21: Aling Pasing

42 3 0
                                    

CHIDUCK

Eight ng umaga na 'ko nagising dahil 'di ako nakatulog kagabi dahil kay daddy. Hindi ko pa siya nakakausap at parang ayoko siyang makausap.

Katatapos ko lang kumain at hinuhugasan kona ang plato ko. Wala kaming katulong sa bahay pero tuwing Suturday may mga taong pumupunta dito para sa cleaning ng buong bahay.

Mayari kong magpunas ng kamay saka ko naman nakita ang dalawang plastic ng basura. Napailing ako at dinampot ito palabas ng bahay. Ayaw ni mommy na may nakatambak lalo na kapag nakita mo pero 'di mopa nilabas.

Tirik na araw ang bumungad sa 'kin paglabas ko sa bahay. Binukas ko ang gate at tinambak ang basura sa malaking trash bin sa labas. Pinagpag ko ang kamay at inikot ang tingin, walang dumadaan sa tahimik na kalsada. Walang makikita kundi bahay na malalaki.

Binalik ko ang tingin sa basurahan at mula sa lapag may nakita akong lukot na papel. Pinulot ko ito at binuklat, nanlaki ang mata ko dahil ito ang drawing ni Motmot. Paanong napunta dito? Sinong nagtapon — ‘He took It and I don’t know na, maybe he throw it in the trash’ pumasok sa isip ko ang sinabi ni Motmot, baka si dad ang nagtapon nito. Tinupi ko ng maayos ang bond paper at sinuksok sa bulsa ng short ko.

Tumalikod na ‘ko at babalik na sa bahay ng marinig ko ang paglangitngit ng gate sa kaharap naming bahay. Siguro may maglalabas din ng basura. Hindi ko nalang pinansin at diretsong pumasok sa gate ng may magsalita.

“Chiduck sandali lang.”

Niliko ko ang tingin, si Aling Pasing na kalalabas lang sa gate. May dalang basura at tinambak sa gilid. Ngayon ba ang pangongolekta ng basura?

“Bakit po Aling Pasing?” Tanong ko, dahil walang dumadaan kumabila ako sa kabilang kalsada at nilapitan siya.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palayo sa harapan ng bahay namin. Nagpunta kami sa kabilang side ng ibang bahay, hindi na tanaw ang bahay namin dito. Sumilong kami sa isang puno, nasa loob ng bakuran ang puno pero dahil sa sanga nito may lilim din sa pinaka sidewalk sa labas.

“Bakit po may problema ba?” Naguguluhan kong tanong. Tumingin siya sa bawat gilid bago magsalita.

“Alam kong maguguluhan ka pero may napapansin kabang kakaiba sa daddy mo?” Diretsa niyang tanong na kinasalubong ng kilay ko. Tumitig siya sa ‘kin at parang may gustong sabihin.

“Meron naman po pero sabi ni mommy baka bumabawi lang si dad dahil hindi maganda ang pakikitungo niya sa ‘kin noon.”

Madahas siyang umiling at hinawakan ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit ang kapit. Hindi ko siya maintindihan at parang ang weird niya ngayon.

“Mali ka.” Turan niya at muling inikot ang tingin. Para siyang balisa at may kinakatakutan.

“Ano po bang mali don? Masaya nga ako dahil hindi na siya katulad ng dati, e.” Pag-angal ko at inalis ang kamay niya.

“Hindi kaba nagtataka matapos ang aksidente ng daddy mo nagbago siya? Parang may ibang katauhan?”

Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi ni Aling Pasing. Gumagawa na naman ng haka-haka. “Wala naman pong katotohanan ‘yang sinasabi nyo, e. Pamahiin na naman ‘yan sa probinsya sigurado ako.”

Taga Visayas si Aling Pasing at nagpunta siya dito sa Manila para magwork.

“Hindi sa ganun, Chiduck. I-try mong pakiramdam ang daddy mo, ‘yung mga ginagawa niya dati at ginagawa niya ngayon.” Pangungulit niya.

Umiling ako.

“Babalik na po ako sa bahay baka hinahanap na 'ko.” Sagot ko, tatalikod na ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap sa kaniya. Kitang-kita ang kaseryosohan niya.

“Maniniwala kaba kapag sinabi kong meron akong sixth sense?”

Napakurap ako. Sixth sense? Nahalata niyang hindi ako naniniwala kaya nagsalita siya.

“Isa kong mambabarang sa bayan namin pero sa kabutihan ko ito ginagamit.” Aniya.

“Ano naman pong connect non?” Pagtataka ko. Huminga siya ng malalim at muli akong tinitigan, parang tagusan kung tumingin.

“Alam kong hindi ka maniniwala, Chiduck. Pero ang daddy mo ngayon ay hindi talaga ang — “

“CHIDUCK!”

Napatingin ako sa sumigaw. Kumunot ang noo ko ng makita si daddy hindi kalayuan samin. Nang ibaling ko ang tingin kay Aling Pasing nagulat ako sa ekpresyon ng mukha niya. Gulat na gulat siya at parang naging estatwa na.

“Aling Pasing.” Tawag ko dito. Pero hindi siya gumalaw at nakatingin parin sa kinaroroonan ni dad.

“Aling Pasing okay lang kayo?” Tanong ko, hinawakan ko siya sa braso at doon lang siya gumalaw. Ang likot ng tingin niya at parang hindi mapakali.

“Ano pong nangyari sa inyo at — “ Nahinto ako sa pagsasalita ng madiin niyang akong hinawakan sa pulso. Sinalubong ko ang tingin niya. Nagtataka ako sa kaniya.

“CHIDUCK! HALIKA NA!” Sigaw ni dad. Inalis ko ang kamay ni Aling Pasing pero parang ayaw niya akong bitawan. Ang higpit ng hawak niya.

“Aling Pasing tawag na po ako.” Saad ko. Doon lang niya ako binitawan at hinayaan umalis. Lumapit na ‘ko kay daddy at sabay kaming bumalik sa bahay.

Nilingon ko si Aling Pasing, nakatayo parin siya doon at nakatingin samin. Ano bang problema niya?

“Anong sinabi niya sayo? Kumain kana ba ng umagahan?” Tanong ni daddy habang nakangiti. Tumango nalang ako at pumasok na kami sa gate.





***

Note:

Salamat sa pag-read. \⁠(⁠^⁠o⁠^⁠)⁠/
Feedback super appreciated.

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now