5: Father's Day

50 3 0
                                    

CHIDUCK

Sinara ko ang ginawang gift card.

Napangiti ako.

Sana magustuhan ‘to ni daddy. Father’s Day ngayon at balak kong ibigay ‘to sa kaniya. Hinaplos ko ang hawak na box, isang Seiko Automatic Watch, binili ko talaga para ibigay kay daddy. One year kong pinag-ipunan ito.

Lalabas na sana ako para puntahan si daddy sa office niya dito sa bahay ng pumasok ang kapatid ko, si Motmot.

“Ate laro tayo.”

Napangiti ako. Ito talagang kapatid ko ang hilig makisabay. Eight years old lang siya at ‘di hamak ang tanda ko.

“Please Ate.”

Napangiti tuloy ako dahil ang cute-cute niya, maliit lang siya at kulot ang buhok tapos chubby kaya ‘di ‘ko mapigilan kurutin ang pisngi niya. Ang cute talaga ni baby girl.

“Ouch!” Reklamo niya at kinurot din ako sa braso. Mapaghiganti talaga.

“Babalik si ate may ibibigay lang ako kay daddy, okay? Wait me here, hah?”

“Okay, just make it fast!”

Hindi kona siya pinansin at lumabas na. Nagtungo ako sa third floor dahil naroon ang office ni daddy. Hindi katulad ni mommy na may trabaho sa opisina, si daddy sa bahay lang dahil meron siyang business.

Kumatok ako ng dalawang beses bago pinihit ng seradula at pumasok. Naabutan ko siya sa kaniyang table nakatutok sa monitor ng laptop.

“Daddy.” Tawag ko. Tumingin siya sa ‘kin sandali at binalik din sa ginagawa niya.

Sanay na ‘kong snob siya sa 'kin, sanay na ‘kong parang hangin lang. Tumikhim ako bago muli nag-salita.

“Ahm, Happy Father’s Day po, Dad!” Masayang turan ko. Ni hindi siya tumingin sa ‘kin bagkus kumunot pa ang noo niya.

“Oh? Father's Day ba ngayon?” Walang gana niyang sagot, sa laptop parin nakatutok.

“Ahm, may gift at card ako sayo, here!” Masayang lumapit ako sa kaniya at pinatong ito sa desk niya.

Nakangiti akong naghintay.

Ni hindi siya tumingin sa 'kin kahit nakatayo ako sa harap ng desk niya. Pero kahit ganun masaya parin ako.

Hinintay kong galawin niya ang binigay ko, ngunit parang hindi niya ito napansin kaya inusad kopa ito palapit sa kaniya at doon nakuha ang atensyon niya. Tumingin siya sa 'kin at kumunot ang noo.

“Pwede ka nang lumabas.” Utos niya, walang bakas ng saya sa boses.

Hindi ba siya masaya sa gift ko? Ayaw ba niya ng watch? Napalunok ako at pilit pinasaya ang boses.

“Dad, buksan mo ang gift ko kahit saglit mo lang tingnan." Masaya kong turan, pero hindi ko maiwasan mag-mannerism, 'di ko mapigilan kagatin ang kuko sa hinlalaki ko.

Tanging tunog ng keyboard niya ang maririnig sa tahimik na kuwarto. Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, kung napansin ba niya ako?

“Ahm, Dad? Busy kaba?” Kinakabahan kong tanong. Gusto ko lang naman na matuwa siya sa ‘kin. Inalis ko ang kamay sa bibig at nilagay sa likod ko.

Feeling ko maiiyak na 'ko dahil hindi ako pinapansin. Parang wala akong kwenta. Gusto ko lang naman maramdaman ang pagmamahal ng ama.

“Basahin mo Dad ‘yung letter na gina — “

“HINDI MO BA NAKIKITANG BUSY AKO!” Nagulat ako ng ibagsak ni daddy ang kamay sa desk. Matalim na tingin ang binigay niya sa 'kin habang kunot ang noo.

Napalunok ako.

Bigla umariba ang mannerism ko. Para akong hinabol ng kabayo nanginginig ang isa kong kamay na nakatago sa likod ko.

“S-sorry po, kung na s-storbo ko po kayo.” Utal-utal kong pag-hingi ng paumanhin.

“LEAVE!”

Kumabog ang dibdib ko sa dumadagundong niyang boses.

May namumuong luha sa gilid ng mata ko. Napalunok ako at sumikip ang dibdib.

Bakit, bakit kailangan sumigaw? Gusto ko lang ibigay ang gift ko para sa Father's Day?

Pinigilan kong maiyak.

Gusto ko lang mapasaya siya pero mukhang mali ang ginawa ko. Lagi nalang mali.

“ARE YOU DEAF? I SAID LEAVE! NOW!”

Pinikit ko ang mata at muli siyang tiningnan. Nakaturo ang kamay niya sa pinto. 

“D-dad gusto ko lang naman ibigay sayo ‘yan, ang gift ko, g-gusto ko lang. . . “ Napahinto ako at napalunok, kaya ko 'to. “G-gusto ko lang batiin ka ng Happy Father’s Day and I love you, po.”

Kinagat ko ang labi matapos 'yon sabihin. 'Wag kang iiyak, please.

“NASABI MONA, NOW YOU MAY LEAVE, BUSY AKO!” Madiin ang pananalita niya, halatang nagpipigil mainis. Mukhang hanggang dito nalang.

Tumango nalang ako.

Naglakad na 'ko patungo sa pinto ng bumukas ito.

“Ate ang tagal mo.” Nakangusong salubong sa ‘kin ni Motmot.

Ngumiti ako ng mapait sa kapatid ko. Pigil na pigil ang nararamdaman. Ang bigat, e.

“Lumabas na kayong dalawa!” Sita samin ni daddy. Hihilahin kona si Motmot palabas ng tumakbo siya patungo kay daddy. Huli na dahil nakalapit na siya.

“Daddy what are you doing?” Nakangiting turan ni Motmot sa tabi ng swivel chair ni dad.

“I’m working.”

“Why you need to work?” Inosenteng tanong ni Motmot.

“Work is essential for living, baby. If I don’t do work, you don’t have food to eat.” Nakangiting turan ni daddy, hinaplos pa nito ang buhok ni Motmot.

Nasaktan ako sa nakita, pero pilit kong pinakitang okay lang sa 'kin. Okay lang sa 'king iba siya kay Motmot.

Nakangiti siya kay Motmot habang nagpapaliwanag. Workaholics si daddy, he has strong desired para mapalago ang restaurant niya. Para dumami pa ang branches nito. Para sa kaniya achievement ‘yon.

“Ow, you may continue your work na po, ayoko mawalan ng food, e.” Sagot ni Motmot. Pinisil lang ni daddy ang pisngi nito bago ito hinalikan sa noo.

Napaiwas ako ng tingin. May malaking bato ang humarang sa dibdib ko. 

Nakaramdam ako ng awa sa sarili dahil nanlilimos ako ng pagmamahal sa sariling ama. Nakakaawa pala ako.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali?

Bakit iba ang pakikitungo niya sa ‘kin?

Bakit kapag sa kapatid ko? Kapag kay Motmot?

Pinahid ko ang mainit na tubig na lumabas sa mata ko. Tumalikod na ‘ko at lumabas ng kuwarto. Alam ko sa sarili kong naiinggit ako, naiinggit ako sa kapatid ko. Gusto kong maselos, gusto kong pagsalitaan si Motmot, gusto ko siyang awayin, dahil ni minsan hindi ko naramdaman ang pakiramdam niya. Ngunit, bata si Motmot, wala pa siyang alam.

Tumakbo ako sa kuwarto ko at nilocked ang pinto, pinatay ang ilaw at nagmukmok sa gilid ng kama.

Sana, kahit minsan, maramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama.

Wish ko 'yon.








***


Note:

Wala lang hahaha ᕙ⁠(⁠ ⁠~⁠ ⁠.⁠ ⁠~⁠ ⁠)⁠ᕗ trip ko lang mag note khit wala akong sasabihin.   Bakit ba walang basagan hahaha

Love lots

(⁠~⁠ ̄⁠³⁠ ̄⁠)⁠~

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now