Chapter 7

5.4K 94 16
                                    

Happy reading

__

Elyjha's POV

             “Beshy, sasama kaba sa farewell party ni Valerie?” biglang tanong sa'kin ni Marsee. I'm eating a spaghetti while she's eating a tuna sandwich. 

I just shrugged my shoulder. “Not sure, ikaw? Kailan ba 'to?”

Ngumuso siya. “Next week. Sasama ako kung sasama ka. I just hate being with her alone o baka andun ang mga alipores niya. Ayaw kong makipag plastikan.”

Natatawa akong umirap. “I'm not sure yet, sasabihan lang kita kapag desidido na ako.” sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali ay nakaramdam ako ng vibrate sa aking bulsa.

Kinapa ko iyon at kinuha sa bulsa ko at tinignan kung sino. It's coming from Peter

Peter:

Meet me at the field, I'll be there waiting.

Napabuntong-hininga ako. Sana hindi siya galit sa'kin. Agad akong tumingin kay Marsee na abala sa pagnguya ng sandwich at pags-scroll ng cellphone niya. “Mars, I better go.”

Napahinto siya at tumingin sa'kin ng kunot ang noo. “that fast?"

“Mag-uusap muna kami ni Peter.” sabi ko, kilala niya si Peter. Nagkita na'rin sila dati.

“Oh... Alright, goodluck then.” nakangiting sabi niya at kumindat.

Tumungo na ako sa field at hinanap siya. Nilibot ko ang buong tingin ko sa paligid at nahagip siyang nakaupo sa bench.

I immediately walk towards him. Ilang sandali ay inangat niya ang tingin niya at nakita ako. I smiled at him but he remained stoic.

Biglang bumagsak ang ngiti sa mukha ko. “Peter...” mahinang sambit ko ng makalapit sakaniya. Sinong hindi sasama ang loob kung ikaw ba naman may kaibigang alam lahat ng sekreto mo at ngayon mo lang nilihiman.

“I'm sorry, Mari. Sana hindi na lang ako nagpadala sa emosyon ko.” panimula niya.

Umiling ako.“Hindi ko naman naitawag o natext man lang sa'yo na may fiancè. Kahit ako hindi alam na andun siya, he's just playing tricks. No one knows that I was bound to marry him, not even Marsee.” malumay ko paliwanag.

Hinawakan niya ang magkabila kong braso. “It's fine, it wasn't your fault. Nagulat lang rin ako na ikakasal kana.”

Napayuko ako. “I don't know what to do, If it isn't just for my Lolo hinding-hindi ko gagawin iyon. Maski ako nagulat, everything happened so fast.”

“Let's not think about it now. Ang importante ay nakahingi na ang patawad. I didn't mean to like that.”

Inangat ko ang tingin ko at dahan-dahan na ngumiti. “Bati?” tanong ko. Ngumisi din siya at tumango.

We hugged each other as a sign of peace. “Why don't we hangout after class? You know how much I've missed you, Mari.” that's a good idea at para naman makabawi na ako sakaniya.

Napa-thumbs up ako at ngumisi. “I'll call you when I'm done with my last period. Kita na lang ulit tayo dito.” sabi ko.

He chuckled. “Dito? alright.” sabi niya saka tinignan ang relo. “Sampung minuto bago matapos ang vacant time ko. Hatid kita.” umiling na ako sa offer niya.

“Nope kaya ko na, promise. Male-late ka lang, nakakasira ng record 'yan.” well I'm a grade conscious.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. Sumimangot ako, magulo na nga ang buhok ko dumagdag pa siya.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now