29: Kaluluwa

37 2 0
                                    

CHIDUCK

Naalimpungatan ako at nagising. Ang sakit ng batok ko dahil sa taas ng unan, hinimas ko ito at umupo sa kama.

Napatulala ako at napabuntong hininga. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang ayokong kumilos kahit nagugutom na, hindi pa 'ko kumakain. Sinilip ko ang oras, alas-diyes ng gabi.

Tumayo ako kahit para akong mabubuhal, nagtungo ako sa cr, mabuti nalang at hindi kona kailangan lumabas dahil meron sa room ko. Pagkapasok sinara ko ang pinto at umihi. Maliit lang ang cr, toilet at sink ang unang makikita kapag pasok tapos shower sa kabilang side.

Nangangapa parin ako kung paano haharapin si mommy, galit siya, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Ang alam ko isang beses lang natulog si dad sa room ko, at ‘yung sinabi ni mom na lagi niyang nakikitang wala si dad sa tabi niya, at nasa tabi ko? Impossible, bakit hindi ko alam?

O masarap lang ang tulog ko?

Napatingin ako sa ceiling ng magpatay sindi ang ilaw. Kukundap-kundap ito na parang ganun sa horror movie. Nagpapatay-sindi.

Inalis ko ang tingin don at pinirmi sa paanan ko. Hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ng makaramdam ako ng kakaiba. May malamig na hangin ang umiikot sa paa ko. Pinilit kong hindi ito pansinin at inabala ang isip sa mga bagay-bagay.

'Umalis kana sa bahay na 'to'

Muntik na 'kong mapalundag ng may bumulong sa tenga ko. Mabilis kong inikot ang tingin pero wala akong nakita. Tinakpan ko ang tenga at nag-madaling umihi.

Nang maflash ko ang toilet lalabas na dapat ako kaya lang nung mahawakan ko ang doorknob napahinto ako. Malagkit at malapot. Dumapo ang tingin ko dito, may pulang likido 'yon. Kahit patay sindi ang ilaw kita ko ang malapot na pula sa palad ko. Dugo.

Napalunok ako.

Nababalutan ng dugo ang doorknob, pati palad ko meron. Umariba ang kakaibang kaba sa 'kin. Saan ba nanggaling ang dugo? Bakit laging may dugo ang doorknob?

Inikot ko ang tingin at hinanap ang tissue, nang makita ko agad ko itong kinuha. Pumilas ako ng makapal at pinunas sa palad. Kaliwang palad ang may dugo, pinunasan ko ito ng pinunasan.

Kumunot ang noo ko.

Bakit ayaw maubos? Bakit ayaw mawala? Halos maubos kona ang tissue kakapunas sa palad ko.

Sinahod ko ang palad sa gripo at naghugas, ilang beses kong kinuskos ang palad sa umaagos na tubig pero ayaw maalis. Parang mantsa. Pero hindi, dahil parang water falls itong lumalabas sa palad ko, tuloy-tuloy at hindi nauubos. Parang may hole na nilalabasan.

'Malapit ng maganap

Napapitlag ako ng may malamig na hangin ang dumapo malapit sa tenga ko. Napahinto ako sa paghuhugas dahil doon.

Inangat ko ang tingin, may salamin sa sink at sarili ko ang nakikita ko dito. Kada patay ng ilaw dumidilim at kapag bumukas ito mukha ko ang nakikita. Lagaslas ng tubig sa gripo ang naririnig ko habang nakatitig sa salamin. Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi siya nagpakita, ang matandang babaeng mahaba ang buhok at nakasaya, siya lang ang bumulong sa 'kin. Siya 'yon.

Napapitlag ako at napakurap ng makarinig ng pagtawa, parang nasa loob ng cr. Matanda ang boses at medyo malalim. Kahit patay sindi ang ilaw wala akong namataang pigura. Napalunok ako at kinilabutan ng may malamig na hangin ang umiikot sa paanan ko.

Dinampot ko ang tissue at nagtungo sa pinto, wala na ‘kong paki kung mahawakan ko ang malapot na dugong ‘yon. Pinihit ko ang seradula at binukas ang pinto. Lalakad na 'ko palabas ng mapahinto ako.

Umurong ang dila ko ng makita si Aling Pasing, nakatayo at nakaharap sa 'kin. Para akong natuod sa kinatatayuan. Ramdam ko ang panginginig ng binti. Para akong mabubuhal.

Bumuka ang bibig niya na kinalaki ng mata ko. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan, hindi ko maiwas ang tingin sa taong kamamatay lang.

Chidka pjnetop acq nw dqji me’

Natutop ako ng bigkasin niya ang salitang hindi ko maintindihan, bulol at parang ungol ang bigkas. Namumutla ang balat niya at ganun din ang suot niyang maid uniform. Madumi ang suot niyang damit at maraming mantsa ng dugo.

Napaatras ako ng kisap mata bumulusok siya palapit sa ‘kin. Madiin kong naikiyom ang kamao kaya nayupi ang tissue kong hawak.

Migttjgat ki sy kigjya

Dahan-dahan niyang bigkas. At doon ko nakitang wala nga ang dila niya. Putol at parang sinadya. May lumalabas na dugo sa kaniyang naputol na dila, umaagos ito palabas ng bibig dahilan para magkulay dugo ang suot niyang damit.

Cjiuuudjckkk

Nahihirapan niyang bigkas. Naipikit ko ang mata ng maramdaman ang malamig na hangin sa mukha ko.

“H-hindi kita pinatay.” Utal kong bigkas. Please Aling Pasing umalis kana. Mabilis ang tibok ng puso ko. At parang anytime mawawalan ako ng ulirat.

“H-hindi ako ang pumatay sayo umalis kana.” Pakiusap ko. Tama na please. Kaluluwa ka nalang, manahimik kana please.

Ilang segundo rin akong nakapikit. Nanginginig ang kamay na madiin ang hawak sa tissue.

Pinakiramdam ko ang paligid, wala na ang mabigat na pakiramdam, wala na ang presensyang nararamdaman ko kanina. Parang bumalik na sa normal.

Dahan-dahan kong dinilat ang mata, tama nga ako dahil bumalik na sa normal ang ilaw. Hindi na ito kukundap-kundap. Pagbaling ko ng tingin sa kamay ko, wala na itong dugo na kanina ay parang water falls na umaagos.

Napabuntong hininga ako.






***

Note:

Hellow, hellow ╰⁠(⁠*⁠´⁠︶⁠'⁠*⁠)⁠╯ pindutin mona ‘yung star bebe kuuuu >⁠.⁠< pls. (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

Wah! Thank u bebe kuuu.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now