Chapter 40

816 19 0
                                    

Happy reading.

____

Elyjha's point of view

"Ano?!" gulat kong sabi. Parang aatakihin ata ako sa sinabi niya.

Humalakhak lang siya saka binaba ako. "Kidding."

Umirap ako at napasimangot. Ang bastos talaga nito kahit saang anggulo.

"Bakit gusto mo ba talaga?" dagdag niya.

Tinalikuran siya at tumungo sa lamesa niya. "Kain na!" aya ko saka naunang umupo sa hapag.

Sumunod naman siya habang suot ang kaniyang nang-aasar na ngiti. Umirap ako at nagsimulang kumuha ng sarili kong pagkain. Pagkatapos na'ming kumain ay nagprisinta siyang maghugas ng plato.

I can't help myself but to smile. Pinagmasdan ko siyang maghugas, napatitig ako sa matipuno niyang likod. My eyes went down, I swallowed hard when I realized that he's wearing nothing but boxer. Medyo mahaba naman ang white t-shirt niya kaso hindi ko mapigilang mailang sa nakikita ko ngayon.

Napaubo ako ng malakas ng hindi namamalayan. Umiwas ako ng tingin doon. Bakit ba nasa baba ang tingin ko? Wala namang subtitle diba?!

"You want water?" rinig ko tanong niya. Hindi ako tumingin kasi alam kong abala siya sa paghuhugas.

"N-no. S-sala lang ako." nakapikit kong sabi habang hawak ang batok ko.

Kumaripas ako patungo sa sala. Hingal akong napaupo sa sofa habang hawak ang dibdib ko. Umiling-iling ako at sinampal-sampal ang sarili.

I after a couple of minutes I decided to turn on the TV. Para naman maaliw ako, but I ended up looking at his whole condo interior. Mas malapad ito sa condo ni Jayla. The designs were modern and simple. Bagay sa lalaking tulad niya.

Napahinto ako sa malaking bintana ng condo niya. Binuksan ko ang kurtina niya upang matanaw ang magandang view sa labas.

Napabalikwas naman ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. "What are you doing?" tanong nito.

Hindi ko mapigilang humarap. Nakataas ang kilay nito habang nakangiti. Binaba ko ang tingin ko para makaiwas ng tingin ngunit ang unang nakita ng mga mata ko ay ang nakakagambala niyang pang-ilalim na suot.

Agad akong napatabon sa mata at tumalikod sakaniya. "P-pinagmamasdan ang l-labas."

"Uh-uh, was it nice?" he whispered near to my ears.

Kinilabutan ako doon saka hinarap siya habang naka-ekis ang dalawang kamay. Huli ko nang pinagsisihan na sana hindi na kang ako humarap sakaniya. Napakalapit kasi ng mukha niya sa mukha ko!

Napalunok ako habang tinitigan ko siya. His eyes drifted on my lips. Lumakas ang kabog ng puso ko. Kita sa mata niya ang matagal na titig niya sa labi ko kaya agad kong pinikit ang mata ko.

I was expecting his lips but instead the whole atmosphere was filled by his laugh.

Kumunot ang noo ko habang nakapikit ang mga mata. "You better stop thinking about it." halakhak nito.

Iminulat ko ang mata ko saka ibinaba ang naka-ekis kong kamay. Umayos ako sa pagkatayo habang umiinit ang magkabila kong pisnge. I wonder how I look stupid closing my eyes and expecting him to kiss me!

"I'll go get my sweat pants, it looks like it bothers my girlfriend so much." halakhak nito saka pumasok sa kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. I cupped both of my cheeks, parang lalagnatin ako nito ah?

Napaupo na lang ulit ako sofa at nanuod ng TV. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya aa kuwarto niya. I didn't even bother to look. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now