Chapter 26

938 29 3
                                    

Happy reading.
___

Elyjha's POV 

    Walang masyadong ganap sa klase, abala kaming lahat sa exams. The news about the twins spread like wildfires. Kaya pala masyadong pamilyar ang mukha nila kasi nakikita ko na sila noon kaso hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin masyado.

Isa pa hindi naman ako interesado sa tinatawag nilang five charms.

Hindi ko masyadong pinapansin si Dm kanina kasi gusto kung mag-focus sa lessons. Hindi rin naman siya gaano kakulit kaya ayos lang naman kahit na nakakailang na talaga siya.

Natapos ang last subject ko ng matiwasay kaya dumiretso ako sa room ng ni Prof. Reyes kung saan palagi kong tinuturuan si Dm.

Nadatnan ko siyang nilalaro ang ballpen niya at may dala na'rin itong mga notes. Huminga ako ng malalim at tumungo sakaniya. Bitbit ko pa rin ang susi ni Prof kasi parati siyang nauunang umuwi.

Huminto ako sa harapan niya kaya inangat niya ang ulo niya. Agad itong ngumiti. “Let's start?”

Tumango na lang ako at umupo sa tabi niya. Everyone knows that I'm his personal tutor, pero hindi na iyon bigdeal. May minsan pa akong naririnig sa kaklase ko bakit daw nerdy style pa'rin ang trip ko. Hay...

Sinimulan ko na siyang turuan sa Intermediate Accounting 2 na'min.


I tried explaining it to him. Siya naman ay tango lang ng tango, na pakiramdam ko ay hindi naman talaga siya nakikinig. Ilang sandali ay tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon. “Just continue. Makikinig ako.” utos niya sa'kin


Saka nilipat ang tingin sa phone niya. Umirap ako ng makitang ngumingiti pa siya. Sarap na sarap sa ka-text ah?


“Nakikinig ka ba talaga?” iritadong tanong ko.


Tumingin siya sa'kin. “Uh-uh, nakikinig ako.” saka ibinalik ang tingin sa phone niya.

Agad na kumulo ang dugo ko at kinuha sang cellphone niya. “Ano ba! Makinig ka nga, nasasayang yung laway ko sa'yo. Mamaya kana maglandi kasi.” 

Tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Why? I told you I'll be listening to you.”


“I told you mo mukha mo.” I hissed out of annoyance.


“Damn.” natatawang sabi niya saka umiling-iling.

Agad ko naman siyang hinampas. “Anong nakakatawa ha?”



Itinaas niya ang mga kamay niya habang natatawa pa'rin. “Wala akong nilalandi.”


Umirap ako. “Utot.” saka binalik ang tingin sa notes ko.


“Hey, are you mad?” hindi ko siya pinansin. Nakakainis lang kasi, nagsasayang kami ng oras dito.


“Hey...” kinalabit niya ako pero hindi ko pa'rin siya pinansin.



Narinig ko ang buntong-hininga niya. “I'm not flirting. Nagtext lang sa'kin si Yvok ng nakakatawa. Tingnan mo pa diyan. Besides...” napataas naman ang kilay ko at nilingon siya.



The amusement in his eyes are still vivid. “I'm only allowed to flirt with you.” agad naman akong nagulat sa sinabi niya kaya agad akong umiwas ng tingin.



Uminit ang mga pisnge ko kaya umiling ako at ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. “A-ano ba? Sabing m-makinig k-ka!” saway ko. Hindi ako dapat ganit umakto, I'm not this sensitive when it comes to a punch line!



Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon