10: Kaibigan

45 3 0
                                    

CHIDUCK

“Guys alam nyo na ang balita?”

“Nomin paano namin malalaman kung hindi mo sasabihin?” Pambara ni Shawy, naglalakad kami ngayon sa school ground. Marami narin studyante ang naglalabasan kasabay namin.

“Why you're always mocking me? Hah, Shawy?” Saad ni Nomin, nasa gitna ako kaya kapag nagbabangayan sila nabibingi ako.

“Wala lang, ang cute mo kasi Nomin Sy.” Nakangiwing sagot Shawy.

“I know because I’m half chinese, duh?”

“Chinese nga maliit naman, duh?” Panggagaya ni Shawy dahilan kung bakit nagpapadyak si Nomin sa inis. Napahinto tuloy kami sa paglalakad. Si Nomin literal na half chinese, ‘yun nga lang medyo maliit talaga pero cute.
 
“You! Purkit you’re morena and matangkad you starting to lait me? I thought we’re friends? Friends never do that!” Sigaw ni Nomin.

Si Shawy kasi matangkad at morena tapos maganda.

“Real friends do that, Nomin.” Pang-asar ni Shawy habang nakangisi.

“Hep! Hep! Tama na.” Awat ko, tiningnan ko silang dalawa at inilingan. Tatlo lang kaming magkakaibigan since elementary, we’re childhood bestfriend at kilala namin ang isa’t isa simula bata.

“Fine!” Duet pa nilang saad at sabay humalukipkip.

Tumango lamang ako at ngumiti.

Lalakad na sana kami ng makita naming dumaan si Bulb sa harap namin. Pabalik sa building ng senior high, grade 12 na siya at takot sa kaniya lahat. Ang tawag sa kaniya'y addict may sabi-sabi kasing nagdadrugs daw siya at maraming bisyo, isa doon ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Wala din siyang kaibigan.

“RIGHT!”

Nagulat kami ni Shawy sa biglang rentada ni Nomin. Nakangiti siya na parang ewan tapos nakataas ang hintuturo. Pati tuloy 'yung mga studyanteng malapit samin napatingin. Pag-uusapan na naman kaming weird.

“Bakit kaba sumisigaw?” Inis na saad ni Shawy.

“E, kasi ang sasabihin ko about sa kaniya.” Tinuro niya si Bulb na naglalakad. Agad ko naman binaba ang kamay niya dahil baka makita ni Bulb na pinag-uusapan siya.

“Ano naman ‘yon?” Tanong ko. Naglakad na kami patungo sa gate. Five na ng hapon.

“May binugbog daw siyang grade 10 student tapos na-hospital daw at malala ang lagay.” Sagot ni Nomin.

“Grade 10? Anong section? Batch mate pa natin, ah.” Si Shawy.

“Section bluebell daw, e.”

“What the fuck classmates ko ‘yon ah? Sino don? Bakit wala akong alam?” Gulat na sagot ni Shawy. Kaming tatlo hindi magkakasama sa isang section pero kahit ganon sabay-sabay parin kami nagre-recess at lunch.

“Paano mo nga malalaman eh pare-parehas tayong weird tapos ilag satin mga classmates natin?” Nakairap na kumento ni Nomin, lahat kami nai-interpret na weird kaya close kaming tatlo dahil kami lang nagkakaintindihan.

“Ikaw ba naman sumigaw sa loob ng room habang nagkaklase ang teacher hindi ka sabihang weird?" Nakangusong saad ni Shawy.

"Ang tanong 'bat sumigaw Shawy?" Pang-asar ni Nomin. Natawa tuloy ako sa naalala. "Kasi ano? Say it Shawy?Nakakita ng multong duguan sa classroom?" Dagdag niya.

"Hays basta! Tayong tatlo weird at may third eye." Sagot ni Shawy. Tumango nalang ako dahil totoo naman.

“Saan mo pala nabalitaan ‘yung about kay Bulb, Nomin?” Tanong ko. Pagkarating namin sa gate tumambay muna kami sa gilid habang naghihintay ng sundo. Lahat kami nakasakay sa school bus.

Maraming studyante ang nasa labas para maghintay ng sundo nila, dito rin kasi nakalagay ang parking lot ng school.

“Sinabi sa ‘kin ng kuya ko. Napakasama talaga ni Bulb kaya wala siyang kaibigan, e.”

“Ikaw nga hindi masama pero walang kaibigan.” Biglang singit ni Shawy kaya ‘yung tingin nila may lalabas na namang laser. Napailing ako. Nakatingin lang ako sa traffic enforcer sa gitna ng kalsada, sobrang traffic na dahil sa mga sasakyan sumusundo sa studyante.

“Nahiya naman ako sayo, noh!” Bulyaw sa kaniya ni Nomin.

“’Wag nga kayong mag-away, tatlo na nga lang tayo ganyan pa kayong dalawa.” Natatawa kong saad. Kahit kasi ganyan ang dalawang ‘yan nagkakasundo parin.

“Si Nomin kasi! Pero bakit kaya ganon si Bulb noh? May pinagdadaanan kaya siya?” Tanong ni Shawy.

“Sabi kasi sinasaktan daw ‘yon ng papa niya matapos mamatay ng mama niya. Sabi pa nga sa ‘kin ni kuya na-tortured daw ‘yon.”

“Panong tortured?” Tanong ko.

“Sabi ni kuya pinapaso daw si Bulb ng sigarilyo ng papa niya tapos kinakadena sa basement at hindi pinapakain.”

“’Yung kuya mo talaga marites.” Biglang Saad ni Shawy.

“Ikaw nga ‘yung mommy mo chismosa.” Bawi naman ng isa. Napabuga ako ng hangin. Literal. Aso't pusa.

“Bakit ‘yung mommy mo marites din naman ah!” Sagot ni Shawy.

“Hindi siya marites dahil Chinese siya!” Rentada ni Nomin.

“Bakit ang mga Chinese ba hindi marites?” Saad naman ng isa habang nakapamewang.

“Hindi. I don’t know!”

“Basta may itsura si Bulb.” Kumento ko at hindi sila pinansin. Totoo naman may itsura si Bulb hindi nga lang na-appreciate dahil unang nakikita ang flaws niya. Napatingin sa 'kin ang dalawa na kunot noo. Nahinto rin ang pagbabangayan nila.

"Laway nyo, uyy!" Dugtong ko dahil nakanganga sila. Bigla naman silang natauhan at hinigop ni Shawy ang laway niya.

“Sinabi mo bang may itsura si Bulb?” Tanong ni Nomin.

“Napopogian ka kay Bulb?” Si Shawy.

“Teka nga? Big deal ba ‘yon?” Kunot noo kong tanong. Nagkatinginan silang dalawa at tumango.

“Dalaga kana!” Sabay nilang sigaw at nag-apir pa. Tingnan mo 'tong dalawang 'to.

“Problema nyo?”

“Problema namin? Kasi satin tatlo ikaw ang walang crush at walang nagugustuhan, tapos malalaman namin napopogian ka kay Bulb? OMG! Shawy pakisampal ako!” Hysterical na kumento ni Nomin may padyak pang kasama. 'Yun nga lang napatakip ako sa bibig ng tumabingi ang pisngi niya.

“Bakit mo ko sinampal?” Hindi makapaniwalang turan ni Nomin, hawak ang pisngi. Oo sinampal siya ni Shawy.

“Kasi sabi mo.”

“Joke lang ‘yon bakit mo ginawa?” Angal niya, namumula ang pisngi.

“Edi sana nilagyan mo ng joke, duh?” Irap ni Shawy. Sasagot palang si Nomin ng mapatingin siya sa parking ng sasakyan tapos nanlaki ang singkit niyang mata at may nginuso. 

Sinundan ko ng tingin ang nginuso niya. Napakurap ako ng tatlong beses. Wait? Si  — anong ginagawa niya dito? 

“Daddy mo 'yon, diba? Bakit siya narito?” Bulong ni Shawy. Umiling ako. Hindi ko din alam kahit ako nagulat din.

Nakatayo si daddy sa harap ng sasakyan niya at kumaway sa 'kin. Talagang nagbago na siya. Matipid akong ngumiti at kumaway din pabalik.

“Okay na kayo ng daddy mo?” Tanong ni Nomin. Tumango ako sa kaniya kahit kasi ako hindi parin makapaniwala.

“Pero infairness ang gwapo talaga ng daddy mo.” Bulong ni Shawy, titig na titig kay daddy. 37 years old palang si daddy matangkad at maputi.

“Kung binata pa daddy mo daming magkakagusto diyan.” Si Shawy uli.

“Gaga, kahit naman ngayon meron pa din. Ikaw lang crush mo daddy ni Chiduck.”

“Huy ang ingay mo Nomin.” Saway ni Shawy.

Bago pa humaba ang usapan nagpaalam na ‘ko sa kanila baka kasi magalit na naman si daddy. First time niyang ginawa ito kaya namamangha parin ako. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Pero masaya ako. Sobra.










***



Note:

Wala lang ulit.  (⁠ ⁠≧⁠Д⁠≦⁠) pero feedback are highly appreciated.

Pakisabi sa 'kin kung pangit ang ginagawa kong story.  Pero hindi rin ako mapipigilan dahil malikot talaga imahinasyon ko. (⁠〒⁠﹏⁠〒⁠)


Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now