Chapter 25

1.1K 31 5
                                    

Happy reading
___

Ilang minuto kaming nagkatitigan. Mas lalong lumakas kalabog ng puso ko. Nabalot ng katahimikan ang hapag ngunit nabawi rin iyon nung tumunog ang cellphone.

"Saguting mo na." he excused his self and took the call. Napabuga ako ng hangin dahil sa kaba na nararamdaman ko. I tried to comfort myself by tapping my chest.

Ilang sandali ay natapos siya sa tawag niya. I can still see some hints of confusion in his eyes. "What do you mean stop?"

Gusto ko ng umiyak kasi hindi ko talaga kayang sabihin iyon...

"Dm ano kasi..." sabihin mo na! Tangina naman eh.

"You want me to sto---" i cut him off.

"I want you to stop ano hehe..." nakatingin lang siya sa'kin na parang nag-aabang sa sasabihin ko. "Ano..."

I heard him groaned. "Tagal." reklamo niya.

"Staring! Ayon! Staring pala 'yon." parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa lamesa. Assuming ka talaga, eh hindi ko nga alam kung tumitingin ba ito sa'kin.

Nakita kong kumunot ang noo niya at parang may tinatago pang ngiti. "Am I that... Obvious?" buti nalang talaga at hindi ako nahihiya.

"S-syempre oo! Ano kaba kumain kana. Nakakainis hindi ako d-dito makakain ng ayos dahil sa titig mo!" there... Tarayan mo nalang.

"Tss." ito iyong gusto ko, sungitan mo rin ako noh. Ayaw ko ng mabait na Dm.

Ilang minuto rin ang lumipas bago kami natapos kumain. Dinala niya ako sa Sky Ranch, he knew that I love riding ferris wheel. Kaya sumakay kami sa Sky Eye Ferris Wheel nila.

Kitang-kita doon ang Taal Lake at Taal Volcano. Ofcourse, it's an sightseeing tour 63 meters above the ground! Hindi ko mapigilang mamangha doon. Kumuha ako doon ng ilang litrato.

Na-enjoy ko naman ang pagpunta doon. Dadalhin niya pa sana ako sa Taal Lake ng malapitan, but I don't think we don't have much time. Masyadong nasayang doon ang oras na'min sa Sky Ranch.

"Maybe next week we'll go there..." napalingon ako sakaniya na nagmamaneho. Hindi na ako sumagot, hindi rin naman ako sigurado sa mangyayari.

"Kung hindi ako abala sa reports at assignments." I reasoned out. Malapit na'rin kasi ang exam.

Hindi na kami masyadong nag-usap. Nakakailang kasi kapag makikipag-usap pa ako sakaniya.

"Did you have fun with me?" nasa tapat na kami ngayon ng bahay. I didn't look at him.

"A-ah oo..." ba't ako nauutal?!

"Good to know." rinig kong sabi niya. Napatingin ako sakaniya. Nakatingin rin pala siya sa'ki kaya agaran akong umiwas.

Tumikhim ako. "Uh... Babye hehe." saka dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya.

"Stay." agad naman akong napahinto sa sinabi niya. Ano na naman ba ang kailangan nito?!

Kabado akong napatingin sakaniya. Tinanggal niya ang seatbelt niya at lumabas sa driver seat!

Lumakad siya patungo sa front seat. Alam ko na ata ang gagawin niya. Muntikan na akong mapa-face palm sakaniya. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano bang ginagawa niya sa sarili niya? Parang ako ang nahihirapan!

Binuksan niya lalo ang pinto ng front seat at sinenyasan ako ng lumabas. Nakayuko akong lumabas. Inangat ko ang ulo ko sakaniya at ngumiti ng pilit. Yumuko ulit ako dahil sa inis na nararamdaman ko.

Nilagpasan ko siya ngunit hinigit niya ang kamay ko. Napa-landing ako sa dibdib niya kaya mas lalo akong kinabahan. Niyakap niya ako!

"Goodnight, I will miss you." hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon. T-teka! Anong gagawin niya?

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon