Chapter 23

3.4K 92 6
                                    

Chapter 23: Be who you are

Andito kami ngayon sa dressing room. Mayroon kaming isang oras para mag-ayos ng mga susuotin namin mamaya. Magkahiwalay ang dressing room ng lalaki at babae pero ang isang 'to ay tila walang gana kung umasta. Kanina pa siya patambay-tambay dito at mukhang wala sa modo.

“Dm, ano ba? Bumalik kana dun at mag-ayos. Mahiya kanaman sa mga umaasikaso sa'yo!” naiiritang saway ni Ate Sydney.

Umiling ito habang seryosong nakatingin sa'kin.“Tinatamad na akong sumali.” malamig niyang sabi.

Napatayo naman sa gulat si Ate Sydney. “DM Luzuriaga, alam mong hindi biro ang itong pinasok mo kaya huwag mo isubok iyang ugali mo sa'kin. Makakatikim ka talaga ng sipa sa'kin.”

Hindi siya umimik, blanko ang ekspresyon ng kaniyang mga mata. Tumayo siya at umalis dressing room habang paulit-ulit pa'rin na umiikot sa utak ko ang kaniyang huling sinabi.

“Fine sasali, as if I will allow her to wear something like that.”

I heard it clearly, hindi ko nga lang alam kun sino ang tinutukoy niyang 'her'. Maybe one of ang  girlfriends I guess. Baka nagka-Lover's quarrel.

Simula nung tumakas siya at pumunta sa bahay namin kanina, bigla nalang umiba ang modo ng lalaking 'yon. Ilang minuto siyang timambay duon sa bahay walang imik at seryuso ang mukha. Umalis nga siya ng walang paalam.

“Don't mind him,” sabi na lamang ni Ate Sydney. Tinulungan ako ni Micha na mag-ayos kaya hindi na ako nahirapan.

Ilang minuto ang lumipas at tinawag na kaming lahat upang maghanda para sa production number.

Nasa left side kaming mga babae habang nasa right side naman yung mga lalaki. Tumingin ako kay DM, blanko pa'rin ang ekspresiyon. Sana nga hindi muna aandar ang pagkabakulaw niya sa gitna ng stage.

Rinig ko ang mga tawanan nina Thalia sa harapan. Nilipat kasi kami ni Dm sa pinakalikuran nung ikalawang araw ng rehearsal namin . Gusto 'yon ni Bakulaw, dahil daw mukhang hindi ako kumportable. Ewan ko nga bakit bigla 'tong naging overprotective sa'kin. Bigla naman umasim ang mukha ni Thalia nung nilipat kaming dalawa, wala na kasi siyang mapapatid eh.

Minamasdan ko sila isa-isa. Minsan napapatanong ako kung nababagay ba ako dito. Yung iba dito bata palang sumasali na sa ganitong bagay. Ako? I can't even lift my confidence higher.

“The program will start within 20 minutes. So, ready yourself! I'll be watching you all.” sabi ng Instructor namin at isa-isa kaming sinabihan ng goodluck.

___

Nagsimula na ang program at lahat kami ay kabado sa likod ng stage. “Hello, goodevening ladies and gentlemen! I'm Jasmine Raymundo, currently the Student Council President of RLU and beside me is my co-host Kevin Dequino.” masiglang bati ng Student Council President namin.

Naghiyawan ang tao sa labas at duon ako nagsimulang kabahan.“What loud chant we have here, partner!” tanong nito sa mataas na tono.

“Oo nga, partner. So, handa na ba kayo RLU'nians?” tanong ng lalaking si Kevin ata ang pangalan.

Rinig namin dito ang kanilang napakalakas na 'YES'

Nagsimula na ang programa at napatingin ulit ako kay Dm. He was also looking at me. His brows are on fleek,makapal pa'rin ito kahit inahit na. Hindi ako sa sanay sa itsura niya ngayon pero aaminin ko mas lalo siyang pumogi.

Kumunot ang nuo niya, umiwas ako ng tingin. Tanga kasi, ba't ako tumititingin. Hindi siya pogi, hindi bagay ang salitang pogi sa isang bakulaw na tulad niya.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now