42: Simbahan

22 2 0
                                    

CHIDUCK

“Maupo ka muna.” Saad ni Sister Editha, hinila ang silyang monobloc chair para paupuin ako.

“Salamat po.” Nakangiti kong turan. Hawak ko ang maliit na kamay ni Motmot. Narito kami sa simbahan — Our Lady of Perpetual Help Parish. Catholic church.

Inikot ko ang tingin, nasa kusina kami dahil may lababo at lutuan sa gilid ng pader, at narito kami ngayon sa lamesa kung saan sila kumakain.

“Maghintay lang tayo saglit at si Father Samuel may inaasikaso pa.”

Tumango ako. Willing naman kaming maghintay magkapatid. Binaba ko ang tingin kay Motmot, nakasandal ang katawan niya sa hita ko kasabay ng pangungusap ng mata.

“Ate I’m so sleepy na.” Matamlay niyang saad at inangat ang tingin sa ‘kin. Kinuskos niya ang mata.

“May isa pa kaming kuwarto dito, hayaan mo munang matulog ang kapatid mo.” Napangiti ako sa suggestion ni Sister Editha.

"Sige po."

Dinala niya kami sa maliit na kuwarto dito parin sa simbahan. Inikot ko ang tingin, may kama sa gilid at electricfan sa paanan, meron ding table sa gilid at simpleng lampshade, puti ang kisame at wall ng kuwarto. Walang decorations sa loob maliban sa importanteng gamit.

Lumapit si Sister Editha sa kama at inayos ang sapin non para sa higaan ni Motmot. “Halina at ika’y matulog na para lumaki ka.” Biro niya kay Motmot.

Hinayaan kong sumampa roon si Motmot at mahiga. Ngumiti ako ng kumutan niya ang sarili at tumagilid ng higa. “Goodnight po.” Magalang niyang saad.

Tumango si Sister Editha. “Goodnight too, sweet dreams.” Nakangiti niyang turan.

Dinaluhan ako ng tingin ni Motmot, lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo. “Goodnight, I love you.”

“I love you too, Ate.”

Tumango ako.”Tulog kana, okay?”

Tumango siya. "Are we going home tomorrow na?”

Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. 





______






Matapos namin iayos si Motmot sa higaan bumalik na kami ni Sister sa lamesa, para hintayin si Father Samuel. Hindi naman siya lalamukin sa kuwarto dahil nakasindi ang electricfan.

“Gusto mo ba ng kape? Pagtitimpla kita?” Umangat ang tingin ko kay Sister Editha. Sasagot palang ako ng muli siyang magsalita. “Huwag kang mag-alala gagawa din ako ng akin.”

Tumango ako at umupo muli sa inupuan ko kanina. Nakatitig lang ako sa pagtitimpla niya.

“Kamusta ka, Chiduck?” Tanong niya, boses ng nag-aalalang magulang sa kaniyang anak.

“Okay po ako, Sister.” Magalang kong saad.

“Matagal kanang nagsisimba dito at kilala na kita, wala kang maitatago sa ‘kin.” Tumingin siya sa ‘kin bago binuhat ang tasa ng kape at ilapag sa harap ko.

Tama siya. Kilala niya ako at siguradong napapansin niyang may kakaiba sa 'kin. Bumuntong hininga ako. Mainam pang umamin nalang dahil 'yun din naman ang pinunta ko dito.

“Marami pong gumugulo sa isipan ko na hindi ko mapaliwanag.” Pagkukwento ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Hindi rin nagtagal bumukas ang pinto at niluwa si Father Samuel. Suot niya’y pang padreng kasuotan, may krus na necklace sa dibdib at holy bible na bitbit. 

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now