38: Kapatid

36 1 0
                                    

CHIDUCK

“Hintayin mo nalang, upo ka muna, ahm, gusto mo ba ng maiinom, kape, juice habang naghihintay?”

“’Wag na po okay lang ako dito.” Nakangiti kong sagot.

“Ah sige, maiwan na kita may trabaho pa ako sa baba, e.” Wika niya. Nag-wave siya sa ‘kin bago lumabas sa kuwarto. Nang sumara ang pinto naiwan akong mag-isa.

Inikot ko ang tingin, nandito ako sa office ng head ng orphanage. Maliit na room pero pinagkasya ang desk living room at cr sa gilid. Nakaupo ako sa sofa at mahigpit ang hawak sa sling bag ko, nanlalamig ang kamay ko dahil sa lakas ng aircon. Kulay white ang buong office at may book shelf sa gilid ng pader at divider na puno ng files sa kabilang side.

Napunta ang atensyon ko sa pinto ng bumukas ito. Niluwa ang may edad ng babae, puti ang buhok at iika-ika ang lakad. Payat lamang siya at kulubot ang balat pero kahit ganun sumisigaw ang atoridad sa pananamit, plansyadong slack at white blouse pinatungan ng pink blazer tinernuhan pa ng gold wrist watch and necklace at hikaw na pearl. Kahit sa malayo mapapansin mong may kaya ang ginang.

“Pasensya kana hija kung ganito ako maglakad at ako’y nirayuma kagabi.” Agad akong napaiwas ng tingin sa tinuran niya. Hindi ko namalayan nakatitig pala ako sa kaniya ng matagal. Nakakahiya.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kaharap kong sofa, tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng alanganin. “P-pasensya na po kung napatitig ako.” Paumanhin ko at umiwas ng tingin.

“Wala ‘yon hija, aba’y ano bang sinadya mo dito sa orphanage?” Tanong niya. Inunat ko ang katawan at umupo ng maayos. Dinaluyan ako ng malamig na pakiramdam.

“K-kilala nyo po ba ako or namumukhaan manlang?” Binaling ko ang tingin sa kaniya. Nakasingkit ang mata niya at nakausad ng kaunti ang mukha sa 'kin, kinikilala siguro ako. Matapos ang ilang segundo nagpakawala siya ng buntong hininga.

“Sandali at malabo ang mata ko, asan ba ang salamin ko?” Turan niya. Tumayo siya sa inuupuan at nagtungo sa desk niya, kinuha niya ang salamin na nakapatong sa fortfolio tapos bumalik siya sa harap ko at muling umupo.

Muli niya akong tiningnan suot ang salamin, naningkit ang mata niya at umawang labi. Lantad na lantad ang kulubot na mukha. Napakurap siya.

“C-Chinery?” Bigkas niya na kinakunot noo ko. Nakatitig siya sa ‘kin at nakaawang ang labi, para siyang gulat na ewan. Parang naglalakbay ang utak niya sa oras na ‘to? Inalis ko ang bara sa lalamunan bago magsalita.

“Chiduck po ang name ko.” Pagtatama ko. Bigla siyang nabalik sa wisyo ang kulubot niyang noo napalitan ng maliit na ngiti. Pilit.

“Ah oo. Naalala kona.”

“Kilala nyo po ako?” Turo ko sa sarili.

“Hindi ba’t ikaw si Chinery?”

Huh? Chinery? Sino bang Chinery ‘yon? “Chiduck po hindi po Chinery.” Pagtatama ko muli. Hindi ko alam kung nag-uulyanin ba siya.

“Pasensya na hija at kahawig mo kasi si Chinery, Chinery Macalandry” Sumandal siya sa sofa at inayos ang salamin sa mata. Ngumiti nalang ako dahil ‘diko naman kilala ‘yon. Nag crossleg siya at ngumiti. “Maiba tayo hija ano bang sadya mo dito?”

Napalunok ako. Bigla akong hindi mapakali. Pinagpapawisan ang kamay at paa ko. Sinalubong ko ang tingin niya. ”D-dito po ba ako nanggaling?”

Kumunot ang noo niya.

“Nanggaling, ikaw?... ‘Diko na matandaan pero sige ano bang pangalan mo?”

“Chiduck Laurel po.”

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now