Chapter 19

1.2K 37 2
                                    

Happy reading
__
Elyjha's point of view

"Kumpleto naba lahat?" tanong ng instructor na'min nang makapasok sa practice room. Walang kaming may isinagot, yung iba nagkibit-balikat na lang.

Wala rin akong alam kasi kararating lang din na'min kaya tahimik lamang ako sa gilid.

Almost 30 minutes ang nakalipas nung dumating ang instructor na'min. Ilang sandali pa ay binuksan niya ang kaniyang folder at inisa-isa kami sa pagtawag. Hinintay na'min ang kulang at ilang beses na rin nagcheck ng attendance yung instructor na'min.

She shook her head and sighed for disappointment.

"May isa pang kulang. But anyway, it's not my problem anymore.”

“Okay, ready!" pukaw niya sa lahat.

Tumayo kaming lahat at pumunta sa gitna puwera kay Dm na nakaupo at nakasandal sa  pader. Walang siyang pakealam sa nangyayari. Napatingin kaming lahat sakaniya at hinihintay siyang tumayo. Habang prente siyang nakaupo sa gilid. Binigyan ko siya ng masamang tingin. He gave me a 'What's the problem?' using his bored facial expression.

'Umayos kana!' I mouthed angrily saka ko siya inirapan.

Agad naman siyang tumayo saka pinagpag ang uniform niya-I mean yung palagi niyang suot na white v-neck t-shirt niya with matching black blazer.

Halatang pasaway talaga at hindi sumusunod sa batas ng paaralan. Hindi lang ata ito playboy kundi badboy din! Sarap isumbong kay Lolo Trix. Ngunit hindi naman natatakot 'yan kaya huwag na lang! Takot lang ata 'yan mawalan ng babae sa mundo.

Pagkatapos niyang pinagpag ang kaniyang 'signature outfit' ay naglakad siya patungo sa akin at walang pasabi na tinabihan ako. I heard gasps behind me. Mas lalo atang ikinagulat ng ilang babaeng kandidata iyon. Kitams? Sama tuloy ng tingin sa'kin ng iilan.

"Lumayo ka nga sa'kin!" sabi ko gamit ang whisper mode with galit tone.

Nakita kong ngumisi siya, Uh-oh... "Why? Kapares naman kita ah? Ano bang problema?" medyo nilakasan niya ang boses niya dahilan para marinig ng lahat.

Oh gosh, kung pwede lang sana ihagis 'tong bakulaw na 'to sa bintana ginawa ko na, Grrrr! Ayaw ko nga ng haters! He's really doing this on purpose!

Tinapunan ko siya ng matalim na titig at siya naman parang wala lang sakaniya. I know it's useless to deny and keep it a secret, kasi eventually malalaman din nilang kapares ki siya pero bakit kailangan ipaglandakan?
Tumaas lang ang isang sulok ng kaniyang kilay. Umaaktong walang ideya sa kaniyang ginawa. Akala mo kung sinong inosente kung maka-asta suntukin kita dyan eh!

Naputol ang titigan na'min nang biglang tumikhim ang instructor na'min. "Ehem, Can you two set that aside first? Magsisimula na tayo." saway ng nito sa amin.
Nakita kong inirapan ako ng iilan sa contestant. Inayos ko ang aking sarili saka napayuko na lamang sa kahihiyan at hindi na umimik.

“Form a two straight lines, sa leftside yung girl at sa rightside naman yung boys, and take 5 steps backward.” mariing utos ng Instructor namin. She made sure that everything is okay.

Nasa ikalimang linya kami ni Dm at kami yung pinakagitna. Iyon ang magiging linya na'min kung kailan papasok at lalabas. Habang inaayos na'min iyon ay puro ngisi lang siya sa'kin at kapag sinasaway naman siya ng instructor na'min ay nagsusungit agad.

Mayroong 9 paired contestants at mayroong 4 categories sa pageant. Cocktail and formal suit muna para sa production  number. Ang first  category naman ay introduction number kaya pareho lang rin daw yung susuotin pa'rin, yung ikalawa ay sports wear, pangatlo ay School outfit, at yung ikaapat ay evening gown with question and answer portion.
Ipiwunesto kami ng instructor na'min para sa production number at sinabihan ng gagawin namin. Nasa ikalawang row kami ni Dm for production number.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now