Chapter 16

4K 76 7
                                    

Happy reading
__

Elyjha's point of view

We got ourselves inside the bar. Masyadong maraming tao. Hindi ko maiwasang magreklamo sa ingay ng mga ito. Of course, bar ito! Pero bakit parang galit ata iyong DJ dito? Masyadong malakas ang pagkakatugtog. Mukhang masisira ata eardrums ko nito. At saka... Hindi ito iyong restobar na pinuntahan na'min nung kumakailan? Is this still L's Restobar?

"Mars? Ba't ang ingay dito? Noong pumunta kami ni Peter dito kasama sila Ate Jin at Kaye ay wala namang ganito." Nagtatakang tanong ko. Pasigaw iyon dahil masyado ng maingay ang paligid. Papasok na kami sa isang section na may pinakamaraming tao kaya nagdidikit-dikit na kami.

"Malamang kasi bar 'to, Elyjha. Pero kung gusto mo ng chill place or vip places mayroon dun sa kabilang section,” paliwanag niya na may kaunting pambabara.

Hmmm, baka dun kami nung time na nalaman ni peter yung arrange-marriage thingy.

"O... kay? Pero teka, saan sila ni Valerie?" biglang tanong ko sabay libot ng tingin sa paligid

"There oh!" sagot nya saka ininguso ang bibig sa isang table na andun si Valerie at ang ibang babaeng kasama niya. Bago paman ako makapagsalita ay hinatak na ako ni Marsee patungo sa table nila.

"Hi guys," bati ni marsee saka ngumiti.

Napatayo naman si Valerie habang nakahalukipkip at taas-kilay akong tinignan. It feels like she's judging my whole existence.

"Who are you?" mataray na tanong ni valerie sa'kin bago iritang binalingan si Marsee.

“Marsee, sabi ko dalhin mo si Elyjha hindi yung babaeng feeling-maganda na 'yan. She's not invited here!" inis na sambit ni Valerie kay Marsee at saka ito umirap.

Agad naman napatawa ng sarcasm si marsee. "It's her, Val." sagot ni marsee saka umirap.

Bigla namang tumawa si valerie "Ow? Nagpapatawa kaba, friend? Siya si elyjha?" sabay turo sa'kin. "Elyjha is a nerd." natatawang sabi ni Valerie at tumawa na rin yung iba niyang mga kasama.

I sighed. Mukhang hindi nga rin sila makapaniwala. Kinuha ko 'yong cellphone ko at tinawagan naman ang number ni Valerie. Tumunog naman ang cellphone ni valerie na nasa table.

Kinuha niya ito at inangat ang cellphone niya. "See? Baka magsasabi na ito na hindi sya-"

Inilapit ko yung bibig ko sa phone nung sinagot niya ang phone. "Val, it's me." medyo tinaas ko yung boses ko dahil masyadong maingay ang paligid.

Napatingin ako sakanya na gulat na gulat na nakatingin saakin habang nasa tenga pa niya ang cellphone.

"Hindi na ba ako puwedeng mag-ayos?" tanong ko kay Valerie. Mabilis niyang binaba ang phone niya saka tumikhim upang maibsan ang kahihiyan.

Tinitigan niya ako ng matagal bago inayos ang kaniyang postura at ngumisi ng todo. "Nag-plastic surgery ka noh?" biglang tanong niya.

"Hindi gagaling ang surgery ng isang araw lang." I answered as a matter of fact.

"Oh w-well, you're wearing prosthetics para maging maganda ka. That's good, hindi ka naman masyadong maganda kahit ganyan ayos mo. Sakto lang din." sabi niya saka inismiran ako.

Nagbago kana talaga Valerie...

Parang nagsisi ako na pumunta pa ako dito. Wala sa sarili kong pinahid  yung dalawang kamay ko sa mukha ko at pinisil pisil ang cheeks ko. "Sorry to disappoint you but, I don't have one.”

"Hmp! Cr lang ako! Girls umaliw-aliw muna kayo. umupo na kayo riyan! Don't you dare sabotage my day! It's my farewell! Huwag kayong bibida-bida!" aniya sa'min saka sa mga alipores niya at nag-walk out sa harapan namin.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now