Epilogue

34 5 2
                                    

CHIDUCK

Nagising akong pinalilibutan ng doctor at nurse, nang iikot ko ang tingin nakita ko sina Father Samuel, Sister Editha, Nomin, Shawy at si Bulb.

Napako ang tingin ko kay Bulb. Nasa gilid siya ng kama ko, nakatayo at malamlam ang mata, para siyang nanggaling sa pagluluksa?

“We will do a further check-up later on, for now you can talk to her, but make sure don’t exaggerate anything that might trigger her consciousness.” Saad ng doctor, tumingin ito sa ‘kin bago ngumiti.

“Salamat, Doc.” Turan ni Father Samuel. Sinundan ko ng tingin ang lalaking doctor at ang nurse na lumabas. Inikot ko muli ang tingin, nasa isang kuwarto ako na puro makina, may nakakabit din swero sa magkabila kong kamay, tapos may benda ang kaliwa kong braso.

Hindi ko maigalaw ang katawan tanging mata lang. Dumapo ang tingin ko kay Father Samuel ng magsalita siya. “Makakabuting isa lang muna ang kakausap sa kaniya.”

Sumang-ayon ang lahat. Tumingin sa ‘kin si Nomin at Shawy at nagpaalam na lalabas muna sila, kasunod non si Sister Editha hanggang sa lumabas narin si Father Samuel. Naiwan si Bulb — hindi pala si Liv.

Nagsalubong ang tingin namin. Hindi siya kumukurap at sa ‘kin lang nakapako ang mga mata niya. “Liv?” Bigkas ko sa sobrang hinang tono, parang bulong nalang.

Umupo siya sa monobloc chair sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng saglit na kuryente dahil doon.

“Two weeks kang tulog.” ‘Yun lamang ang lumabas sa bibig niya. Binaba niya ang tingin sa kamay kong hawak niya. “Akala ko mawawala ka din.”

Hindi ako umimik. Ang alam ko kasi nung mga oras na ‘yon mamamatay narin ako.

“Salamat at bumalik ka.” Inangat niya ang tingin sa ‘kin, at sa unang pagkakataon nakita kong may kinang ang matang 'yon. Hindi na ito patay tulad nung una.

“Hindi ko din alam kung paano ako nakabalik, ang alam ko doon na 'ko mamamatay.”

“Huwag mo ng isipin dahil ang mahalaga nandito ka.”

Tumango ako. Pero biglang sumagi sa isip ko ang pamilya ko. “Nasaan na sila?”

Sa tanong kong ‘yon hindi siya kumibo. Nakatitig lang ang mata niya sa ‘kin. Para bang iniisip niya kung dapat ba niyang sabihin o hindi.

“Wala na sila. Nailibig na sila habang incoma ka.”

Parang piniga ang puso ko sa narinig, may kirot na sumagi sa katauhan ko. Naalala ko sila. Namimiss ko sila. Iniwas ko ang tingin at dumapo ito sa kisame. Napalunok ako. May mainit na kamay ang dumapo sa gilid ng mata ko, pinunasan ang luhang umaagos doon. Lalo akong napaiyak. Bumabalik lahat sa alaala ko.

“Tahan na. Makakasama sayo ang pag-iyak.” Turan niya sa malambing na tono, may pagkabalisa sa mata matapos makita ang reaction ko.

“S-si daddy?” Napalunok ako. Parang may tinik na bumara sa lalamunan ko.

“Dumating sila Father Samuel sa bahay nyo ng gabing ‘yon, nagawa nilang i-pinned ang katawan ng daddy mo at itali ito, hanggang sa umpisahan ang exorcismo.”

“N-nandoon karin ba?” Tanong ko. Tinatry kong i-hold ang emotional damaged ko. Sobrang sakit. Para akong magkakamental breakdown.

Tumango siya. “Ako nagdala sayo sa hospital.”

Tumango ako. “Pwede, pwede koba silang dalawin?” Lumunok ako. Nahihirapan akong huminga, kailangan kong kumalma.

Umiling siya. Pinisil niya ang kamay ko. “Kapag fully heal kana, magpagaling ka muna.”

Matapos niyang sabihin ‘yon namalagi ang katahimikan. Hindi ako nagsalita at ganun din siya. Nakatingin lang siya sa ‘kin na parang kinakabisa ang bawat bahagi ng mukha ko. Ginamit ko ang katahimikan na 'yon para ibalanse ang pag-iisip. Ginawa ko ang inhale exhale ng ilang beses. Nag-iisip ako ng tanong na hindi connected sa pamilya ko. Makalipas ang sampung minuto. Inalis ko ang bara sa lalamunan at muling nagsalita. “Pwede ba akong magtanong? Medyo personal?” Ngumiti ako sa kaniya, medyo okay na 'ko.

“Ituloy mo.”

Tumingin ako sa mga mata niya. “Ilan taon kana?” Turan ko. Natigilan siya. Masyado kayang personal? Hindi parin siya kumikibo at nakatitig lang sa ‘kin.

Kalaunan napangisi siya sa tanong ko. “Mas matanda sa inaakala mo.”

Kumunot ang noo ko. “One thousand years?”

Natawa siya. “Higher.”

Higher? Nagsalubong ang kilay ko dahil doon. “Five thousand years old?”

Umiling siya. “Far from that.” Nakangiti niyang turan.

“Bakit ka ngumingiti?” Inosente kong tanong. Kaagad namula ang tenga niya at inalis ang ngiti sa labi. Muli tuloy siyang naging seryoso. Dapat pala hindi kona binati, e.

“Pwede magtanong uli?” Dugtong ko. Hindi kona hinintay ang sagot niya at nagtanong nalang. “Ano kaba?”

Kumunot ang noo niya. Mukhang mali yata ang tanong ko. “I mean, demon kaba, ghost, mad spirit, what kind of entity are you?”

“Demon.” Diretsa niyang saad. Napa ‘ahh’ ako at tatango-tango, hindi ako nakakaramdam ng takot? Pwede ba 'yon? Kaharap kona mismo ang demonyo tapos okay lang?

“That’s cool.” Lumabas nalang bigla sa bibig ko, nakagat ko tuloy ang labi at naipikit ang mata. Bwisit bakit ko sinabi 'yon?

Nakita ko naman siyang natawa at binigkas ang salitang. “Hindi kaba natatakot?”

Kumunot ang noo ko, dinilat ang mata at tumitig sa kaniya. “Hindi. Ang gaan nga ng loob ko sayo, e. Maybe you’re my guardian angel —" Napahinto ako sa ere at napaisip. "Devil pala.” Pagtatama ko.

Natawa siya at nagkibit balikat. “Siguro nga.” Turan niya, nakangiti uli. “Gusto mo ng pagkain? Kahit ano? Nagugutom kaba?”

Tumango ako.

“Gusto ko sana ng lugaw na may pritong bawang, chili oil, onion leaves, tokwa at itog.” Kumpleto kong saad, hindi ko alam at natatakam ako sa ganun pagkain.

“Sige, babalik ako, magpahinga ka lang diyan.” Tumayo na siya at naglakad patungo sa pinto, tumingin siya sa ‘kin ng huling beses bago siya ngumiti at pinihit ang seradula.

Pero bago siya makalabas narinig ko ang bulong niya, sobrang hina pero malinaw. “Sana bumalik na ang alaala mo, mahal ko. Dekada na ‘kong naghihintay sayo.”

Napakurap ako. Ano daw? Dekada na siyang naghihintay sa taong mahal niya?



THE END


***

Note:

Tapos na talaga, yehey!!
Thank you, thank you ng marami. ಡ⁠ ͜⁠ ⁠ʖ⁠ ⁠ಡ  ‘Till next story. Love you all. (⁠人⁠ ⁠•͈⁠ᴗ⁠•͈⁠)

Send katol. Huhu.

Gawan ko kaya ng book 2? Tapos iikot ang story kay Bulb (Liv) at Chiduck? Evil laughed.

Charot lang HAHAHA.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now