33: Drugs

38 2 0
                                    

CHIDUCK

Kinagabihan.

Nakailan buntong hininga ako. Nasa harap ako ng kuwarto nila mom. Alam kong tulog siya ngayon. Tiningnan ko ang hawak kong yellow pad, sinulat ko ang gusto kong sabihin sa kaniya, ang paliwanag na dapat sasabihin ko. Baka sakaling ito ang way para magkaayos kami.

Baka sakaling marinig niya ang paliwanag ko sa sulat na 'to. Kanina kopa ito naisulat at balak kong ilagay sa bedside table niya, para kapag nagising siya may tiyansang mabasahin niya if ever macurious siya.

Pinihit ko ang seradula at dahan-dahan binubukas ang pinto. Madilim sa loob, ang nakabukas lang na ilaw ay ang lamp sa gilid ng kama. Pumasok ako sa loob na hindi gumagawa ng ingay.

Inikot ko ang tingin, master bedroom ang kuwarto nila ni dad. May mini sofa sa paanan ng kama, coffee table at flat screen. Bukas ang ilaw sa walk in closet ni mom, nakabukas ang pinto kaya nalabas ang liwanag. Mag-isa lang si mom dahil 'dipa dumarating si dad, may inasikaso yata sa negosyo.

Lumapit ako sa kama, nakatalukbong si mom ng kumot. Nagkalat ang gamit niya sa carpet, 'yung suot niyang heels kung saan lang iniwan pati ang bag. Napabuntong hininga ako. Inayos ko ang gamit niya, nilagay sa gilid ng kama ang heels at 'yung bag ay pinatong ko sa sofa. Hininaan ko din ang aircon dahil malamig naman na.

Naglakad ako sa nakabukas na lamp, pinatong ko 'yung papel doon. Nandoon 'yung picture nila ni dad nung kasal nila tapos digital alarm clock. Napatingin ako kay mommy na nakatalukbong, giniginaw siguro.

Sana mom basahin mo ito. Hindi kona tinupi ang papel at hinayaan nalang doon.

Tumalikod na 'ko at lalabas na dapat, pero may napansin ako. Kumunot ang noo ko. Binalik ko ang tingin sa side table, ano 'yon? Sachet ng asin ba 'yon?

Tiningnan ko si mom, hindi parin siya gumagalaw. Inabot ko ang sachet na 'yon at tinitigan, kulay puti ito at pino. Dinikit ko ito sa ilong at inamoy. Ano ba 'to?

Kinuha ko ang phone at inscan ito sa google. Maraming lumabas na answer, karamihan drugs ang lumalabas. Hindi kaya? Napahinto ako sa pagscroll at napatulala.

Hindi kaya gumagamit si mom? Katagang pumasok sa isip ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nagitla ako sa gulat. Kumabog ang dibdib ko na parang hinabol ng kabayo. Mahigpit ang hawak ko sa phone ganun din sa sachet na nakita ko.

Napalunok ako.

Dahan-dahan akong humarap sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata ko ng makitang si mommy 'yon. Agad siyang lumapit sa 'kin at hinablot ang sachet na hawak ko.

"Pakialamero ka talaga!" Bulyaw niya. Nakasuot siya ng white bathrobe, mukhang kaliligo lang dahil may towel pa sa buhok.

"Mom." Bulong ko. Gusto kong itanong 'yung about don.

"Ano? Lumayas ka dito!" Tinuro niya ang pinto. Mukhang nahulasan na siya sa alak.

"Gumagamit kaba, Mom?" Hindi ko siguradong tanong.

Kahit mahina ang ilaw sa room napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya. Bumuka ang bibig niya pero muli din sinara, para bang may sasabihin siya pero hindi lumabas.

"Bakit ka gumagamit, Mom?" Kunot ang noo ko, mahigpit ang hawak ko sa phone.

"Para makalimot sa kalandian mo!"

"Mommy naririnig moba ang sinasabi mo? Wala akong ginawang masama, hindi totoo ang mga iniisip mo." Dahilan ko, salubong ang kilay. "Bakit ayaw mo 'kong paniwalaan?"

Kulang nalang magmakaawa ako. Lumuhod sa harap niya. Feeling ko maiiyak ako, nag-iinit ang gilid ng mata ko.

"Dahil hindi ka kapanipaniwala!" Tumiim ang bagang niya.

"Umalis kana nga dito!" Dugtong niya. Lumapit siya sa 'kin at hinila ako palabas, pero bago niya maisara ang pinto napansin ko ang kama. Wala na ang umbok non na parang may nakahiga, bumalik 'yon sa normal, nakaayos at parang hindi nagalaw.

Paanong nangyari?

Imposibleng walang nakahiga don kanina?






***

Note:

Salamat (⁠'⁠∩⁠。⁠•⁠ ⁠ᵕ⁠ ⁠•⁠。⁠∩⁠'⁠) Vote, vote, comment, comment. HAHA.

Enebe nemern ~⁠>⁠'⁠)⁠~⁠~⁠~



Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now