyo at hugis tao.

Ang shadow.

Hindi ko alam kung anong nilalang siya at kung bakit siya nagpapakita sa 'kin.

Ginagambala niya ako. Hindi niya ako tinitigilan. Ayaw niya akong patahimikin.

Nanginig ako ng humakbang siya paakyat. Gusto kong umalis, gusto kong tumakbo pero hindi ako makaalis. Hindi ako makagalaw.

Para lamang siyang taong umaakyat sa hagdan. Normal ang paggalaw pero walang anyo puro lamang itim.

Sa pagkurap ko nasa harap kona ang shadow, inangat niya ang kamay at parang inaabot ako. Hindi ko alam ang gagawin, napatulala ako.

"W-who, who are you shadow?" Bigkas ko kahit walang salitang lumabas sa bibig ko. Nangyayari ang ganito tuwing nasa harapan ko siya. Tuwing nagpapakita siya.

Tumindi ang takot ko ng ilapit pa niya ang kamay sa ‘kin. Gusto niyang abutin ko ito?

“Anong nangyari at bakit ka sumigaw?”

Biglang bumukas ang ilaw, naglahong parang bula ang shadow sa harap ko. May humila sa braso ko at hinarap sa kaniya. “Ano? Bakit ka sumigaw?” Si daddy. Kunot noo at may inis sa mata.

Hindi ako umimik. Niyakap ko siya na kinagulat niya. Mabuti nalang at dumating siya para mawala ang shadow sa harap ko.

“Teka nga ano bang problema mo?" Nilayo niya ako sa kaniya, salubong na naman ang kilay.

“Kasi po nakakita ako ng multo sa hagdan, tapos ‘yung shadow inaabot niya ang kamay — “

“Hanggang ngayon ba naman?” Pagputol niya sa 'kin, may pagkairita ang boses at napahilot sa sintido.

Nagsasabi naman ako ng totoo.

“Pwede ba, Chiduck? Tigilan mo ang pagbanggit sa shadow na ‘yon? Nakakairita, e!” Pagalit niyang saad.

Tumikom ang bibig ko. Hindi ko maintindihan pero kapag si dad ang kaharap ko, feeling ko maiiyak ako. Lagi nalang ganito.

Napatingin siya sa vase sa likuran ko. Napalunok ako dahil don.

“Nabasag mo ba ‘yan?” Tumaas ang boses niya. Kinarate ako ng kaba. Siguradong magagalit siya.

"Ikaw ba ang nakabasag?" Ulit niya. Napahilot siya sa sintido siguradong galit na.

“SAGOT!”

Napapitlag ako. Nanginginig ang labi kong pilit kong pinigilan.

“A-ah, kasi po, a-ano nung nakita ko ang shadow, nagulat ako at hindi nakita na nasa likod ko pala ang v-vase sorry po, Dad. Hindi ko naman sinadya ang — “

“TAMA NA! ANG ALAM KASI NG KOKOTE MO PURO SHADOW! SHADOW! SHADOW! TINATAKOT MO LANG ANG SARILI MO!” Bulyaw niya sa ‘kin. Nanggagalaiti ang ugat niya sa leeg.

“P-pero, nag-sasabi lang ako ng totoo, Dad.” Naiiyak kong turan. Nilagay ko ang kamay sa likod dahil nanginginig na naman.

“KALOKOHAN ANG SHADOW! WALANG SHADOW! KATHANG ISIP LANG! KAYA TIGILAN MONA ANG PAG-BANGGIT DIYAN!”

Sumikip ang dibdib ko. Hindi kona napigilan at naiyak na talaga ako.

“ANONG INAARTE MO? ANO? MAG-SUSUMBONG KA SA MOMMY MO! E, KASALANAN MO NAMAN KUNG BAKIT NABASAG 'YANG ANTIQUE'NG VASE NA 'YAN!”

“B-bakit ba, bakit ba lagi kang galit sa ‘kin?” Mula sa nanlalabo kong mata pansin ko ang pag-igting ng panga niya.

“LINISIN MO ‘YAN BAGO KA PUMASOK SA KUWARTO MO!” Sigaw niya at tinuro ang basag na vase. Tatalikod na siya ng mag-salita ako.

“B-bakit. . . bakit ganyan ka sa ‘kin Dad? Bakit ang sama-sama mo sa ‘kin? May ginawa ba akong kinagagalit mo? Lagi nalang si Motmot ang bida sayo, e! Lagi nalang siya! Ako, tuwing nag-eeffort ako para bigyan ka ng gift hindi mo na-appreciated, puro ka busy sa work! Pero kapag si Motmot, masyado kang mabait. Lagi nalang siyang bida! Ako, anak mo ba ako? Bakit lagi nalang akong nanlilimos sayo ng pagma — “

Tumabingi ang pisngi ko. Tuluyan na ‘kong napaiyak. Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi sa lakas ng sampal sa ‘kin. Ito ang kauna-unahang sinaktan niya ako.

“WALA KANG KARAPATAN SIGAWAN AKO!” Kitang-kita ko ang pagtangis ng bagang niya. Ang pagka-inis sa mukha niya. “TANDAAN MO, ANAK LANG KITA! WALA KANG KARAPATAN!"








***


Note:

Thank you for reading, vote, comments, share!

Thank u (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡ muahhh

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now