Chapter 44

745 24 0
                                    

Happy reading.
___

Elyjha's point of view  

“Ms. Adillos.” napatayo naman ako sa tawag ni Mrs. Reyes sa'kin. I stood up and left my cubicle. Tumungo ako sakaniya.

“Goodmorning, Madame.” I greeted politely.

Ngumiti lang siya nilapag sa harap ko ang isang folder. Napatitig lang ako dito.

“Bring that to Mr. Huerva.” utos niya na halos ikinabingi ng tenga ko.

Napakurap-kurap ako. “P-po?”

Tumaas ang isang sulok ng kilay niya at binigyan ako ng seryosong titig. “I'm sure you heard me.”

Napakagat-labi ako at agad na tumango. Kinuha ko ang folder at mabilis na lumakad kahit na kinakabahan. Hindi ko man nakita sa personal si Mr. Huerva ngunit rinig dito sa kabilang department ang sigaw niya. Ang tanging sabi ng empleyado dito ay masungit daw siya at pinaglihi sa sama ng loob.

Well, try your luck. Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa tapat ng pinto niya.

Ianus Huerva, Head Advertising Art Director.

I was about to knock when the door opened. Tumumbad ang isang babaeng unipormado gaya ko. I'm pretty sure she's the assistant. Inaayos niya ang gusot niyang skirt.

Napahinto rin siya ng makita ako. I can see how she got flustered. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na. “Good morning, nandyan ba sa loob si Mr. Huerva?”

Tumango lang siya habang titig na titig pa rin sa akin. “G-good morning. Oo, b-bakit?”

Inangat ko ang hawak kong folder. Her lips formed into an 'o' shape. Napatango-tango ito. She fidget a little with little nervousness in her eyes.

“A-ah pasok ka nang. Sorry inutusan pa ako ni S-sir.” saka nilagpasan ako.

Pinagmasdan ko muna ang babae na kakalabas lang, her body is wobbling. Kumunot ang noo ko at umiling sa naisip. It's not it okay? Masyado naman atang impossible iyon. I think I'm delusional. The door closed again. Napabuntong-hininga ako at kumatok  kahit na bitbit pa din ang kaba ko.

“Come in.” aniya sa malamig na boses.

Pinihit ko door handle saka pumasok. Nadatnan ko siyang abala sa mga papeles na kumakalat sa lamesa niya. I can say that he got the looks. I bet he's in his 20's. His masculinity is also visible. His tie was a bit crook. Nakabukas din ang dalawang butones nito. Lumunok ako ng ilang beses habang yakap ang folder. May naaamoy akong kakaiba.

“Goodmorning, sir.”

“Who are you?” tanong niya sa malamig na boses.

“I'm the n-new intern, Sir.” kinakabahan kong sambit.

Inangat niya ang tingin sa'kin at sandaling natigilan. He stared at me for awhile and it was a bit uncomfortable. Umiwas ako ng tingin. He cleared his throat.

“Oh, welcome then. Sorry for my table by the way.” biglang sabi niya. Wala naman sinabi ah? Defensive nito. Alam ko naman ng ginawa niyo e.

Ngumiti ako ng bahagya. “Salamat, Sir.”

Tumango lang siya at napatingin sa hawak kong folder. “What's that?”

Nataranta naman ako sakaniya saka inilahad ang folder sakanya. “Pinapabigay po ni Mrs. Reyes.” sagot ko.

Tinanggap niya 'yon. “You may go.”

Tumango ako at dali-daling lumabas sa opisina niya. Napahawak agad ako sa dibdib. Grabeng kaba 'to, sabi daw nila nakakatakot. Aminin ko medyo pero hindi naman masungit. Siguro nagkataon lang na perfectionist siya at-alam niyo na 'yon.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ