Chapter 32

839 24 3
                                    

Happy reading.
____

Elyjha's point of view

The whole boracay trip was memorable. Ang daming activities ang nagawa na'min doon. Hindi ko rin masasabi tuluyan kong nakakalimutan ang sinabi niya. Napa-isip ako ng malalim dahil doon. Iniwasan ko rin siya ng kaunti. Hindi na rin ako tinukso nina Marsee tungkol doon sa paghalik ko sakaniya.

Kanya-kanya kaming hinatid sa bahay na'min. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay agad akong napahiga sa kama. Parang pasan ko tuloy ang sampung kilong tilapia dahi sa pagod na naramdaman.

The next day I went out for a jog. Hindi naman ako mahilig mag-jogging pero, alam niyo... Health is wealth, kaya kung gusto niyo ng kalusugan, bilhin niyo. Marami kayo nun diba?

Isang linggo kong pinatuloy ang pagj-jogging tuwing umaga. Bigla kong naalala ang nangyari noon sa Boracay. Parati na talaga iyon bumagabag sa aking isip. Minsan nakakawalang gana dahil paulit-ulit na lang iyon. Syempre hindi ko maiwasang mahiya ng paulit-ulit.

Huling araw ng sembreak ngayon. Nandito ako sa clubhouse ng subdivision na'min. Kakatapos ko lang magjogging. I'm sitting on a bench right now. Nasa tabi ko ang tumbler ko.

Nagscroll muna ako sa phone ko. May nakita akong tag mula kay Marsee. Naka-private ang account ko sa lahat ng social media. I clicked the notification. Buti na lang at matitino ang mga litrato doon.

Nagscroll ako sa newfeed ko. Nakita ko ang panibagong profile niya. He's wearing his hawaiian polo. Nakaharap siya sa dagat ng Boracay.

‘Watching my beautiful sun's smile.’ 

He updated his profile yesterday. Mayroon siyang dalawang libong likes. Tinignan ko ang comment section.

Glenn Marcus: Walang credits?

Yvon West: Grabe, hindi ko alam kung aling sun diyan.

Nagreply naman doon si Yvok sa comment ng kambal niya.

Yvok East: Yvon West cnabi mo pa! Hala namang hindi yung literal na araw ang pinagmamasdan niya diyan.

Dm Luzuriaga: u both really wanna die early huh?

Nagtaka rin ako gaya ng mga fans nilang nagtataka din. Ang dami ng reply doon sa comment ni Yvon, madami din ang sad reacts saka sumunod iyong heart reacts sa pinakadami.

Mayroong isang comment ang talagang ipinagtataka ko.

Jessica Cruz: Yvon West are u referring at the girl who's wearing a floral dress?

Mas dumami ang replies doon kaya hindi ko mapigilang tignan mismo ang picture. I zoomed the picture in. Laking gulat ko ngang totoo ang tinutukoy nila. I gasped when I realized that girl... Was... Was me!

Where the hell did they get this? Buti na lang at natabunan ng mukha ko ang buhok ko. I was about to message Dm to delete this because It's too suspicious! Nagpost na rin kaya si Marsee habang suot ko iyong dress. But for the last moment, I find it immature. Baka assuming lang ako na ako iyong tinutukoy.

Napabuntong-hininga na lang ako. “Got a problem?” napaangat ang ulo ko sa nagsalita.

It's Doctora Montaño. She also wearing her jogging attire. Umupo siya sa tabi ko kaya kinuha ko ang tumbler ko para makaupo siya ng maayos. Ngumiti ako sakaniya. “Magandang umaga po, doctora.”

“What happened to your face? Parang pasan mo iyong mundo ah?” takang tanong nito.

Tumawa ako ng bahagya at umiling. “Wala naman pong problema, doc.”

Kasinungalingan mo, Elyjha.

“You sure?” nakita kong tumaas ang kilay niya sa'kin. Napakagat-labi ako at napaisip.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now