Chapter 8

4.6K 102 6
                                    

Happy reading

__

Elyjha's point of view

Ngayon ang araw na makikipagkita kami sa pamilya Luzuriaga. Kinakabahan ako, hindi ko pa talaga masasabing G na G na ako dito.

I woke up seven-thirty in the morning. Tinawag ako ni Kuya para mag-almusal na.

"Hindi na ako uuwi dito mamaya, didiretso na lang ako don." tumango ako sa sinabi niya. Alas nuwebe ng umaga hanggang alas-syete ng gabi ang shift niya ngayon at ang dinner naman mamaya ay alas siyete y medya.

Ilang sandali pa ay natapos na siyang kumain. "I need to go, para maaga pa ang out ko mamaya." paalam niya sabay ayos ng polo niya sa salamin. Tumango na lang ako at di umimik. Napatingin ako sakaniya na lumakad patungo sa sala.

"Call me if you think there's something wrong!" rinig kong sigaw niya nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Umirap ako, ganyan naman palagi ang sinasabi niya. "Opo!" magalang kong sabat sakaniya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarinig na ako ng tunog ng motor. Papalabas na siguro siya.

Niligpit ko ang mga plato at nagsimulang maghugas. Isang oras lamang ako nakatingala at iniisip ang mangyayari mamaya. Wala pa akong damit na susuotin mama, I guess I need to buy one.

Napabuntong-hining ako, nagdadalawang-isip ako kung magpapaganda ba talaga ako o hindi. It's just a simple dinner,right? But what if they will not like me? Rason na masira pa ang plano ni Kuya. I don't want to disappoint him. We parted for almost ten years. Hindi ako lumaking kasama siya, highschool na ako nung umuwi siya dito galing sa Davao.

Lumaki siya kasama ni Lola na pumanaw noong onse anyos pa lamang ako. Kahit na mahirap sakanila ni Mom at Dad kinailangan... Mom's mother was alone. Wala na itong kasama, lola wished for kuya... He was her favorite grandchildren. Hindi naman daw maipagkakaila na magtatagal pa siya. Ayaw niyang iwan ang bahay doon sa Davao kasi parang inabandona niya na lang rin daw ang yumao niyang asawa.

Bumibisita kami roon tuwing summer o Christmas para hindi sila roon malulungkot. Naging mahirap ang pakikitungo na'min. Hindi siya mahilig masyado sa mga babae. When I turned eleven that's when I started to be mature enough. Dahan-dahan kong binago ang sarili ko sa paraang walang may makakapansin. Masasabi kong ulila na kaming dalawa ni Kuya, wala na kaming iba pang kamag-anak.

The only solution to keep our surnames is to multiply more! Ang landi ko sa part na 'yan pero iyon ang totoo.

Dm's POV

I heard a few knocks behind my door. Napabangon ako napamura, someone dared to interrupt my sleep!

I check the time and it's almost eight in the morning. Tumayo ako at binuksan ang pinto. "What the fuck did I told you about my sleep?" I asked irritatedly.

Nanlalaki ang mata niya at namula ang mga pisnge niya. I realized that she wasn't looking at my face! Nasa baba ang tingin niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Binaba ko ang tingin ko sa ilalim at napagtantong naka-boxer lang. Wala ang suot ni T-shirt.

Bigla naman siyang umiling at umiwas ng tingin. "Ah-h s-sir, pinatawag ho kayo ni Ma'am s-sa hapag." kinakabahan niyang sabi. I told mom not to wake me up!

I rolled my eyes and shut my door up. Nagsuot ako ng sweatpants at white v-neck shirt. Lumabas ako ng napagtantong wala na ang kasambahay na 'yon. Dumiretso ako sa dinning hall.

Napamulsa ako habang patungo sa hapag. I saw them both eating, tumayo si Mom nang makita niya ako. Niyakap ako ng mahigpit at sinenyasan na maupo.

"How's your sleep son?" tanong ni Mom habang si Dad ay tahimik na kumakain. I started eating too.

"It's not fine," I blunt. "By the way where's Sydney?" that thought suddenly came out of my mind.

Kumunot ang noo ni Mom sa tanong ko. "You should call her ate, she's way more older than you." saway niya.

"Where is she anyway?" I said ignoring her words.

"Umuwi siya kanina, nagkaroon ng kaunting pagtatalo sa asawa niya. She's in her restaurant." I don't really like his husband that much. "Her husband is an a**hole then." I smirked sarcastically.

Nakita kong padabog na binitawan ni Dad ang kutsara. "Tingnan mo kung ano ang mga natutunan mo sa pagbubukod sa'min." I rolled my eyes, hell I'm not a child anymore.

Napabuntong-hininga si Mom. "We don't know what happened yet, but just try to understand them. It's a couple's fight." really? Kung sapilitan naman silang ikinasal.

Inunahan ko silang matapos. Dumiretso ako sa kuwarto at napag-isipang tawagan si Nerd. I want to have a deal with her, pinakiusapan ako ni Tanda na maging mabait sakaniya or else he'll cut off my allowance. That old bastard knows how to blackmail me. We need to have an agreement.

I dialed her phone number. "Hello, sino 'to?" bungad niya.

"It's me." sagot ko.

"Who's me?" nanliit ang mga mata ko, hindi niya nakikilala ang boses ko? I shook my head in disbelief.

"Dm."

"Saan mo nakuha number ko?" I groaned with what she said.

"Importante pa ba 'yan? Damn, let's meet before lunch. Text me your location." sabay baba ng tawag.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo. I wore my usual outfit at dumiretso kina Glenn.

Glenn's POV

"Papunta na daw ba?" biglang tanong ni Jm. Tumango ako, Dm texted me that he's coming to my condo unit. Magkatabi lang kami ni Jm ng unit kaya andito siya para mambulabog. Natahimik kaming dalawa ng ilang sandali.

"Dude, I met a girl." biglang sabi niya ng ikinanuot ng noo ko. Wow first niya at magkwento ah. "And?" I asked.

"I was mesmerized by her beauty..." I know it's too odd to hear it from him kasi hindi siya yung taong pala-kwento ng sarili niyang buhay. Pinatuloy niya ang pagkwento. Iyon pala ay isang nerd ang natipuhan. Nakita niyang umiiyak ng mag-isa papalabas sa hallway ng BSBA building.

Tangina naman, biniyayaan naman siya sa kaalaman at itsura bakit sa taste ng babae hindi?

"Are kidding me bro?" saka humagalpak sa tawa. Napahinto ako ng sumeryoso ang mukha niya. "I told you she wasn't just an ordinary nerd to me. She's special, her beauty is unique. I've been watching her ever since. Parati ko siyang nakikita minsan." diin niya.

Umirap ako. "Yeah, whatever goodluck."

Biglang tumunog ang pinto ng unit ko it must be him. Tumayo ako at pinagbuksan siya. He brought a pizza, nice.

"Sup?" hindi niya ako pinansin at nilagpasan lamang ako.

Dumiretso siya sa couch at binati si Jm, what the hell? Umupo na'rin ako sa couch. "What brings you here?" bungad ni Jm.

"Can't you just congratulate me, dude?" kumunot ang noo namin ni Jm sa sinabi niya. "May nabuntis ka?" biglang tanong ni Jm sakaniya na ikinamura niya.

"What? Do you think I would be that damn careless? Man, I'm engage and this is so fucking ridiculous. I don't know what's going on in my life, right now." pakana na naman ba ito ng lolo niya?

Ngumisi ako. "Oh... Kailan ang kasal?" he glared at me. "Do you think it's fucking funny huh? That old bastard knows how to play his game so well!"

"You're fucked up, dude." kumento ni Jm habang umiiling-iling. "Maybe I'll just play with her for a while." kibit-balikat niyang sabi.

We didn't have that much time to talk, umalis rin siya kaagad. He just wants us to inform that he's getting married that's all. We didn't even know what's her name.

___

If you want some amazing stories please check out gelliiibeannn 's profile. She writes fantasy story so if you're a fan of it. Please click the highlighted word. Thank you!

Also do check out my Negrense Series! Thank you!

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon