26: Kutsilyo at tshirt

41 3 0
                                    

CHIDUCK

"Ang tanga talaga." Natampal ko ang noo. Nakalimutan kong igayak ang mga luma kong damit, sabi pala ni mommy dadalin niya ito sa orphanage bukas. Kababalik ko lang galing sa laundry room.

Tumayo ako sa kama at nagtungo sa closet. Inumpisahan kong alisin ang mga damit na hindi kona ginagamit. 'Yung mga pinaglumaan ko at 'yung maliit sa 'kin. Karamihan tshirt at shorts, meron ilang dress. Pati 'yung mga hindi kona ginagamit na sapatos sinama ko narin.

Nang mayari kong ilabas lahat ng 'di kona kailangan kinuha ko ang bag sa cabinet. Ngunit, may napansin ako sa ilalim nito. Nangunot ang noo ko.

Nilabas ko muna ang bag bago hinawi ang nakahanger na damit. Mula sa ibaba ng damit may napansin akong makinang na nakabalot sa tshirt. Kinuha ko ang damit at kinadkad kasabay non ang pagkahulog ng isang matalim na bagay, isang kutsilyo. Umawang ang labi ko. Bakit may ganito?

Binalingan ko ng tingin ang damit, may bahid ito ng dugo. Medyo tuyo na pero sigurado akong dugo ito. Paano nagkameron ng ganito ang P.E uniform ko? Bakit may ganito? Bakit may dugo?

Pinulot ko ang kutsilyong nahulog, tinitigan ko ito habang hawak sa puluhan. May natuyong pulang likido sa pinakatalim nito. Parang dugo? Bakit may ganito dito? Wala akong naalalang may ganito sa kuwarto ko?

Pilit kong inalala kung saan ko ito nakuha? Kung bakit may dugo ang tshirt ko at may kutsilyo?

"Chiduck ano 'yan?"

Sa gulat sa biglang may nagsalita agad kong naitago sa likuran ang tshirt at kutsilyo. Inangat ko ang tingin kay dad. Nakakunot ang noo niya at nagtataka ang mata.

"D-Dad, anong ginagawa mo dito?" Para akong tumakbo sa lagay na 'to. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso. Pumasok si dad sa walk-in closet ko.

"Ano 'yang hawak mo?" Agad nagsalubong ang kilay niya sa nakikitang reaction sa 'kin. Bakit ba ako kinakabahan?

Nang makalapit siya sa 'kin hinawakan niya ang braso ko at hinila pabalik sa harap, wala akong nagawa kundi ipakita sa kaniya ang hawak ko. Napalunok ako at sinalubong ang tingin niya. Kitang-kita ko ang paglaki ng kaniyang mata at pag-awang ng labi.

"Dugo ba ito? Anong ginawa mo, Chiduck? Pumatay kaba?"

Sa pagkabigla ko sa narinig agad akong napailing. Bakit naman ako papatay? "Hindi ko alam bakit may ganyan diyan."

Bumagsak ang balikat ni dad at hinawakan ako sa magkabilang braso. Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"May mental health problem kaba anak? Sabihin mo para matulungan ka namin ni mommy mo?"

"Wala, Dad. Ano bang sinasabi mo, nakita ko lang 'yan diyan!" Medyo inis kong saad. Para kasing iniisip niyang nababaliw ako. Kumalas ako sa hawak niya at naglakad palabas. Hawak ko parin ang kutsilyo at tshirt. Umupo ako sa kama na mabigat ang dibdib.

"Alam namin ang kalagayan mo, anak." Saad niya, umupo sa tabi ko.

"At anong kalagayan ang sinasabi mo, Dad?" Salubong ang kilay ko. Hindi ko gusto kung saan patungo ang usapan na 'to. Naiinis ako.

"Simula bata may mga bagay kanang nakikita na hindi namin nakikita, nagsasalita ka mag-isa na parang may kausap. Marami kang bagay na ginagawa na hindi ko gusto noon - "

"Kaya ba ganun mo 'ko patunguhan? Kaya ba iniiwasan mo 'ko na parang 'di mo anak?" May nagbabadyang luha sa mata ko. Hindi ko alam bakit nabuo ang conclusion na 'yon. Hindi ko naman kasalanan kung bakit may ganito akong kakayahan.

Tiningnan ko si dad. Hindi siya kumibo at iniwas lang ang tingin. Ano 'yon? So, tama nga ako? Dahil doon? Dahil kakaiba ako? Para akong unti-unting nababasag.

"D-Dad hindi ko gustong meron ako nito." Mabilis kong pinahid ang luha. Nakakainis. Bakit ba ako nasasaktan?

"Sa tingin ko kailangan mo ng makakatulong sayo. Isang eksperto sa mental health."

"Dad hindi ako baliw!" Halos mahulog ang eyeball ko sa sinasabi niya. Nakakasakit naman.

"Anak paano mo ipaliwanag ang bagay na 'yan?" Tinuro niya ang hawak ko. Doon ko napansin sobrang diin ng pagkahawak ko sa kutsilyo at tshirt. Para akong galit na galit. Nabitawan ko 'yon at nahulog sa carpet. Umawang ang labi kong sinalubong ang tingin ni dad.

"Nakita kita sa bahay ng mag-Dimonez kaninang umaga bago ka pumasok sa school."

Kumunot ang noo ko. Pumunta ako sa bahay ng mag-Dimonez? Bakit 'di ko maalala?

Imposible.

"Suot mo ang damit na 'yan." Tinuro niya ang tshirt ko. Parang biglang lumaki ang ulo ko. Napahawak ako dito.

"Imposible, Dad." Sinalubong ko ang tingin niya at umiling. "Hindi ako nagpunta doon."

Huminga siya ng malalim. Para bang sinasabi niyang nagsisinungaling ako.

"Ilan beses na kitang nakita na weird ang kilos, Chiduck." Huminto siya sa pagsasalita at pinulot ang P.E tshirt ko. "Ayokong isipin pero nakita kita. Nakita kitang lumabas sa bahay ng mag-Dimonez na puro dugo ito."

Tumulo ang luha ko. Hindi. Hindi 'yon totoo. Hindi ako killer. Hindi ako baliw.

"Hindi kita ihuhulog dahil anak kita. Walang nakakita kundi ako lang, ligtas sa 'kin ang sikreto mo."

"Hindi. Nagsisinungaling ka. Hindi ako baliw!" Tumiim ang bagang ko. May bombang gustong sumabog sa dibdib ko.

"Nandito lang ako para sayo. Kung ano man ang pinagdadaanan mo handa akong makinig." Ngumiti siya sa 'kin at hinagod ang buhok ko. "Ibabaon ko ito sa lupa ng walang makakita."

Hindi ako nakaimik. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Kinuha niya ang kutsilyo sa ibaba at binalot sa tshirt ko.

"Magpahinga ka muna sa kuwarto mo at ako ng bahala dito." Saad niya. Tumayo sa kama ko at lumabas. Bigla akong nakaramdam ng panlalambot. Humiga ako sa kama na umiikot ang tingin.

Ano bang nangyayari sa 'kin?







***

Note:

May idea ba kayo? Kindly pabasa ng idea pls. HAHA. (⁠~⁠ ̄⁠³⁠ ̄⁠)~ Thanks for reading :⁠-⁠) Send katol. Huhu.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now