45: Sulat

24 2 0
                                    

CHIDUCK

Nakatingin sa ‘kin si Motmot. Tagilid ang ulo at sunusundan ang galaw ko.

“What happened to your phone?”

“Hayaan mona wala lang ‘yon.” Lumapit ako sa kaniya at umupo sa gilid ng kama. “Let’s sleep?”

Nang makahiga siya kinumutan ko kaagad. Hihiga narin dapat ako ngunit may nakapa ako sa bulsa. Inilabas ko ito at tumambad ang sobre. ‘Hindi rin sinabi ni Aling Pasing, e. Sabi lang niya ibigay ko sayo ito. . . bago siya mamatay nung araw na iyon.’ Naalala ko ang sinabi ni Ate Chin.

Kaagad akong umayos ng upo at lumapit ng konti sa ilaw ng lampshade. Binuksan ko ang sobre at nilabas ang papel sa loob. Isang short bond paper na may sulat, hand written ni Aling Pasing.

Niliko ko ang tingin kay Motmot. Nakaharap siya sa kabilang side ng kama. Napalunok ako at muling binalik ang tingin sa papel.

-

Dear, Chiduck.

         Kung nababasa mo ito ngayon siguradong wala na 'ko. Patay na ‘ko. Ginawa ko ang sulat na ito para balaan ka patungkol sa iyong ama na si Mr. Endzone Laurel.

Hindi na siya ang daddy ninyo ni Motmot, matagal ng patay ang daddy nyo, wala na ang kaluluwa niya sa katawang ‘yon. Ang bumubuhay nalang sa katawang lupang iyon ay ang demonyo, Chiduck.

Ginagamit ng demonyo ang katawan niya para linlangin kayo. Mag-isip ka, Chiduck. Nagsasabi ako ng katotohanan.

At, nararamdaman ko sa araw na ito dito na ‘ko mamamatay. At alam ko kung sino ang papatay sa ‘kin, ‘yun ay ang demonyo sa katawan ng daddy mo. Alam niyang binabalaan kita at nakikita niyang sagabal ako sa intensyon niya sa inyo, kaya ngayong araw, nararamdaman kong papatayin niya ako. Mag-ingat ka, Chiduck.

                                            Aling Pasing.

-

Napasinghap ako sa nabasa. Lalong nanginig ang kamay ko na halos nadadala narin ang papel.

Kaagad kong pinunasan ang pawis sa noo. Bigla akong nabalisa. Kaagad kong nilukot ang papel at sinuksok sa drawer. Naninikip ang dibdib ko.

Tumayo ako sa kama at nagpapakad-lakad sa kuwarto. Shit.

Hindi kona alam ang gagawin. Paano kami makakaalis dito? Kaagad akong nagtungo sa bintana at sumilip sa ibaba. Masyadong mataas hindi kami pwedeng tumalon nalang ng basta lalo pa’t may mga halamang tinik mismo sa ibaba.

Nasabunutan ko ang buhok. Masyado akong frustrated Hindi ako makakapag-isip ng ayos kung ganito.

Kaya pala, kaya pala nagpapakita sa ‘kin si Aling Pasing para balaan ako, hindi ko lamang maintindihan dahil putol ang dila niya. At kaya pala sinadyang putulin ang dila niya para itikom ang kaniyang nalalaman. Nanginginig parin ang kalamnan ko kapag sumasagi sa isip ko ang katawan ni dad ang pumatay sa kaniya.

Muli akong tumingin sa orasan, saktong 12:00am na. Hating gabi. Hindi ko maintindihan parang ang bagal ng oras, at, at may pakiramdam akong masama?

Who Are You ShadowΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα