Chapter 24

1.3K 31 2
                                    

____

Elyjha's POV  

        
             “Teka lang saan mo ako dadalhin?” natataranta kong tanong sakaniya nang namalayan kong nasa labas na kami ng stadium ng campus. Sumasakit na ang paa ko dahil sa takong ko. “Ang sakit na ng paa ko kaya sabihin mo na kung saan tayo pupunta.” iritang dagdag ko pa.

Huminto siya at humarap sa'kin saka napaluhod. Napaatras ako habang nanlalaki ang mga mata. Anong gagawin niya?

Nabasa niya siguro ang nasa-isip ko kaya napatawa siya. “Don't worry, hindi ko na kailangan magp-propose pa sa'yo. Ikakasal rin naman tayo.”

Ano bang pinagsasabi niya? Sarap sipain!

Pinagmasdan ko lang siya at tumingin sa paa ko, may plano atang tanggalin ang heels ko. Inangat niya ang ulo niya sa'kin.

“May I?” tukoy niya sa heels ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung papayag ba ako o hindi. Baka umitim ang mga paa ko mamaya sa pageant---Teka! Ang pageant nga!

Aakma na siyang kunin ang heels ko ng inilayo ko iyon sakaniya. Kumunot ang noo niya sakin. “Ayaw kong bumalik doon na maitim ang paa.” tukoy ko sa pageant.

Hindi siya sumagot at binalik ulit ang tingin sa paa ko. “Hoy ano ba? Parang timang naman ‘to.” I hissed.

“Hindi na tayo babalik dun.” malamig niyang sagot.

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. “Nahihibang kana ba? Kailangan na'tin tapusin iyon, nakakahiya sa lahat!”

“Do I look like I care about that damn pageant?”

“Kahit na! Ngayon pa talaga umandar ang pagkabakulaw mo!” inis na singhal ko sakaniya saka tinalikuran siya.

Napatili ako sa sunod na nangyari sa'kin. Hiniwakan niya ang braso ko at binuhat ako na parang sako. “You leave me no choice.” sabi niya.

Pinapadyak-padyak ko ang paa ko para ibaba niya ako. “Ano ba! Ibaba mo ako!” I exclaimed in annoyance.

Halatang nahihirapan siya kaya mas lalo niyang hinigpitan ang kaniyang hawak. “Stop moving or else I'll throw you on the ground.” seryosong banta niya.

Aba may gana pa 'tong manakot. Hindi na ako umangal kahit umiinit na ang pisnge ko sa hiya. Kasi naman baka totohanin niya!

“Bumalik na kasi tayo. Saka anong parte ba ng campus ito?” pagpupumilit ko sakaniya. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon basta ang alam ko parte pa'rin ito ng campus. Hindi ako maghilig maglibang, libro lang naman kasi ang kaharap ko palagi. We're in a rooftop, tanaw ko ang buong campus dito.

“Are you cold?” hindi niya pinansin ang tanong ko. Aba naman! Nanliliit ang mata ko sa sinabi niya.

“Baka trespassing tayo dito.” sabi ko sa ibinalik ang tingin ng mga umiilaw sa loob ng stadium. Naramdaman kong nakatingin lang siya sa'kin. Ano ba iyang nakakailang na!

“It's our territory, dito kami tumatambay minsan.” napatango na lang ako habang ramdam ang simoy ng hangin dito. It's an open area, dumaan kami kanina sa isang silid na parang condo unit, doon ata yung tambayan nila. “What do you want to drink?” tanong niya sa'kin.

Umirap ako. “May gana ka pang magtanong niyan?” kunot noo kong sabi habang tanaw siyang pumasok sa loob.

Napahinga ako ng malalim at napayakap sa sarili. Ang lamig na ng hangin. Pumikit ako at suminghap ng preskong hangin.

Ilang sandali ay naramdaman ko ang may kung anong tumabon sa dibdib. Kaya napamulat ako, It's his coat. Amoy na amoy ko pa ang perfume na galing sa coat niya. Nanlalaki ang mata ko nung binalingan ko siya, nakaupo na pala siya sa tabi ko.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora