22: Conclusion

43 3 0
                                    

CHIDUCK

Kinabukasan nag-halfday kami nila Shawy at Nomin doon kami tumambay sa bahay nila Shawy.

"Dadalin dito 'yung meryenda wait nalang tayo." Kapapasok na kumento ni Shawy. Nakahilata kami sa kuwarto niya, nakaupo ako sa harap ng study table habang si Nomin nakadapa sa kama.

"Anong meryenda?" Tanong ni Nomin habang nag-seselfie.

"Sandwich at juice."

"'Yun lang?"

"Ano ba kasing gusto mo?" Irap ni Shawy. Napabuntong hininga ako at nilaro ang keyboard ng computer ni Shawy. Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Aling Pasing.

"Lalim ng iniisip, ah." Napatingin ako sa nagsalita, si Shawy.

"Kwento naman diyan." Dugtong ni Nomin at umayos ng upo sa kama. Hinila ako ni Shawy at sabay kaming sumampa sa kama niya.

"'Diba may promised tayo sa isa't isa na walang maglilihim kaya dapat kung ano 'yang bumabagabag sayo sabihin mo samin."

"No to lihim because we are bestfriends!" Sigaw ni Nomin at sumayaw-sayaw sa kama.

"You can confess naman, Chiduck, e. Wala naman huhusga sayo dito." Si Shawy. Napabuga ako ng hangin, dapat nga siguro sabihin ko para mabawasan ang tanong sa isip ko.

Tiningnan ko silang dalawa, nakaharap sila sa 'kin at naghihintay ng sasabihin ko. Noon pa sa kanila kona sinasabi lahat ng problema ko mapa kay daddy man. Alam nila ang storya ko at alam ko ang kanila.

"Kasi kinausap ako ni Aling Pasing." Pauna kong salita.

"'Yung hiningan mo ng tulong nung may nanloob sa bahay nyo?"

Tumango ako kay Nomin. "Siya nga."

"'Diba siya ang nagpulso sa daddy mo noon?" Turan ni Shawy.

"Siya nga at siya din ang kumausap sa 'kin kahapon."

"Anong sabi niya?" Curious na tanong ni Nomin ganun din si Shawy.

"Sabi niya hindi daw ba ako nagtataka kay dad dahil parang may ibang katauhan ito." Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko tapos binalik din sa 'kin.

"Alam mo 'yun din ang napapansin ko, e. Ang laki talaga ng pinagbago ng dad mo." Sang-ayon ni Shawy habang natango.

"Pansin ko din, 'di ba't sinabi mong kaya ka nawala sa acquaintance dahil nandoon 'yung daddy mo at nakabantay sayo? Sa totoo lang ang weird non hindi ganon ang dad mo, e." Gatong pa ni Nomin. Hindi ko tuloy alam ang iisipin.

"Eto hah, napansin ko lang. 'Yung dad mo Chiduck ang lagkit ng tingin sayo, para bang may gusto siya sayo."

Nangunot ang noo ko.

"Hindi magandang biro 'yan." Angil ko. Kahit kailan hindi ako nag-isip ng ganon. Ewan koba at naisip 'yon ni Shawy.

"Conclusion ko lang naman sa mga napapansin ko." Mabilis niyang bawi. Napabuntong hininga tuloy ako.

"Ano pa 'yung sinabi ni Aling Pasing?" Tanong ni Nomin. Umayos siya ng upo at tinitigan ako.

"May sixth sense daw siya at mambabarang sa lugar nila?" Hindi ko siguradong sagot.

"AHA!" Nagulat kami sa sigaw ni Nomin. Tumingin siya samin at lumawak ang ngiti. "Kaya niya nasabing may kakaiba sa dad mo dahil nararamdaman niya 'yon." Feeling brilliant niyang sagot.

"May point ka naman don." May pagtangong sang-ayon ni Shawy. Napaisip tuloy ako, kaya ba ganon ang sinabi ni Aling Pasing?

"Ano pang sabi niya?" Tanong ulit ni Nomin.

"Ahm, matapos daw kasi ang aksidente ni dad nagbago siya, 'yun lang." Pansin ko ang pagkunot ng kanilang noo.

"Chiduck nakikita mopa ba 'yung shadow?" Tanong ulit ni Nomin, parang may nabubuong question sa isip niya.

"Sa panaginip lang."

"You mean hindi mona siya nakikita ng harap-harapan?" Paninigurado niya.

Tumango ako.

"Kailan 'yung pinakahuli mong kita sa kaniya?"

Kailan nga ba? "Hindi kona siya nakikita pero may pumalit naman 'yung matandang babae."

"Matandang babae?" Duet pa nilang tanong.

"Oo, madalas ko siyang makita at may binubulong siya sa 'kin."

"Anong binubulong? Siya ba 'yung narinig ko sa phone nung kausap kita?" Intriga ni Shawy.

"Oo, siya nga. Sabi lang mag-iingat daw ako."

"Saan ka mag-iingat? Sinabi ba niya?" Tanong niya. Umiling ako dahil 'di naman nabanggit.

"Kailan mo huling nakita ang shadow, Chiduck?" Pangungulit ni Nomin. Nag-isip ako. Kailan ko nga ba huling nakita? 'Yung matanda nalang ang nakikita ko at wala ng shadow.

"Sa pagkakaalala ko huli ko siyang nakita nung nasaksak si daddy." Sagot ko.

Kumunot ang noo ni Nomin at humawak sa baba. Parang may iniisip.

"Hindi kaya sumanib 'yung shadow sa dad mo? 'Diba kasi wala na siyang pulso tapos bigla siyang lumakas?" Nakaramdam ako ng kilabot ng sabihin niya 'yon. Imposible ba 'yon?

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Pagbukas bumungad ang katulong nila Shawy.

"Ma'am Shawy may naghahanap po sa inyong lahat." Turan nito. Nagkatinginan kami at kumunot ang noo.

"Sino daw?"

"Hindi po siya nagpakilala pero nandoon po siya sa sala." Sagot ng katulong.

"O, sige. Bababa nalang kami."

Pagkasara ng pinto nagkatinginan ulit kami. Sino naman kaya 'yon? Wala naman kaming inaasahan bisita?

"Baka nandiyan pinsan mo, Shawy." Kumento ni Nomin.

"Imposible wala sila dito sa Manila, noh."

"Bumaba nalang tayo." Saad ko. Bumaba na kami sa kama at lumabas sa kuwarto niya.

"Unahan tayo!" Wika ni Nomin, nabatukan naman siya ni Shawy.

"Abnormal kaba gusto mo bang maggulong-gulong sa hagdan?" Sermon nito. Napailing nalang ako hanggang marating namin ang sala.

Naunang pumasok ang dalawa at sumunod ako, pero ganun nalang ang panunuyo ng lalamunan ko ng makita kung sino ito.

Anong ginagawa niya dito?

Bakit siya nandito?




***

Note:

Wala na 'kong masabi mag-vote nalang atets. Hahaha!
ᕦ⁠(⁠ಠ⁠_⁠ಠ⁠)⁠ᕤ

Who Are You ShadowWhere stories live. Discover now