Chapter 9

4.7K 113 25
                                    

Elyjha's POV 

           Padabog akong dumiretso sa banyo at naligo. Siya talaga ang nagbibigay ng problema sa buhay ko.

Nang matapos na akong maligo ay naghanap ako ng maisusuot. Nagsuot ako ng pedal na jumper at white fitted shirt. Tumingin ako sandali sa salamin at inayos ang glasses ko saka nagsimulang magsuklay ng buhok.

Habang abala ako sa paghuhusay ay biglang tumunog ang phone ko. Dahil sa inis ay dali-dali kong tinali ang buhok ko at sinagot iyon.

“What?” tinatamad kong bungad sakaniya.

“Where are you? I'm already outside. Don't make me wait.” so impatient.

Umirap ako sa hangin at nagmamadaling inayos ang bag ko. “Malapit na!” iritadong sagot ko saka binabaan ko siya ng tawag.

As I finished locking the gate, I suddenly heard a beep of a car. Napalingon ako doon at natanaw ang isang itim na mustang. ‘Kay bata-bata ang dami ng sasakyan. Bumukas ang windshield ng driver seat. Hindi maipinta ang mukha niya, dahil siguro nainip sa kakahintay sa'kin.

That's right, magtiis ka jerk.

Tumawid ako dahil nasa kabila pumarke. Pumunta ako doon at sinenyasan ako na pumasok sa sasakyan niya.

Tumungo ako sa backseat at binuksan ko iyon. Narinig kong nagreklamo siya. “Sa passenger seat ka! I'm not your driver.”

Umirap na lamang ako at padabog na isinara ang pinto. Pumasok ako sa passenger seat. He started off the car's engine.

“Ang tagal-tagal mong mag-ayos wala pa'rin naman may pinagbago sa mukha.” he mocked as I laugh sarcastically. Tinignan ko siya sa matalim.

“Thank you so much.” sarkastiko kong sabi saka inirapan siya.

“Kapag umirap ka sa'kin, siguraduhin mong maganda ka.” wow ha?

Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit maganda lang ba pwedeng umirap? Makangutya ka diyan akala mo pogi ka.”

Ngumisi siya. “Ofcourse, I'm handsome.” I grimaced with what he said.

“Walang poging unggoy, tandaan mo ‘yan.” I winked at him.  Umirap nalang siya at nagsimulang magdrive. Akala mo ha.

Nerd ako pero hindi ibig sabihin non madadala mo ako sa panlalait. A man with glasses is better than a man with condom boxes. Anong kinalaman dun sa panlalait? Napailing ako at tumingin na lamang sa daan.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta basta na lang ako sumama. Hindi ba masama ‘yon?

“Where are we going?” tanong ko sakaniya.

“Let's eat lunch, first.” saka iniliko ang sasakyan niya.

Naalala kong hindi pa pala ako nakapagpaalam kay kuya kaya kinuha ko ang cellphone at hinanap ang pangalan ni Kuya doon.

To: Salbaheng Kuya

           Lalabas muna ako ng bahay, may pupuntahan lang. Babalik din naman ako.

Nakarinig ako ng tikhim mula kay Dm. He keeps on glancing at me while he's driving. “Sino ‘yan?” kunot-noo niyang tanong at sinubukang sumilip sa cellphone ko.

Agad kong inilayo ‘yon. “Tss...” Kailan pa siya naging chismoso?

Hindi ko siya pinansin, nakatutok lang ako sa phone ko at hinintay ang reply ni Kuya. Ilang sandali pa ay tumunog ito. I heard him snort.

From: Salbaheng Kuya

             Alright. Take care.

Hindi na ako nagreply, naging tahimik kami sa buong byahe. Pumunta kami sa isang high-end na restaurant. Sa pagka-disenyo pa lang ay malalaman mo na kung mabubutasan ka talaga ng bulsa o hindi.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now