16: Nagmamasid

32 3 0
                                    

CHIDUCK

Hinila kami ni Shawy sa dance floor habang pang barkada ang tugtog. Katatapos lang ng sweet dance at kaming tatlo walang nakipag sayaw samin. Pero okay lang masaya kami kahit kaming tatlo lang.

“Dahan-dahan lang naka-heels tayo.” Sigaw ni Nomin, malakas kasi ‘yung tugtog.

Pagkarating sa dance floor halos dikit-dikit na lahat. May mga sumisigaw at sinasabayan ng indak ang tugtog, meron din tumatalon habang nakataas ang kamay. Ang pinaka-worst may babaeng inikot-ikot ang ulo habang nakayuko edi ayon nahilo at natumba.

“Walwal time!” Sigaw ni Shawy at nagsasayaw katulad ng iba, tumatalon at gumigiling.

Napailing nalang ako.

Dahil magulo sa gitna ng dance floor may dumanggis sa ‘kin kaya napausad ako kay Nomin. Patay kasi ang ilaw at madilim ang meron lang dim light na pang nightbar, 'yung iba't ibang kulay 'yung nakakahilo.

“Ano ba kayo galaw-galaw naman diyan!” Sigaw ni Shawy, kinuha ang tig-isang kamay namin at sinayaw-sayaw. Para siyang nakawala sa kural.

“Minsan lang ‘to sige na! Sayaw na kayo at tumalon-talon!” Dugtong niya patuloy parin nasayaw, kaliwa't kanan ang paggiling niya.

Ngayon ko masasabing hindi ko gusto ‘yung crowded people. Ayoko ng maingay parang 'di para sa 'kin ang ganito.

Magpapaalam sana ako sa kanila para maupo nalang ng may napansin ako. Malapit lang ‘yung main entrance ng convention sa dance floor at mula sa labas ng glass door may nakita akong nakatayo sa tabi ng isang sasakyan.

Hindi anino o multo.

Kundi si daddy.

Anong pang ginagawa niya dito?

Akala ko kanina pa siya umuwi?

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Nanlaki ang mata ko, 2:20am na pero nandito pa siya? Ang tanda ko magpapasundo ako ng 5 in the morning pa.

Muli kong binaling ang tingin sa kinaroroonan niya, nandoon parin siya at nakatayo. Ang kinakunot noo ko parang nakikita niya ako sa crowded people na nagsasayaw ngayon. Parang sa ‘kin siya nakatingin?

Tahimik akong umalis sa dance floor, hindi ako napansin ni Shawy at Nomin dahil nag-eenjoy na sila. Tinahak ko ang main entrance at lumabas.

Nakaramdam ako ng lamig dahil sa lakas ng hangin sa labas. Nilingon ko ‘yung pinaglabasan ko, tuloy ang saya sa loob at tuloy ang sayawan ng mga studyante. ‘Yun nga lang hindi rinig ang ingay dito sa labas.

Lumapit ako kay daddy na nakasandal sa isang sasakyan, nang makita niya ako agad siyang umayos ng tayo.

“Dad, anong ginagawa mo dito? Akala ko umuwi kana?" Tanong ko, niyakap ko ang sarili ng may malamig na hangin ang dumaan. "2:20am na Dad, umuwi na ba ikaw o hindi pa po?” Dugtong ko. 

Hindi siya umimik pero nakita kong umigting ang panga niya. Dinakma niya ang braso ko at hinila palayo, muntik pa ‘kong madapa sa lakas niya.

“Dad bitawan mo ‘ko ano ba!” Hinila ko ang braso paalis sa grip niya buti nalang at nagawa ko. Ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya. Tiningnan ko siyang nagtataka at lumayo sa kaniya ng ilang hakbang. Dahil sa ginawa ko gumuhit ang galit na ekpresyon niya.

“UUWI NA TAYO!” Sigaw niya na kinagulat ko, bigla kasing nanlisik ang mata niya at nag-double ang boses.

“Baka hanapin ako ng teacher ko at kaibigan, Dad.” Lumunok ako ng laway. Nagsalubong ang kilay niya at pinalagutok ang leeg. Pigil hininga ako sa takot.

“UUWI NA TAYO! TARA NA!”

Napaatras ako ng akma niya akong hihilahin. Bakit, bakit nakakatakot si daddy? Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kumuyom ang kamao niya at umigting ang panga.

“B-bakit?” Utal kong saad, naguguluhan ako sa kaniya. Biglang umamo ang ekpresyon niya ng makitang naluluha na 'ko.

“Sorry, sorry anak kung nasigawan kita." Tumingin siya sa 'kin at nagpakawala ng malalim na hininga. "Nag-aalala lang si daddy.”

Kumunot ang noo ko. Para siyang kakaiba ngayon? Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

“Patawad kung nasigawan kita, hah.” Turan niya, ngumiti at pinisil ang kamay ko. Bakit ang bilis niyang magbago ng mood? 

Tumango ako at hinila ang kamay sa kaniya. “S-sige po umuwi na tayo, magpapaalam lang ako sa teacher ko.”

Tumango siya sa ‘kin na parang maamong tupa.

Iniwan kona siya doon at pumasok muli sa loob. May kakaiba kay daddy hindi ko lang masabi kung ano?





***


Note:

Feedback are highly appreciated ლ⁠(⁠^⁠o⁠^⁠ლ⁠) Thank u.




Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now