32: Malandi

32 2 2
                                    

CHIDUCK

“Mommy lasing ka na naman.” Saad ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto, alas-kuwatro palang ng hapon. Nakasuot siya ng maiksing short at denim jacket. Parang galing siya sa bar.

“Wal — wala kang pake!” May sinok na sagot niya, malamlam ang mata dulot ng kalasingan. Umaalingasaw ang amoy ng alak.

“Bishawan mo ‘ko! Malandi!” Asar niyang sigaw, kunot ang noo at matalim ang tingin. Kinabig niya ang kamay kong nahawak sa braso niya, dahil doon muntik na siyang ma out of balance.

“Mom, bakit kaba nagkakaganyan.” Ramdam ko ang pag-init ng mata. Isang linggo na ang lumipas at lalong naging mailap sa ‘kin si mom. Lagi siyang umuuwi ng lasing, laging mainit ang ulo, tuwing nakikita niya ako lalo siyang nagagalit. Kinamumuhian niya ako.

"Mommy naman — "

“Don’t!” Agad niyang tinaas ang kamay para patigilin ako. Nakapikit siya at kinakalma ang sarili.

“Mom.” Feeling ko maiiyak na ‘ko. Lagi nalang ganito. Hindi na kami okay. Hindi na kami tulad ng dati. Ayoko ng ganito. Ayokong ganito kami.

“Don’t called me that!” Tinulak niya ang balikat ko. Hindi ganun kalakas para ako'y mabuhal. Tumingin siya sa 'kin at tumaas ang kilay.

"Mom?" Ulit niya at natawa. Hinawi niya ang buhok papunta sa likod niya. Napailing siya at binalik ang tingin sa 'kin. "Tsk, tsk! Ayaw kitang anak!" Nanlaki ang mata niya, dinuro ako at natawa. 

Iniwas ko ang tingin. Bakit ang sakit marinig. Ayaw niya akong anak. Bakit. Wala naman akong masamang ginawa. Bakit ayaw niya akong paniwalaan. Para akong tinusok ng pinong karayom.

Tumalikod na siya at naglakad palayo, gusto ko siyang alalayan dahil para siyang mabubuhal. Wala naman si dad para gawin 'yon. Napabuntong hininga ako at winaksi ang mabigat na pakiramdam. Sinundan ko si mom paakyat sa hagdan, baka mamali siya ng apak at mahulog. Ayokong mangyari 'yon.

Nauuna siyang maglakad sa ‘kin, nakakapit siya sa hawakan habang dahan-dahan sinasampa ang paa sa bawat steps ng hagdan. Nasa likod niya ako. Hindi pa ganun kataas ang nararating namin.

“’Wag mo ‘kong shundan!” Sigaw niya, huminto sa paglakad at lumingon sa ‘kin. Gusto ko lang naman masiguradong hindi siya mahuhulog.

"'Wag!" Banta niya. Dinuro ako. 

“Alalayan na kita, Mom.” Akma ko siyang hahawakan ng bigla niyang kabigin ang kamay ko.

"Hindi kisha kailangan!" Bulol niyang bigkas. Alam kong nahihilo na siya at kailangan niya ng tulong. Napapikit siya at hinakbang ang paa paakyat. Pero nanlaki ang mata ko ng hindi niya naitapak ng mabuti ang paa. Na out of balance siya, mabuti nalang nasa likod ako at sa ‘kin siya bumagsak. Nakahawak ako sa handrail ng hagdan at nasalo ko naman siya.

“Tangina mo shalaga!” Gigil niyang saad. Hinawak niya ang kanan kamay sa handrail ng hagdan, binuhat ang sarili para makatayo ng ayos. Pagkatayo niya humarap siya sa 'kin.

Umayos ako ng tayo habang nakakapit parin ang kamay. Tiningnan ko si mom, pero nagulat ako ng hawakan niya ang buhok ko at bigla itong hinila. Napaaray ako. Halos mabinat ang anit ko. Madiin ang hawak niya sa buhok ko at hinihila ito.

“Kulang pa ‘yan sha kalandian mo!” Nanggigigil niyang bigkas. Lalo pa niyang hinila-hila ang buhok ko. Napangibit na 'ko at nagtutubig na ang mata. Pilit kong inalis ang kamay niya sa buhok ko pero anlakas niya.

Nang mapagod siya malakas niya akong binitawan, muntik na ‘kong mahulog mabuti nalang nakahawak ako kahit papano. Tiningnan ko siya na may luha sa mata. Hindi niya ako pinansin at muling naglakad na parang walang nangyari.

Taimtim akong napaiyak habang sinusundan siya ng tingin. Parang may kutsilyong nakabaon sa ‘kin. Ang sakit.







***

To be continued.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now