Chapter 30

979 31 0
                                    

Happy reading.
___

Elyjha's point of view  

“Ano?!” sabay pa kami ni Marsee. Narinig ko ang palakpak ni Jayla kaya binigyan siya namin ni Marsee ng masamang tingin.

Tumayo siya ng tuwid at pinigilan ang naramdaman. He knows how we literally hate five charms.

Napataas ang isang sulok ni kuya. “Sorry to burst your bubbles. Hindi ako kampante kapag kayu-kayo lang.”

“Kuya naman, ang tanda na kaya namin!”

“No, you're not. You're still seventeen.” striktong sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Marsee. Parehong bagsak ang mukha na'min dahil sa sinabi ni Kuya.

“Pumayag naman sila sa alok ko. Gusto rin naman nilang magbakasyon tulad ninyo.” dagdag niya.

Mas lalong sumimangot ang mukha na'min. Nako kuya, kung alam mo lang ang nangyayari sa'min ngayon! Ni wala pa ngang alam si Jayla tungkol doon.

“It could be that way or I will not grant your permission.” aniya.

Sa huli ay napagpasyahan na'ming pumayag. Wala naman kaming magagawa saka minsan lang 'to mangyayari. Hindi naman sila mangangain. We'll just deal with them, kapag nakarating na kami doon. Siguro maghihiwalay rin iyon for personal needs.

Mukhang mas sabik na sabik pa si Jayla sa amin. Nagtaka rin ito kung bakit mas lalong loob na'min sakanila. For sure Marsee has her personal problem with them like me. Kinuwento ko sakanila kung bakit humantong nga sa ganito habang si Marsee naman ay ayaw pang ikwento kaya hindi na namin pinilit.

We planned a detailed itinerary before the day of our trip. Nag-aya na'rin siyang magshopping at nasama pa ako. Ayaw ko sanang bumili ng mga damit, mayroon pa naman ako saka hindi nagpapa-sexy ang nerd noh. Chourot! Sinong lalandi sa nerd na katulad ko?

Nagdala ako ng ilang beach outfits. Hindi muna ako magpapaka-nerd. Hassle iyon kasi nandoon ako para mag-enjoy. Kaunti lang ang masyadomg revealing kong damit. Puro kasi iyon bestida at floral dresses. Nagdala ako ng long sleeve rush guard at leggings. Magkapares iyon.

“Oh my gosh, girl!” tili ni Jayla. Nasa sala sila ngayon. Bitbit ang bagahe nila. Maliit lang ang maleta ko habang yung kanila ay ang lalaki.

Lalayas ba ang mga 'to?

I'm wearing a beach floral dress. Habang si Marsee ay naka-sexy mini tube dress. Si Jayla naman ay naka strapless bandage dress. Mas mukhang babae pa ito sa'kin.

Hindi ako naka-salamin ngayon. I'm wearing my contact lense. “My gorgeous nerd!” tili ni Marsee saka niyakap ako.

“Don't worry dinala ko dito ang sinukat mong bikini kahapon.” bulong niya saka kumalas sa yakap. Kinindatan niya naman ako.

Tinampal sa braso ng mahina. “As if susuotin ko 'yan.” saka umirap at tumawa ng bahagya.

Hindi siya nagsalita, kumindat lang siya ulit. Kuya is really hands on about our trip. Siya na halos nagplano. He even rented a van for us, hanggang airport nga lang. We booked a flight from Manila to Caticlan. Ganoon na din ata sila ni Dm, dahil doon daw kami magkikita sa Airport sabi ni Kuya.

Hinatid kami ni Kuya hanggang airport. Nadatnan namin ang limang lalaki na naka-hawaiian shirts sa labas ng airport.

Nakuha agad ng atensyon ko si Dm. Kumalabog ang puso ko. Kahit anong suot niya ay bagay talaga sakanya. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin muna. Hindi sila na'min pinansin, si Kuya lang mismo ang kumausap sakanila.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now