13: Nasaksak

32 3 0
                                    

CHIDUCK

Araw ng linggo.

Dahil walang pasok si mommy pinuntahan ko siya sa room nila. Pinihit ko ang seradula at pumasok sa loob, unang bumungad sa ‘kin ang malaking portrait nila nung kasal.

“Mom?” Inikot ko ang tingin ngunit walang tao. Nagtungo ako sa walk-in closet at cr pero wala din. 

Umalis na ‘ko sa room nila at nagtungo sa kitchen sa baba, tama nga ako dahil nandon siya nagluluto.

“Ano ‘yan, Mom?” Tanong ko at lumapit sa kaniya. Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti.

“Baking chocolate cookies.”

“Wow, masarap ‘yan.” Umupo ako sa bar stool habang pinapanood siyang mag-masa ng dough.

“Syempre basta gawa si mommy masarap. Teka, may kailangan kaba?” Tumingin siya sa ‘kin sandali tapos binalik din sa ginagawa.

“Ah, kasi meron po kaming acquaintance party sa Tuesday.”

“Acquaintance party? Saan daw gaganapin?” Tumingin siya sa ‘kin at hininto ang ginagawa.

“Sa convention center po malapit lang sa school.”

“Ah ganun ba, sige okay lang sa ‘king sumali ka para ma-experience mo, ano daw bang isusuot nyo?” Tanong niya at inumpisahan i-built as small circle ang dough.

“Retro stye daw po.”

“Punta tayo sa mall mamaya hahanap tayo ng retro style dress.” Kumindat siya at muling tinuloy ang ginagawa.

 






_________








“’Yan nalang bagay sayo ‘yan.” Masayang turan ni mommy. Kalalabas ko lang sa fitting room suot ang retro dress na pinili niya. Polka dots na above the knee at sleeveless ang style, white siya na black ang dots.

“Sige po ito nalang.” Sagot ko. Mother knows the best kaya okay narin sa ‘kin ‘to.

“Ge ‘nak magpalit kana at kakain tayo ng lunch.”

Tumango ako at bumalik sa loob ng fitting room. Matapos kong magpalit binayaran ni mommy ang dress at lumabas na kami sa boutique.

Dahil crowded sa mall at puno ang bawat kainan sa mini café nalang kami pumasok. Iilan lang ang tao sa café 'yun nga lang medyo may kamahalan dito.

Inikot ko ang tingin, light ang ambience at bawat table may flowers. Pitch ang color ng wall tapos may mga landscape painting ang naka-attach.

“Upo kana order lang ako.” Saad ni mommy. Tumango lamang ako at nagtungo sa gilid sa tabi ng glass wall. Mas prepare kong may nakikitang dumadaan.

Kinuha ko ang cellphone at nag-online games habang hinihintay si mommy. Nasa counter siya at umoorder.

The Ants: Underground Kingdom ang favorite kong online games. Mas gusto ko 'yung ganito kesa sa mobile legends at pubG.

“Huy Chiduck.”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Umawang ang labi ko ng makita si Shawy at Nomin.

“Oy kayo pala.” Napatingin ako sa hawak nilang paper bag. “Nag-shopping kayo? Hindi nyo ko sinama?”

Nagkatinginan silang dalawa at natawa.

“Nagkita lang din kami ni Nomin dito kasama niya ‘yung daddy niya.” Saad ni Shawy.

“E, nasan ang daddy mo?” Tanong ko kay Nomin.

“May binili lang saglit, nakita ka namin dito ni Shawy kaya pumasok kami.” Sagot niya at inikot ang tingin sa cafe.

“May chika ako.” Excited niyang turan matapos iikot ang tingin. Umupo sila sa harap kong silya, bawat table apat ang silya.

“Ikaw lang naman may chika lagi, e.” Pambara ni Shawy.

“Ah ganon? Edi sige hindi ko nalang sasabihin nakakahiya naman sayo Shawy.”

“Ano ba ‘yon? Shawy hayaan mo muna siya magkwento.” Singit ko. Nilingon ko si Nomin at tinanguan. “Sabihin mona.”

Tumango siya.

“Kasi may balita tungkol kay Bulb.” Nakangiting turan niya tapos ni wiggle ang kilay. “Ayieeehhh!” Pang-asar pa niya. 

The peks! Iniisip ba niyang may crush ako kay Bulb?

“Tumigil ka nga ano ba ‘yon?” Salubong ang kilay ko. Naiinis ako baka kasi marinig ni mommy.

“Kasi may nakakita daw kay Bulb nung isang gabi sa kalye at — “

“Oh nandito pala kayong dalawa?” Biglang dating ni mommy naputol tuloy ang sasabihin ni Nomin.

“Opo tita napadaan lang nakita kasi namin si Chiduck.” Sagot ni Shawy. Nakatayo lang si mommy sa harap ng table namin.

“Ah ganun ba, sabayan nyo na kaming kumain ng lunch diyan lang kayo at idodouble ko ang inorder ‘ko.”

“Ay hindi na po aalis narin po kami.” Nakangiting turan ni Nomin.

“Hindi pwede, kakain kayo treat ko, okay? Diyan muna kayo.” Pagpilit ni mommy tapos bumalik sa counter.

“’Yung mommy mo talaga galante.” Natatawang turan ni Shawy, sinundan niya ng tingin si mommy sa counter.

“Ano nga uli ‘yung tungkol kay Bulb?” Pagbalik ko sa topic.

“Ayieeh! Talaga naman hindi maka-move on.” Pang-bwisit ni Nomin. Masamang tingin ang binigay ko. Nang-aasar pa, e.

“Oo na, sorry.” Sagot niya at tinaas ang kamay.

“Ano nga? Habang hindi naririnig ni mommy.” Pilit ko, nilingon ko si mommy sa counter busy siyang kausap ang isang crew.

“Sabi kasi nasaksak daw si Bulb nung isang gabi habang naglalakad mag-isa pauwi sa kaniyang apartment.” Kwento niya at pinatong ang dalawang siko sa table.

“Anong nangyari?” Tanong ko.

“Hindi sa anong nangyari kundi may hiwagang nangyari.”

Kumunot ang noo ko.

“Hiwaga? Parang may magic na nangyari?” Hindi siguradong tanong ni Shawy. 

“Oo, dahil matapos masaksak ni Bulb bigla daw itong tumayo na parang walang nangyari parang hindi daw nasaktan.”

"Parang patay na nabuhay ganon?" Kunot noo kong kumento.

"Oo parang ganon dahil 'yon din sinasabi ng iba, e."

“Teka saan ba siya nasaksak?” Tanong ko.

“Sa tapat ng puso tapos meron din sa tagiliran.” Sagot ni Nomin.

“Isang tao lang ba ang gumawa non sa kaniya?” Curious kong tanong.

Umiling siya.

“Hindi, tatlong lalaki ang nagtulong para patumbahin siya. Bali iba ang sumaksak sa dibdib iba rin sa tagiliran niya.”

“Saan mo ba nalaman ‘yan?” Tanong ni Shawy.

“Kay kuya.”

“Sabi na nga ba, e. Marites talaga ang kuya mo.” Hirit ni Shawy, napapailing pa.

“Anong pinag-uusapan nyo?” Bigla dating ni mommy. Napatingin kami sa kaniya.

“Ah, ‘yung about sa schoolmates po namin.” Sagot ni Nomin.

“Sali nyo naman ako, ano ba ‘yon? Pero mamaya na pala punta muna ako sa restroom.” Binaba ni mommy ang hawak na bag sa tabi ko. Kumaway siya at lumakad palayo samin.

Binalik ko ang tingin kay Nomin.

“Matapos siyang masaksak sa gawi ng puso at sa tagiliran nabuhay siya?” Tanong ko, curious talaga ako. Gusto kong malaman.

Tumango siya.

“Oo, makalipas ang ilang segundo tumayo siya na parang walang sugat. May nakakita daw na naglakad pa siya kahit tumutulo ang dugo sa kaniya.”

“Ang creepy naman.” Si Shawy, salubong ang kilay at nakangiwi.

“True, nangyari ‘yon nung Friday night tapos kumalat sa school ang nangyari dahil may nag-post sa page ng school.”

“May video ba?” Tanong ko.

“’Yun lang wala pero sabi sa naka-post, si Bulb daw ay halimaw dahil hindi daw ito nasaktan matapos masaksak. Nasa 2.3k likes at comments na daw, e.”

“Grabe ginawan nila ng story ‘yung tao, noh?” Matamlay na turan ni Shawy.

“Pinagkamalan pa nilang halimaw hindi naman nila alam kung malalim o mababaw ang sugat ni Bulb.” Saad ko.

“Malalaman natin ‘yan kapag may lumabas ng video o cctv sa online.” Sagot ni Nomin.







***


Note:

Hindi ko alam kung bakit pa ‘ko naglalagay ng note e wala naman akong sinasabing maganda hahaha!
└⁠(⁠ ⁠^⁠ω⁠^⁠)⁠」



Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon