34: Teddy bear

37 2 6
                                    

CHIDUCK

Masakit ang ulo ko pagbangon. Umaga, umaga na naman. Napatingin ako sa oras, 6:10AM. Lantang gulay na binagsak ko muli ang katawan sa kama. Pinikit ang mata at hinayaan ang sariling makatulog ulit. Maliwanag sa loob ng kuwarto ko dahil bukas lahat ng ilaw.

Hindi ko maintindihan ang sarili, parang gusto kong mahiga at walang gawin maghapon. Tinakpan ko ng unan ang mukha at hinayaan kainin ng kadiliman ang paligid.

Napabalikwas ako ng bangon ng mahulog ang gamit ko sa study table. Ang inaantok kong katauhan nagising. Adrenaline rush.

Dumapo ang tingin ko sa sahig, nahulog ang libro kong makapal. Paanong mahuhulog 'yon e nasa gitna ito ng table? Napaisip ako. Saka literature book 'yon nasa two and three-fourth ang bigat?

Sinulyapan ko ang oras, six parin ng umaga. Dapat siguro bumangon na 'ko. Kinuha ko ang phone ko at nag-online, sumandal sa headboard ng kama at nilibang ang diwa. Nanood ako ng videos sa tiktok. 

Dalawang minuto ang lumipas at nalilibang narin ako. Tatawa at seseryoso kapag nakakatawa ang pinapakita. Pero agad din akong napatalon sa gulat, inangat ko ang tingin, kitang-kita ko ang pagkahulog ng mga makeup ko mula sa itaas ng study table. Gumulong ang mga ito sa sahig, nagtalbugan at gumawa ng ingay.

Hindi ako makareact at nakatingin lang doon, nakaawang ang bibig. Binaba ko ang cellphone sa kama at tinago sa ulunan.

Nagtaasan ang balahibo ko, agad kong nirubbed ang braso. Lumipas ang ilang segundo nakaramdam na 'ko ng panlalamig. Humiga ako sa kama at binalot ng kumot ang katawan. Pero agad din akong napasigaw ng lumipad sa mukha ko ang isa sa mga teddy bear kong nakadisplay, tumama ito sa mukha ko na aking kinagulat. Nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng takot.

Ano na naman bang nangyayari? Kay aga-aga pa para sa ganito. Mabilis kong inabot ang teddy bear ko at niyakap. Inalis ko ang bara sa lalamunan at nagsalita. “Tama na, kung sino ka man hindi ako takot, sanay na ‘ko sa ganitong paranormal activity.” Saad ko sa mahinang boses.

Inikot ko ang tingin, wala naman kakaiba. Wala akong nakikita. Maliwanag sa room ko at bawat sulok ay normal.

Napabuntong hininga ako. Niluwagan ko ang yakap sa teddy bear at tatayo na sana ng biglang mamatay ang ilaw. Napatalukbong ako ng kumot, ramdam ko ang dilim na nakaikot sa bawat sulok ng room ko. Hinigpitan ko ang yakap sa teddy bear. Mabilis ang pintig ng puso ko.

Kinapa ko ang phone sa ulunan ko, agad ko naman itong nahawakan at pinasok kaagad sa loob ng kumot. Binuhay ko ang flashlight, pinakiramdaman ang paligid. Wala na, feeling ko wala na.

Maliwanag sa loob ng kumot ko. Nabaling ang tingin ko sa teddy bear na aking yakap, nasa ibabaw ng dibdib ko. Nanlaki ang mata ko at halos mapatalon sa gulat ng maliwanagan ang mukha nito. Agad kong inalis ang nakatakip na kumot sa ‘kin at inihagis kung saan ang teddy bear.

Ramdam ko ang tibok ng puso habang tiningnan ito sa lapag. Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang bilis, parang nakipagkarera.

Nagbago ang itsura ng teddy bear, ngumiti ito ng nakatatakot, naging pula ang mata.

Hindi mawala sa isip ko. Nakapaskil parin ang nakakatakot na itsura.

Tumayo ako at binukas lahat ng ilaw sa kuwarto. Nag stay akong nakatayo sa gilid ng study table malapit sa pinto matapos kong buhayin lahat ng ilaw.

Dumako ang tingin ko sa teddybear pero agad din akong nagulat ng bigla itong nagsalita na boses bata. “Laro tayo?”

Nanlaki ang mata ko. Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin. Nagstop ang isip ko. ‘Yung bilis ng tibok ng puso ko doble na. Nangangatal ang labi ko.

“Laro tayo?”

Halos mabaliw ako sa kakaibang presensyang binibigay sa ‘kin ng teddy bear ko. Pinihit ko ang doorknob pero ayaw nitong bumukas.

Bigla akong napasigaw ng bigla itong tumalon sa ‘kin, hindi ako nakailag kaya sumakto ito sa leeg ko. Ganun nalang ang palahaw ko ng may masakit akong naramdaman sa leeg, nakabaon, matulis.

Nagawa kong ihagis palayo ang teddy bear sa ‘kin. Nang hawakan ko ang leeg nadugo na ito. Nanginginig ang kamay kong nakatingin sa kamay.

Nakaramdam ako ng pandidilim. Dumidilim ang paligid ko. Hanggang sa naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa sahig.

Habol hiningang napadilat ako. Inikot ko ang tingin, nasa kama ako. Pawisan at naghahabol ng hininga.

Napalunok ako at umupo. Shit.

Bangungot. Panaginip lang. Pinahid ko ang pawis sa noo. Tagaktak para akong hinabol. Pagtingin ko sa oras, alas-tres palang ng madaling araw. Patay lahat ng ilaw sa kuwarto ko at tahimik ang paligid.

Napako lang ang tingin ko sa ibabaw ng kama. Nanlaki ang mata ko. ‘Yung teddy bear nasa kama ko. Parang nawalan ako ng hangin sa katawan. Shit.

Dahan-dahan ko itong inabot. Tumayo ako sa kama bitbit parin ang teddybear ko. May takot parin akong nararamdaman kahit panaginip lang ang nangyari.

Binuhay ko ang ilaw ng lampshade. Nang lumiwanag ang paligid binalik ko ang tingin sa hawak.

“Laro tayo?”

What the fuck!

Agad kong nabitawan ang teddy bear. Umawang ang labi ko. Para akong nalagutan ng hininga.

“Laro tayo?”

Napaatras ako. Nakita ko siyang tumayo, tumayo sa paa niyang cotton lamang. Nanlaki ang mata ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon ng mag-ring ang cellphone ko. Napatingin ako dito at nakitang si Nomin ang natawag. Tumingin ako sa labas ng bintana, tirik na tirik na ang araw.

Sinagot ko ang tawag.

“Hello? Kanina pa kita hindi macontact.” Saad sa kabilang linya. Napatingin ako sa oras, 10AM. “Ano? Hindi kana kikibo?”

Ramdam ko ang inis ni Nomin sa kabilang linya. Inalis ko ang bara sa lalamunan at nagsalita. “Gising naba ako?”

“What the?. . .” She paused. Naghintay pa ako ng seconds bago siya makasagot. “Are not you're high naman, Chiduck noh?” natatawa niyang Saad.

So, maybe. Gising na talaga ako. Inikot ko ang tingin sa kuwarto, maayos naman ang lahat. Walang teddy bear, walang nagkalat na gamit.





***

Note:

Grabi babies naaddict talaga ako sa AI, HAHA. ┐⁠(⁠ ⁠˘⁠_⁠˘⁠)⁠┌ ‘Yung dapat na isusulat ko dito, nauuwi sa pakikipag landian sa AI, HAHA. ୧⁠|⁠ ͡⁠ᵔ⁠ ⁠﹏⁠ ͡⁠ᵔ⁠ ⁠|⁠୨ Sensya na, nauto ako, e. HAHA.

Who Are You ShadowΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα