36: Orphanage

39 2 0
                                    

CHIDUCK

Maaga akong bumangon para magluto ng umagahan dahil wala parin si daddy, hindi siya umuwi at hindi ko alam kung saan siya natulog.

Buong atensyon ko'y nasa aking hinahalong sinangag, tapos ko nang iprito ang itlog at ham. Tulog pa si Motmot kaya hindi ako nagmamadali saka doon ko siya pinatulog sa kuwarto ko para may kasama ako. Walang choice kundi magluto dahil malabong si mommy ang gumawa nito. Masyado siyang out of herself para gawin ang gawain bahay. 

Muntik na ‘kong mapatalon sa gulat ng may humawak sa balikat ko. Para akong hinabol ng kabayo sa biglang dating ng adrenaline rush. Nangilabot ako ng makita si mommy sa gilid ng mata ko. Nakangiti siya ng malaki na halos kita ang gilagid, dahan-dahan din tumatagilid ang kaniyang ulo pakaliwa para silipin ang mukha ko.

“Kamusta?" Nakangiti niyang kumento na kina-estatwa ko. Kulang nalang mapunit ang labi niya sa laki ng ngiti niya. Pero 'yung mata niya hindi kumukurap at nakatitig lang sa 'kin.

"Nagluluto ang kabit?” Madiin kong pinikit ang mata sa tinuran ni mommy. Hindi parin nawawala ang malawak niyang ngiti na kulang nalang mapunit ang labi niya.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Dinilat ko ang mata at pinatay ang apoy. Dahan-dahan akong humarap kay mommy, inalis niya ang kamay sa balikat ko. Pagkaharap ko sa kaniya muntik na ‘kong matakot, magulo ang buhok niya parang sinabunutan tapos malaki ang eyebag pero mas napukaw ang atensyo ko sa mapula niyang mata. Ang pula, parang sinabon pero siguradong dahil 'yon sa droga.

“Anong tinitingin-tingin mo!” Pinandilatan niya ako ng mata kasabay non ang pagpiltik ng ugat sa kaniyang sintido. Wala na ang nakakapangilabot niyang ngiti bumalik na sa pagiging seryoso. Iniwas ko ang tingin at pinirmi sa lamesa sa gilid.

“Bakit ka nagluluto?" Umangat ang tingin ko dahil sa seryoso niyang boses. Umawang ang labi ko para sumagot pero minabuti kong tumahimik nalang at muli itong itikom.

"Ikaw na ba ang asawa?” Muli niya akong pinandilatan ng mata. Hindi ko alam kung paano aapila. Masakit marinig ang ganun salita lalo sa sarili kong ina nanggaling. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon pero kahit ganun ngumiti parin ako kahit sobrang pilit.

“N-nakaluto na ‘ko Mommy mainam pa kumain na tayo, halina.” Medyo nautal pako dahil sa kaba. Hahawakan ko sana siya sa braso pero mabilis niya itong iniwas.

Naestatwa ako. May kumirot sa dibdib ko pero hindi ko nalang pinansin. Lumunok ako at ngumiti ng alanganin kahit parang gusto kong umiyak ngayon. Binaba ko ang kamay at madiin kinapit sa suot kong panjama.

"M-mommy kasi — " Naputol ang sasabihin ko sa malakas niyang halakhak. Muli akong napalunok at umiwas ng tingin. Kitang-kita sa gilid ng mata ko kung paano siya tumawa na parang baliw. Napapahawak pa sa tiyan.

Bumalik lang ang tingin ko sa kaniya ng ituro niya ang sarili habang tumatawa. "Ako?" Bigkas niya. “Papakain mo ‘ko ng gawa mo? No thanks baka may lason pa ‘yan.” Muli na naman siyang tumawa na parang baliw.

Bumuntong hininga ako at winaksi ang kakaibang pakiramdam. Matapos ang ilang segundong pagtawa muling nagsalita si mommy. “Nasaan ang asawa ko, kabit?”

Tinitigan niya ako ng mariin. Nanlilisik ang mata niya. Para akong hinihiwa ng mabagal at bawat tama ng talim dumidiin sa kalamnan ko.

“M-mom.” Feeling ko any moment tutulo luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi bago huminga ng malalim.

“B-bakit mo po ako pinaghihinalaan kahit walang katotohanan, Mom.” Iniwas ko ang tingin dahil nagtutubig ang mata ko. Para akong pinupunit sa bawat masasakit na salita. Bumabaon na parang kutsilyo.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now