24: Mabisyo

44 3 0
                                    

CHIDUCK

“Ipapahatid sana kita kaya lang wala ang sasakyan namin.” Dismiyadong saad ni Shawy. Alas-tres palang ng hapon at pauwi na 'ko.

“Okay lang, may sakayan naman sa labas ng subdivision nyo.”

“Kahit na. Hintayin mo nalang kaya si daddy at ipapahatid kita sa driver?” Suggestion niya na kinailing ko.

“Okay lang, isa pa baka magtaka sila mom at dad kung gabi na ‘ko makakauwi, diba? Tama lang na tinapat ko sa uwian natin sa school.” Nasa main door na kami, nagpapaalam na ‘ko para umuwi. Si Nomin kanina pa umuwi dahil may emergency daw sa bahay nila.

“Sige, tara sasamahan kita sa gate ng subdivision.”

Umuling ako. “Hindi na kailangan, kaya ko naman.” Lumabas na ‘ko at kumaway.

“Ingat ka, ha! See you tom! Bye!” Kumaway siya sa ‘kin pabalik, tumango lamang ako at lumabas na.

Napatingin ako sa langit, makulimlim at uulan pa yata.

Binilisan ko ang lakad. Ang tahimik ng kalsada dahil madalang ang dumadaan at nakapalibot ang nagtataasan mga bahay.

“Grrrrrr!”

Agad akong napagitna sa kalsada ng makarinig ng angil. Pagtingin ko sa saradong gate may malaking asong nakatingin sa ‘kin, umaangil ito habang nakasilip sa saradong gate.

“Anong problema mong aso ka?” Bulong ko at muling nagpatuloy sa paglalakad. Dahil wala naman dumadaan sa mismong gitna nalang ako naglakad. Habang ginagawa ko ‘yon sunod-sunod ang naririnig kong pag-angil ng aso.

Nilingon ko ang bawat saradong gate na aking nadadaanan, ang mga aso’y nagwawala at nginingirngiran ako. Problema ng mga asong ‘to?

Nakasilip sila sa mga saradong gate, 'yung iba ini-scratch ang kuko sa bakal na parang gustong gusto makalabas.

Binilisan ko ang lakad at hindi pinansin ang mga asong umaangil. Hindi na ‘ko gumilid sa kalsada dahil lalo silang nagwawala kaya sa gitna na ‘ko naglakad gigilid nalang ako kapag may dadaan.

Paliko na ‘ko sa kanan kalsada ng mapahinto ako. Kung kailan malapit na 'ko sa gate ng subdivision.

“Grrrrrr!”

Napaatras ako ng isang hakbang. Nasa harapan ko ngayon ang isang malaking aso. Nakalabas ang dalawang pangil at umaangil sa ‘kin. Parang any minutes sasakmalin niya ako.

“Grrrrrr!”

“D-doggie padaanin mo ‘ko.” Kinakabahan kong saad. Hindi naman sana ako kumakain ng laman ng aso pero bakit inaangilan ako?

“Grrrrrrr!”

Humakbang ito palapit kaya napaatras ako. Subukan mo lang akong kagatin papatayin kita. Banta ko.

Ready na 'kong tumakbo ng susugod ang aso papunta sa ‘kin ng biglang may lumabas na pusang itim sa gilid, agad itong pumagitna at umangil sa aso. Nakataas ang balahibo nito at handang umatake. Ganito 'yung mga galit na pusa.

Napaatras ako ng mag-away ang dalawa. Para silang wild animals, ang babangis. Kinalmot ng pusa ang aso dahilan ng pag-atungal nito. Nang makakuha ng pagkakataon ang aso mabilis itong tumakbo palayo sa pusa.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at wala na.

“Alam mo kung anong hayop ang alaga ni Lucifer?”

Muntik na ‘kong mapatalon sa gulat. Napahawak ako sa dibdib at madiin pinikit ang mata. Bakit may mga taong ang hilig manggulat?

Tumingin ako sa likuran ko, halos malaglag ang panga ko ng si ano 'to. Anong ginagawa niya dito? Nakatingin siya sa itim na pusa, nasa gilid ng kalsada. Nakabulsa ang dalawa niyang kamay at feeling cool.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now