15: Viral video

35 3 0
                                    

CHIDUCK

“Who are you miss?” Ni-head to toe ako ni Shawy.

“Who are you beautiful?” Gatong pa ng isa. Nandito kami sa labas ng convention.

Tiningnan nila ang itsura ko ulo 'gang paa. Nakasuot ako ng boots sabi kasi ni mommy bagay sa polka dots na dress tapos meron din hat na may feather kahit ayokong may palamuti sa ulo.

“Nahiya naman ako sa ayos ninyo.” Tiningnan ko sila ulo hanggang paa, si Shawy nakasuot ng floral top with puffed sleeves tapos high-waist skirt bagay sa red heels niya at hat. Si Nomin red dress at may flowers sa buhok then black ‘yung suot na heels.

“Ayy, oo nga naka-ayos din pala kami.” Tumatawang biro ni Shawy at tiningnan ang suot niyang dress.

“Selfie tayo guys.” Tinaas ni Nomin ang kaniyang phone. “Smile!” Dugtong niya.

Nakailang selfie kami at wacky. Sa bilis niyang pumindot siguradong blurred ang kuha.

“Tig-iisang shot naman sino mauuna?” Tanong niya.

“Ako nalang.” Saad ni Shawy at nag posing na parang model kahit wala pang camera.

“Hoy pasok na daw!” Napahinto kami at napatingin sa lalaking sumigaw. Nang-iikot ko ang tingin nagpapasukan na lahat sa loob.

“Tara na mamaya nalang.” Aya samin ni Nomin. Pumasok na kami sa loob, by section ‘yung arrangements kaya nagpaalam muna kami sa isa’t isa. Grade 9 at 10 lang ang may acquaintance party.

Nagsimula ang program sa isang dasal, matapos non pasimulang sayaw ang tinanghal ng mga dancer sa school.

Nakaupo lang ako sa dulong row at lahat ng classmates ko nasa unahan. Walang kumakausap sa ‘kin kaya mas better dito.

Matapos ang sayaw sumunod ang anunsyo ng mga teacher.

Malaki ang convention, bukas lahat ng ilaw dahil mamaya pa papatayin kapag sayawan na. Monobloc chair ang upuan namin na meron white cover, nakapaikot kami sa bawat gilid dahil ang gitna ang pinaka main stage ng sayawan.

“Huy.”

Napalingon ako sa kumalabit sa ‘kin. Pagtingin ko si Nomin at Shawy.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong, pinakita ni Nomin ang phone niya at mukhang sinadya nila ako.  

“Sa cr tayo may sasabihin kami maingay dito, e.” Tinuro niya ang cr malapit sa pwesto ko. Nagtataka man sumama parin ako.

Pagpasok sa cr kami lang tatlo ang tao. Pumuwesto kami sa gawi ng salamin.

“Ano ba ‘yon?” Tiningnan ko silang dalawa.

Pinakita ni Nomin ang phone niya. “May lumabas ng video about sa nangyari kay Bulb nung Friday night.”

“Anong video? Saan mo naman nakuha?” Tanong ni Shawy.

“Ano ba kayo kalat na ‘to sa school page.”

“’Di ko alam ah.” Saad ko.

“Same.” Si Shawy at inayos ang buhok sa salamin.

“E, kasi kaninang umaga lang 'to kumalat. Ano gusto nyo bang panoorin?”

“Oo naman sige play mo.” Utos ko. Nagdikit-dikit kami at pinanood ang video.

“Parang cctv ang kuha?” Tiningnan ko siya.

“Cctv nga.” Duet pa nilang dalawa. Kaya pala naka-steady ang cam.

Pinindot niya ang play at nag-umpisa kaming manood. Nakita namin si Bulb naglalakad sa madilim na kalye walang dumadaang sasakyan o tao. Ito yata ang lugar na kinakatakutan dahil meron daw nagpapakita dito. Inferness tapang niya ah.

Kumunot ang noo ko dahil may tatlong lalaki ang sumulpot sa harap niya dahilan kung bakit siya napahinto. Bumubuka ang kanilang bibig na parang nag-uusap.

Hindi nagtagal nagtatalo na sila kasabay ng pagtulak nila kay Bulb sa gilid pero kita parin sa cctv.

“Bakit mo in-stop?” Kunot noong tanong ni Shawy.

“May sasabihin sana ako kaya lang nakalimutan kona.” Saad niya at muling pinagpatuloy ang video. Napailing ako at binalik ang tingin, matapos itulak ng tatlong lalaki si Bulb inumpisahan nilang bugbugin ito. Suntok at sipa ang ginagawa nila. Lumaban si Bulb kaya lang pinagtulungan parin siya.

Bumagsak ang ulo niya at parang wala ng lakas, hawak siya ng dalawang lalaki habang sinusuntok parin siya ng isa. Napakasama nila hindi na naawa kay Bulb.

Napatakip ako sa bibig ng maglabas ng patalim ang dalawang lalaki at walang awa nilang sinaksak si Bulb sa dibdib at tagiliran. Nang mabuhal si Bulb nagtakbuhan ang tatlong lalaki palayo at iniwan siya doon.

“Nakita nyo naman nakahiga nalang siya.” Turan ni Nomin.

“Tapos doon siya mabubuhay?” Tanong ko. Tumango siya at muli naming binalik ang tingin sa screen.

Nakahiga nalang si Bulb sa gilid walang sumaklolo sa kaniya dahil walang katao-tao. Sa video hindi na siya gumagalaw at nakahiga nalang na parang walang buhay. Pero ang kinalaki ng mata ko bigla siyang umupo at naghabol ng hininga. Para siyang naubusan ng hangin sa katawan at ngayon nalang ulit humiga. 

In-stop ni Nomin ang video. “Kita nyo super weird bigla siyang bumangon kahit may sugat siya. Watch nyo pa ‘to mas lalo kayong magugulat.”

Binalik ko ang tingin sa screen ng phone niya, nakaupo parin si Bulb at naghahabol ng hininga maya-maya tiningnan niya ang dibdib na dumudugo at hinawakan ito. Bakit parang kakaiba?

Inikot niya ang tingin tapos tumayo na parang walang nangyari, parang normal lang, parang walang sugat, parang walang masakit.

Ang kinalaki ng mata ko nag-umpisa siyang maglakad kahit tumutulo ang dugo sa suot niyang damit. Parang wala siyang nararamdaman at emosyon?

‘Bakit parang hindi manlang nasaktan ang daddy mo? Walang emosyon ang mata niya?’ Parang bulong na narinig ko ang boses ni aling Pasing. Bakit ba bumalik pa sa isip ko 'yon? Tapos na ang video at binalik na ni Nomin ang phone sa pouch niya.

“Super weird nga.” Kumento ni Shawy.

“Parang monster na hindi tinatablan, noh?” Si Nomin habang inaayos ang laman ng pouch.

“Weird dahil parang namatay na siya tapos biglang nabuhay?”

“True, kaya halimaw ang binansag sa kaniya sa comment section wala kasi siyang emosyon.”

Walang emosyon?







***



Note:

•Any idea kung saan mauuwi ang story na ‘to?
Me: Oo naman syempre.
•Ano?
Me: Secret.

‘Yan ang tinatawag na baliw, self. Kausapin mo sarili mo hahaha ┌⁠|⁠o⁠^⁠▽⁠^⁠o⁠|⁠┘⁠♪


Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now