23: Weird

41 3 0
                                    

CHIDUCK

“YAYA!” Sigaw ni Shawy habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa sofa.

“B-bakit po ma’am, Shawy?” Utal na saad ng katulong nila.

“Bakit mo pinapasok ‘to? Kilala mo ba siya? Isa ‘yang addict! Mabisyo! Nagninigarilyo! Nag-iinom! Nagdadrugs!” Panggagalaiti ni Shawy. Sinabi na lahat.

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa sofa, si Bulb. Nahuli ko siyang nakatitig sa ‘kin na kinakunot noo ko. Bakit ba nandito siya sa bahay nila Shawy? Hindi naman namin siya kilala sa personal kundi sa pangalan lang.

“Hala! I’m sorry ma’am, ilalabas ko nalang siya.” Akmang lalapitan ng katulong si Bulb kaya lang mabilis itong tumayo. Akala namin lalabas na siya pero lumapit siya sa gawi ko.

“Hala lumabas na kayo magagalit ‘yung amo ko.” Pakiusap ng katulong nila. Pero walang pakialam si Bulb. Nagkatinginan kami nila Shawy, halata rin ang pagtataka sa kanilang mata.

Nagulat ako at napaatras ng maramdaman ang malamig na kamay na humawak sa braso ko. Nanlaki ang matang sinalubong ko ang tingin ni Bulb.

“Bitawan mo ‘ko!” Piksi ko, pilit kong inalis ang kamay niya at lumayo. Lumapit sa ‘kin sila Shawy at Nomin.

“Anong ginagawa mo dito? Sa pagkakaalam ko hindi tayo magkakakilala?” Tanong ni Nomin at kinawit ang braso sa ‘kin.

“Lumabas na kayo ‘di pala kayo kilala ng mga batang ‘to, e.” Singit ng katulong, akma niyang hihilahin si Bulb ng umiwas na naman ito.

“S-sa kaniya, kay Chiduck.” Kumunot ang noo ko ng ituro ako ni Bulb. Humakbang siya kaya napaatras kami.

“Hay na ‘ko! Lumabas na kayo — “

“Yaya, ako ng bahala iwan mona kami.” Pagputol ni Shawy sa katulong nila.

“Sige po ma’am balik na ‘ko sa kusina.” Sagot nito at umeksit ng living room.

“Anong kailangan mo samin, Bulb? Kilala moba kami?” Si Shawy, masamang tingin ang pinukol kay Bulb.

Si Bulb naman inikot ang tingin sa bawat isa samin tapos tinuro ako. “Chiduck.”

Nagkatinginan kaming tatlo, halos malaglag ang panga ni Shawy at Nomin. Maski ako.

“K-kilala mo ako?” Tinuro ko ang sarili. Mabilis siyang tumango. Pero, paanong nangyari? Parang hangin lang kaming nagdadaanan sa school?

“E, ako at siya kilala mo?” Tanong ni Shawy at tinuro ang sarili pati si Nomin. Hinintay namin sumagot si Bulb pero umiling lang siya.

Nagkatinginan kaming tatlo, ‘yung gulat sa mukha ng dalawa nakarehistro. “Paanong nangyari?” Bulong ni Shawy.

“Ahm, sandali lang Bulb ha, may pag-usapan lang kami.” Saad ni Nomin at hinila kami palabas sa living room. Pagkarating sa bukana ng kitchen agad nagtanong ang dalawa.

“Kilala ka pala niya bakit hindi mo sinabi.” May pagkainis na kumento ni Shawy.

“Paano ka niya nakilala?” Tanong ni Nomin. Umiling lamang ako dahil ‘di ko din alam ang sagot don. Bigla akong hinawakan ni Nomin sa magkabilang braso at pinakatitigan.

“Kilala ka niya, Chiduck!” Impit niyang tili na kinakunot noo ko. Tumalon-talon pa siya kaya pati ako natatangay.

“Teka, teka nga Nomin.” Awat ni Shawy. “Bakit kaba tuwang-tuwa? Hindi ba’t ang weird non?”

Bumitaw sa ‘kin si Nomin at hinarap si Shawy. “Weird? Anong weird don kung kilala niya si Chiduck? Baka ito na ang time para magka-lovelife siya!” Ngumisi sa ‘kin si Nomin.

“Hindi kaba nagtataka? Kilala niya si Chiduck tayo hindi.”

“Sus, selos yarn? Pero Shawy malay mo may crush pala si Bulb kay Chiduck kaya kilala niya ito.” Sagot ni Nomin.

“Parang ang labo, bigla-bigla? Tapos alam niyang nandito kayo sa bahay namin? Weird non.” Palag ni Shawy. Napabuntong hininga nalang ako at hinarap silang dalawa.

“Mabuti pa bumalik tayo don at kausapin siya.” Singit ko.

“Sige, kausapin natin ‘yung crush mo.” Si Nomin. Napailing ako. Bumalik kami sa living room. Naabutan namin si Bulb na nakaupo sa sofa at nakatingin lang sa kaniyang sapatos.

Tumayo kami sa harap niya kaya napataas ang tingin niya samin. Biglang gumuhit ang pagkabalisa sa mukha niya at biglang tumayo, nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat.

“Umalis ka sa bahay nyo.” Seryoso niyang saad. Napatingin ako kala Shawy, nakaawang ang labi nila at nagulat.

“A-ano bang sinasabi mo.” Kunot noo kong tanong at inalis ang kamay niya, pero hindi niya ito binitawan.

“Umalis kana sa inyo! Umalis kana! Mapanganib!” Halos lumuwa ang mata niya at ganun nalang ang pagliglig niya sa braso ko. Nakaramdam ako ng kaba. 

“Umalis kana, Chiduck! ‘Wag mo ng hintayin may — “

“Bitawan mo ang kaibigan namin!” Inis na saad ni Nomin at inilayo ako kay Bulb.

“Mapanganib. Umalis kana.” Turan ni Bulb, akmang lalapit ulit mabuti nalang at humarang si Shawy.

“Ano bang problema mo? Nabarog ba ang ulo mo? ‘Diba nasaksak ka lang naman?” Iritang kumento ni Shawy.

Biglang nagbago ang reaction ni Bulb, para siyang nagulat. Tapos lumikot ang mata niya at hindi na alam ang sasabihin.

“Yaya palabasin mona itong baliw na 'to!” Sigaw ni Shawy at hinila kami palabas ng living room.







***

Note:

Hindi ko alam kung bakit walang nakaka-appreciate ng gawa ko. Minsan naiisipan kong ‘wag ng ituloy pero, hindi, e.

Dito ko masaya.

Ito ang playground ko. Itutuloy ko ‘to dahil ito ang gusto ko.

ᕙ⁠(⁠⇀⁠‸⁠↼⁠‶⁠)⁠ᕗ

Whaaah!

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now