40: Sino siya

35 2 1
                                    

CHIDUCK

Napayakap ako sa sarili ng umihip ang malamig na hangin. Nasa labas ako ng bahay at kauuwi lang galing mental facility. Para akong tangang nakatayo sa harap ng gate habang nakatitig sa bahay naming tatlong palapag. 7pm na, at hindi ko alam kung hinahanap pa ba ako sa bahay na ‘to.

Napabuntong hininga ako.

Parang sumisikip ang dibdib ko sa mga nangyari ngayong araw.

Dumapo ang tingin ko sa bintana ng aking kuwarto, pansin kong may gumalaw sa loob non dahil nakabukas ang lampshade pero kaagad din namang nawala. Winaksi ko ang nakita, masyado akong down para isipin ang paranormal na nangyayari sa paligid ko.

Napahawak ako sa batok ng may malamig na hangin na dumapo dito, inikot ko ang tingin sa tahimik na kalye, ilaw sa poste at bahay lang ang makikita at walang paranormal thing.

Nagkibit balikat ako at pumasok nalang sa loob. Pagkasara ng pinto dumiretso ako sa taas, madilim sa loob ng bahay dahil patay ang mga ilaw. Ang maririnig lang ang tunog ng sapatos ko sa bawat hakbang na aking ginagawa.

Hindi ko rin mapaliwanag pero may mabigat na presensya ang nasa loob ng bahay. Hindi ko mawari pero malakas ito ngayon. Nakapalibot, nagmamasid.

Napailing ako. Bakit koba iniisip ang ganun sa bahay namin? Winaksi ko sa isip ‘yon at dumiretso sa kuwarto ko, pero napahinto ako sa pinto ng kuwarto nila mom and dad. Nakaawang ang pinto kaya napasilip ako ng 'di sadya.

Inikot ko ang tingin, madalim. Madilim sa loob ng kuwarto, tulog naba sila? Nakaharang ang malaking kurtina sa bintana kaya madilim. Napatago ako sa gilid ng pader sa biglang pagbukas ng lampshade sa gilid ng kama. Nagpakawala ako ng malalim na hininga sa kaba, hinawakan ko ang dibdib na malakas ang kabog. Akala ko talaga nakita ako.

Kinagat ko ang ibabang labi at muling dumungaw sa siwang ng pinto. Doon ko nakita si mommy, nakaupo sa gilid ng kama at kasing gulo ng pugad ng ibon ang buhok, pansin ko ang dark circle sa paligid ng mata niya indikasyon na hindi siya makatulog sa gabi. Nakatitig lamang ako sa kaniya at naningkit ang mata ng mapansin bubuka't sasara ang bibig niya na parang may binubulong na sobrang hina?

May kumirot sa puso ko ng makita ang lagay ni mommy. Wala siya sa sarili. Ang dating masayahin at maalaga kong ina, isang kisap nagbago. Ang sakit lang makitang ganito na kami ngayon. Bakit naging ganito ang pamilya ko? Anong nangyari sa kinagisnan kong magulang?

Iniwas ko ang tingin at napayuko. Kumuyom ang kamao ko at lalakad na sana palayo ng may marinig akong boses sa loob. Inangat ko ang tingin, ganun parin ang ayos ni mommy sa kama pero ang nakakuha ng attention ko si dad. Napatago ako sa gilid ng pader. Nakita kong sumampa siya sa kama at nilapit ang bibig sa tenga ni mom. Kahit kaunting liwanag ang meron sa kuwarto pansin kong may kakaiba kay dad?

Kumunot ang noo ko at tumagilid ang ulo. Parang may mali? Bakit parang may malademonyong ngisi sa imahe ni daddy ngayon? Hindi ko lang masabi kung ano. Pero, parang, parang may kakaiba? Napailing ako at winaksi ang nasa isip.

Ano bang nangyayari sa 'kin?

Lumipas ang ilang segundong ganun parin ang ayos nila, nakaupo si mommy sa kama at bumubulong-bulong habang si dad nakasampa sa kama at nakalapit ang bibig sa tenga ni mommy. Hindi sila nag-uusap. Parang tulalang ewan. Parang estatwa.

Lumipas muli ang ilang minuto. Pansin kona ang pagtalim ng titig ni dad kay mom, kasabay din non ang pagbuka ng bibig niya at pagbigkas ng salitang kinalaki ng mata ko.  

Napalunok ako at napatakip ng bibig.

Nilapit muli ni dad ang bibig at binigkas ang salitang nakapag-pataas ng balahibo ko.

“Michin, patayin mo ang anak mo dahil niloko ka niya masama siyang anak.”

Nanlamig ako sa kinatatayuan sa nakakakilabot na boses. Napakalalim. Parang, parang nanggaling sa ilalim ng lupa? Parang hindi si dad? Parang may sanib?

Lumawak ang kakaibang ngisi sa labi niya. Hindi ko kinaya nakaramdam ako ng takot. Nanginig ang kamay ko at nanlamig ang katawan.

“Niloko ka niya, Minchin.” Nangisi at matalim niyang turan. Kita ko ang pagtango ng ulo ni mommy. Parang, parang pinapakinggan niya ang bulong ni dad?

Si, si daddy nga ba siya? Parang nag roll over ang utak ko. Hindi ko alam kung anong iisipin. Kung ‘di siya si daddy sino siya?

Napahawak ako sa sintido at muling dumungaw. Parang sumasakit ang ulo ko.

“Inaakit niya ang asawa mo, Michin. Kukuhanin niya ang asawa mo, Minchin.”

Halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. May pumiltik na ugat sa ulo ko at hindi ko alam kung anong iisipin. Kasabay din ng salitang ‘yon ang malalim na halakhak ni daddy.





***

Note:

Biruin mo nga naman nakapag ud parin kahit naliligaw na. HAHA.

Saan kapa, dito kana. ୧⁠(⁠ ⁠ಠ⁠ ⁠Д⁠ ⁠ಠ⁠ ⁠)⁠୨

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now