Chapter 28

866 28 0
                                    

Dedicated to all of my silent readers out there. Lovelots!

Happy reading.
____

Elyjha's POV   

        Tulala ako buong klase. Nakailang hikab na ako. Paano ba naman at ala una na ako ng gabi nakatulog! Tumatak talaga sa isipan ko ang kahihiyan na ginawa ko kagabi. Sana hindi niya talaga mapansin 'yon. Tama marami naman siyang fans siguro kaya hindi 'yon mahahalata.

“Are you listening, Ms. Adillos?”

Mula sa pagkatulog ay bigla akong napa-balikwas sa upuan ko. “Ay baklang kulang sa bakuna!” nagtawanan lahat ng kaklase sa sinabi. Nasa harapan na ngayon si Ma'am.

Now I'm doomed. Nakataas na ang kilay ni Ma'am habang nakahalukipkip ang kamay nito.

Napahawak sa bibig. “P-pasensya na po...” saka napayuko.

“Hindi porket dean's lister ka ay pwede mo ng tulug-tulogan ang klase ko. First warning na 'to ha?”

Tumango ako at umayos sa pagkaupo. Nagsimulang magbulungan ang iba kaya mas lalo ako nakaramdam ng hiya. Pinatuloy ko ang pakikinig kahit na bumabagabag pa'rin iyon sa isip ko.

__

“Are you serious? Ako?” sabay turo sa sarili saka sa hawak ko. “Ibibigay ko kay sino nga ulit? Jm?”

Napakagat ako sa labi at tumango. Tinignan niya lang ako at tumawa ng sarkastiko. “Bakit hindi ikaw ha?”

“Marsee naman... Alam mo naman ata ang nangyari eh”

“Ofcourse I know. Hindi kay Jm mo lang naman isasaoli 'to?”

Tumango ako. “Eh 'yon naman pala! Hindi naman pala si D----” tinakpan ko ang bibig niya. Napaka-eskandalosa kasi, hay... Andito pa naman kami field ng campus.

“Ang ingay mo talaga.” I hissed. Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya. Umirap lang siya at inayos ng buhok na parang siya pa 'yon na-istress.

“Oh ano na? Alas kuatro na, may pupuntahan pa kaya tayo, hmp. Alam mo ba kung saan siya?”

“Ayun nga ang problema kasi alam kong andun sila sa rooftop nila! Kaya sigurado akong andoon ang lahat lalo na siya!”

Tumaas ang isang sulok ng kilay niya. “Isa na lang talaga, iisipin kong affected ka.” kung alam mo lang! Nai-like ko kasi ang profile niya.

“Hindi ako affected. Syempre ang kapal ng mukha kong pumunta doon.” seryoso kong sagot.

“What about me? Do you think I will have the guts to go there?” aniya saka sumimangot.

“Oo, maganda ka naman eh.”

“Sabunutan kita gusto mo? Huwag kang madrama, mas maganda kapa sa'kin urur. Besides, nandoon ang unggoy.”

“hmm... What if... Siya na lang ang papuntahin mo dito?”

Nanlaki ang mata ko sakaniya. “Ano ka ba? Nakakahiya! Siya na nga ang nagpahiram, siya pa ang pupunta dito!”

“Bahala ka diyan! Nagpaulan pa kasi.” umirap ako sa sinabi niya.

Napabuga ako ng hangin at umiling. “Bahala na, sa susunod ko nalang siguro ibibigay 'to sakaniya.” saka kinuha ang bag ko sa likod.

Ipapasok ko na sana iyon ngunit tinampal ni Marsee ang kamay ko dahilan na mapahinto ako. Kumunot ang noo ko at tumingan sakaniya. Apparently she's not looking at me. Nakatingin siya sa likuran ko, na parang may mensahe pa mula sa mukha niya na dapat ako tumingin doon.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now