12: Drawing

32 3 0
                                    

CHIDUCK

“Ate tingnan mo ‘to dali na.”

Napatingin ako kay Motmot ng hilahin niya ang sleeve ng uniform ko. Nasa hapag kainan kami for breakfast.

“Who’s that?” Tanong ko.

Pinakita niya ang drawing niya sa bond paper. 'Yun nga lang kakaiba at ang weird.

“This is Mom and this is you besides Mom, and here’s Dad and besides of him was me.” Masaya niyang kwento habang tinuturo kami sa drawing.

Katabi ko si mommy at katabi niya si dad sa kabilang side. Pero hindi ‘yon ang nakakuha ng atensyon ko. Sa tabi ko meron dalawang itim na hugis tao, purong black ang pinangkulay niya sa katawan at walang damit, basta hugis tao pero kinulayan lang ng itim, hindi katulad ng samin na colorful dahil sa iba’t ibang kulay ng damit.

“Motmot sino itong dalawang nakaitim.” Tinuro ko ang dalawang taong nakaitim sa tabi ko. Tiningnan ko siya pero ngumiti lang siya ng tipid at huminga ng malalim.

“Kasama mo sila lagi and I call them Liv and Viv, and this one he is good and he protect and care." Tinuro niya ang nasa tabi ko. "While this one is the bad one his a monster. But they're the dev — "

“MOTMOT!”

Napatingin kami kay dad. Bigla kasi siyang naging seryoso at masama ang tingin, pero kaagad din ‘yon nabawi at bumalik sa dati.

Napansin ko si Motmot na nanginig habang hawak ang papel. Hindi siya nakatingin kay daddy pero parang natakot siya.

“Mamaya na kayo mag-usap ng ate mo for now kumain muna.” Utos ni daddy.

Hinaplos ko ang buhok ni Motmot. Tumingin siya sa 'kin at parang iiyak na.

"Mamaya nalang okay?" Ngumiti ako sa kaniya. Tumango lamang siya at 'di na kumibo. Si mommy kasi maagang nagpunta sa work niya dahil may tatapusin daw siya.

Muli na kaming kumain pero nagulat ako ng tumayo si daddy at kinuha ang sinangag para lagyan ang plato ko ng kanin.

“Kumain ka ng marami ubusin mo pa ‘yan.” Saad niya tapos nilagyan ng chicken joy at hotdog ang plato ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakaimik. Hindi niya ito ginawa kahit noon.

“Okay ka lang anak? Ayaw mo ba?” 

Napatingin ako sa kaniya at napakurap. “Ah, gusto pa po.” Matipid akong ngumiti.

Umupo muli siya at kumain din. Nagkibit balikat nalang ako.

Napansin ko si Motmot na palipat-lipat ang tingin sa ‘kin at kay daddy habang salubong ang kilay.






***

Note:

vote tes five! Gets?

ᕙ⁠༼⁠◕⁠ ⁠ᴥ⁠ ⁠◕⁠༽⁠ᕗ

Who Are You ShadowNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ