Chapter 11

4.3K 98 7
                                    

Dm's POV    

             Napasapo ako sa noo ko. Damn,  sineryoso talaga nila ang sinabi ko. Kanina pa nga ako namomroblema sa nakakamatay na titig ng kuya niya tapos pumasok pa itong, mga pinsan ko na ngayon kilala. Di hamak na mas pogi ako sa taeng Peter na iyon.

Nakaramdam na naman ako ng init ng ulo. I suddenly remembered what happened earlier. Lintek na babae, sa harap ko pa talaga maglalandi gamit ang cellphone niya.

Tumikhim ako nang makita siyamg abala sa pagtitipa ng cellphone niya. Muntikan ng mapataas ang kilay ko sakaniya. Tinignan niya lang ako ng diretso na para bang walang may nangyari.

Napatingin ako sa cellphone na isinantabi niya. “Ano bang pag-uusapan na'tin?” really huh? may gana kapa palang tanungin ako niyan. Akala ko wala na.

Ilang segundo ay nawala ako sa sarili, nakalimutan ko kung ano ang sasabihin ko. Tangina naman 'to---teka ano bang pumasok sa isip ko ba't ko 'to inayang kumain? Mga isip ka nga tae naman!

“We need to act like a real couple infront of everyone.” what a cool agreement. Mag-isip kapa-come on!

“Alam ni Kuya na hindi tayo masyadong magkakilala at ayoko ng everyone. Pwede kapag nasa harap lang ng pamilya niyo?” so she has a brother huh?

“Tell your kuya to go with the flow then, you want your company back right?” that's right, manipulate everything.

“And please, wear something presentable later. Fix yourself also.” As if I care, panget pa'rin naman 'to.

Ibinalik niya ulit ang tingin sa cellphone niya kaya hindi ko na mapigilang kumunot ang noo. Kanina pa'to sa sasakyan, damn. Sarap ihagis ang cellphone nito.

Dahil sa inis ay hinablot ko ang cellphone niya, doon ko nalaman na magkikita sila ng gagong 'yon bukas.

“Care to elaborate it, sister?” kinilabutan ako sa sinabi ng Kuya. Pumasok sa isip ko, paano kaya kapag andito rin ang pamilya niya? Siguro makakatanggap na ako ng napakalaking suntok galing sa tatay na nito. Kaso sa pagkaalam ko ay yumaong na ang ama, ina at lolo nito.

Napayuko siya, nakaramdam ako ng matalim na titig mula sa kuya niya. Ang lahat ay hindi pa'rin makapagsalita dahil sa gulat. “Kaye, inunahan mo silang dalawa.” rinig kong sabi ni Ate Jin. Isa pa 'to...

Nakarinig ako ng ilang mura galing sa bibig ni Mommy, napatingin rin ako kay Dad na kalmado lang pero halatang gulat rin sa nangyari.

Nakita kong aakma na magsalita si Peter ng inunahan ko iyon. “It's just a little misunderstanding.” kalmado kong sagot kahit na nanginginig na ang mga laman ko sa kaba. What the fuck.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon