41: Aalis tayo

28 2 0
                                    

CHIDUCK

Nagmamadali akong pumasok sa room ko. Nanginginig ang kamay na nilocked ang pinto at napasandal dito.

Shit. Ang gulo hindi ko alam ang iisipin. Si dad, hindi siya si dad. Ang totoong daddy namin hindi sasabihin ang ganun bagay. Pero kung hindi si daddy ‘yon, sino ‘yon? Anong ginawa niya sa totoong daddy namin?

Naguguluhan ako. Ang daming tanong ang nasa isip ko, na parang kapag hindi ko nailabas kababaliwan ko.

Nanlambot ang tuhod ko at dumausdos pababa sa sahig. Napasalampak ako at niyuko ang ulo sa pagitan ng tuhod.

Ang hirap isipin. Ang gulong isipin. Ano bang nangyayari? Ang gulo ng utak ko. Sana panaginip lang 'to.

‘Umalis kana hangga’t may oras pa’

Napadilat ako nang makarinig ng boses. Huminto rin ang tibok ng puso ko.

Napalunok ako.

Dahan-dahan kong niliko ang tingin sa gilid, nagpapatay-sindi ang ilaw, liliwanag didilim, parang horror movie. Ngunit, ayokong itaas ang tingin, natatakot akong makita ang mukha ng matandang babae. Alam kong siya ang bumubulong sa 'kin.

‘Umalis kana hangga’t may oras pa’

Nanigas ako sa kinauupuan kasabay ng paglaki ng mata. Ramdam ko ang kilabot na dumadaloy sa katawan ko. Hindi siya aalis, alam kong hindi siya aalis. Lumalamig sa loob ng kuwarto ko, kakaibang lamig na hindi ko mawari.

Pinikit ko ang mata at taimtim nanalangin.

"Our Father,
Who art in heaven,
hallowed be Thy name;
Thy kingdom come;
Thy will be done
on earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread;
and forgive us our trespasses
as we forgive those
who trespass against us;
and lead us not into temptation,
but deliver us from evil.
Amen."

‘Umalis kana hangga’t may oras pa’  Napahawak ako sa tenga sa malamig na hangin. Naglakas loob akong iangat ang tingin. Dumako ang tingin ko sa kurtina, nililipad ito dahil bukas ang bintana at may hangin — teka, paanong bukas ‘yon? Nakasara ‘yon kanina nung nasa labas pa ‘ko ng bahay?

Napalundag ako sa gulat ng maramdaman may tumabi sa ‘kin. Madiin kong pinikit ang mata at kumuyom ang kamaong nakahawak sa laylayan ng damit.

Napalunok ako.

‘Umalis kana hangga’t may oras pa’

Ramdam ko ang pag-ihip ng hangin sa gilid ng tenga ko. Ang lamig.

Muli akong napalunok. Binuka ko ang bibig para magtanong. Kailangan ko magtanong. “S-sino kaba talaga?”

‘Umalis kana hangga’t may oras pa’  paulit-ulit niyang bigkas.

“M-masama kaba o mabait?” Tanging nasabi ko nalang. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso, parang lalabas sa ribcage at tatakbo palayo sa 'kin.

‘Ikaw sa palagay mo, mabait o masama?’

Parang hangin na nag-lingered ang boses niya sa kuwarto. Binukas ko ang mata at tumingin sa kanang gilid. Pero wala na ang matanda doon. Inikot ko ang tingin at natagpuan ko siyang nakatayo sa paanan ng kama.

“M-mula, mula simula binabalaan mo 'ko kay daddy dahil ba alam mo ang totoo? Iyon ba 'yon?” Nanginginig ang labi na bigkas ko.

Lumawak ang ngiti sa kulubot niyang mukha, gumaan din ang presensya sa loob ng kuwarto ko. Ibig bang sabihin, una palang siya ang kakampi ko pero kinatakutan ko lamang?

Dahil sa mahaba niyang suot na saya hindi ko alam kung naglalakad ba siya o nakalutang dahil lumapit siya sa ‘kin ng dalawang hakbang. Ang mahaba niyang buhok ay nakalaylay sa kaniyang likuran.

‘Umalis kana hangga’t may oras pa’ 

Bago siya unti-unting naglaho sa paningin ko, nasilayan kopa ang natural niyang ngiti. Para bang masaya siya?

Ngayong malapit na ito mag-iingat ka’ bigla kong naalala ang sinabi niya nung huli ko siyang nakita. “Ngayong malapit na ito mag-iingat ka?” Bigkas ko sa sarali. Anong ibig niyang sabihin don? Dahil ba hindi talaga si dad si dad? Dahil hindi na si dad ‘yon?

Nasabunutan ko ang buhok sa pagkalito. Pero hindi na ‘to importante ngayon, kailangan kong umalis.

Huminga ako ng malalim. Tama dapat na ‘kong umalis. Tumayo ako at lumapit sa drawer ng study table ko, kinalkal ko ang papel doon hanggang sa matagpuan ko ang drawing ni Motmot.

Sinara ko ang drawer at tinitigan ang nakaguhit sa papel, dad, mom, Motmot, ako at ang dalawang shadow sa tabi ko. Tinupi ko ito at sinilid sa bulsa ng suot kong pants.

Nagmadali akong tumungo sa pinto pero nung hahawakan kona ang doorknob naalala ko si Motmot, hindi ko siyang pwedeng iwan. Paano nalang kung patayin siya nung nagkakatawang dad namin?

Umiling ako. Hindi maaari.

Pinihit ko ang seradula at maingat na tinahak ang kuwarto ni Motmot. Madilim sa hallway ng bahay kaya nakahawak ako sa pader bilang gabay. Maingat din ang mata kong nagmamasid kung may kakaiba sa paligid.

Nang marating ko ang pinto kaagad akong pumasok sa loob, patay ang ilaw at tulog si Motmot sa kama. Nilapitan ko siya at inalog ng marahan.

“Mot, wake up.” Umupo ako sa gilid ng kama niya. I try to be gentle to her. Ilan ulit ko siyang inalog ng marahan bago siya tuluyan gumalaw.

“Hmm?” Huni niya at dahan-dahan dumako ang tingin sa ‘kin. “What’s wrong ate?”

Ngumiti ako kahit kabado, hinagod ko ang buhok niyang nasa mukha. “We need to leave now, just don’t ask why for now, is that okay?”

“But, it’s already night now.” Umupo siya sa kama at kinuskos ang mata.

“Ate knows it. But can you trust ate on this one? Can you come to ate and leave the house for now, with me?”

“Where we going then?” Tanong niya sa antok na boses.

“Just trust ate okay? Aalis tayo.”

Matapos ko siyang makumbinsi wala na ‘kong inaksayang oras, nilisan namin ng tahimik ang bahay.

Pagdating sa kalsada agad akong tumawag ng taxi. “Pahatid po kami sa Our Lady of Perpetual Help Parish.” Saad ko.

Niyakap ko si Motmot at hinaplos ang kaniyang buhok. “You can sleep with me, okay? Just take a rest and ate will do the rest.”

Pansin ko ang driver at ang pagnakaw tingin niya samin magkapatid. Bumuka ang bibig niya. “Sa Jersey Street ‘yon hindi ba, ang lakad ninyong magkapatid?”

Umangat ang kilay ko. “Paano mo nalaman magkapatid kami?”

Nagkibit balikat nalang siya at binalik ang tingin sa kalsada. Matapos ang mahabang katahimikan muli siyang nagsalita.

“Mag-iingat kayong magkapatid.” Makahulugan niyang turan. Hindi ko tuloy maiwasan taasan siya ng kilay. “Patay ang Diyos ngayong Semana Santa.”







***

Note:

Whaahh! Oh yeah, oh yeah, oh yeah!(⁠☆⁠▽⁠☆⁠) Pasensya na may topak ako ngayon. HAHAHA.

‘Take my hand and I’ll be there’

Huwat? ⊙⁠.⁠☉

Who Are You ShadowUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum