20: Katabi sa kama

40 3 0
                                    

CHIDUCK

Agad niyang tinakpan ang bibig ko. Nanlalaki ang matang sinalubong ko ang tingin niya. Maluha-luha na ‘ko.

“Shssssh! ‘Wag kang sumigaw baka marinig ka ng mommy mo.” Tinapat niya ang daliri sa labi bago dahan-dahan inalis ang kamay sa bibig ko.

“D-daddy anong ginagawa mo dito?” Kabado kong tanong at dumistansya sa kaniya.

“Gusto ko lang, gusto ko lang na — “

“Bakit nakapalupot ang braso mo sa bewang ko? Bakit mo ‘ko niyayakap?” Napalunok ako. Hindi ako makapaniwalang katabi ko siya.

“Wala naman masama, ah? Anak naman kita?”

Umiling ako. Kaya siguro binangungot ako dahil nandito siya. Sinilip ko ang oras, 12:59am na.

“M-mali, Dad. Hating gabi na bakit nandito ka sa kuwarto ko? Saka alam kong anak mo ‘ko pero hindi tama na katabi kita at, at kayakap?” Hindi parin maalis ang panlalaki ng mata ko. 'Yung tibok ng puso ko 'di ko maintindihan.

“Sorry anak gusto ko lang naman makasama ka sa — “

“Dad anong iisipin ni mommy kung maabutan ka niya dito? Mali 'to! Maling-mali! Hindi ka naman ganito, e?” Pagputol ko. Hindi ko maiwasan pagtaasan siya ng boses.

“Alam ko, gusto ko lang makasama ka sa pagtulog dahil mula bata ka hindi ko nagawa ito.” Dahilan niya na kinakunot noo ko.

“Hindi ko kasalanan ‘yon! Dapat ginawa mo nung bata ako at hindi ngayong dalaga na 'ko! Kapag nalaman ito ni mommy baka kung ano pang isipin niya!”

“Alam ko, I’m sorry.”

Umiling ako. Masama ang loob. “Lumabas kana, Dad.”

Tinuro ko ang pinto. Bastos na kung bastos, basta nabigla ako sa ginawa niya.

Tumayo siya at lumapit sa pinto bago niya isara 'yon dinaluhan niya ako ng tingin. Nabigla ako sa ekpresyon niya, ang lungkot at parang nag-sisisi. Dahil ba napagtaasan ko siya ng boses?

Pagkasara ng pinto doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napasabunot ako sa buhok. Nakakainis.


***

To be continued.

Who Are You ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon