Chapter 36

861 31 2
                                    

Happy reading.
___

Elyjha's point of view

“S-sigurado ka ba sa sinasabi mo?” halos bulong kong sabi. Napatukod ang kamay sa bintana ng sasakyan ni Dm.

Ang tanging nasa isip ko lang ay gusto kong puntahan si Marsee doon. I care for my best friend so much.

“Yes... Nasa condo ko siya ngayon.” mariin akong napapikit. Tangina naman.

“Bakit diyan mo dinala?” kalmadong tanong ko. Naman kasi anong naman ba ang ginawa niya bakit siya humantong sa ganito?!

“Ayaw niya daw malaman ng magulang niya, kapag pumunta daw doon ay malaki ang posibilidad na makakarating ito sakanila!” napahigpit ang hawak ko sa phone ko. Gusto ko ng umiyak sa inis at alala.

“Pupunta ako diyan, titignan na'tin kung ano ang magagawa ko.” saka pinutol ang tawag. Binuksan ko ulit ang pinto ng shot-gun seat.

Napahinto ang tingin ko kay Dm, his attention are all in the phone. Inangat niya nag tingin niya, he constantly fiddled on his set. Iniwas niya ang tingin niga sa'kin at itinabi ang phone niya.

“So let's go inside?” he asked casually.

Napakagat-labi ako bago sabihin iyon. “Sorry kailangan kong tumungo sa condo ni Jayla.” malumay kong sambit saka umupo at isinara ang pinto.

Kumunot ang noo niya. “Why? What happened?” takang tanong niya.

Balak ko sanang sabihin sakanya kaso ayaw ko ng patagalin pa. Napabuntong-hininga ako. “Basta... Ihatid mo na lang ako doon.” mahinang sambit ko.

Narinig ko ang buntong-hininga niya mula rito. He turned the car engine on.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay okupado ang utak ko sa nangyari kay Marsee. Sana hindi nga kasing-lala iyon. Ayaw kong masaktan siya ng tuluyan. Mukhang dudugo na ata ang labi ko dahil sa sobrang kagat ko.

Ang mata ko ay nakatingin sa daan habang ang utak ko ay lutang naman. I'm leaning right next to the windshield.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang may tumunog, mukhang notification ata ng cellphone. Napaupo ako mg tuwid at hinanap kung nasaan iyon. Malabong akin 'yon, hindi naman ganoon ang tunog ng phone ko tuwing may abiso.

Nahagip ko ang isang cellphone na umiilaw sa cup handler na malapit sa car gear. Sunud-sunod ang tunog nito.

“It's from my friends, nag-aayang magbar.” kumunot ang noo ko sa paliwanag niya.

I didn't even bother look at him and gave him the reason to explain about it. Hindi rin ako nag-abalang magtanong. Hindi rin nga iyon big deal sa'kin. Umiling-iling na lang ko at hindi siya pinansin.

Basta ako nagmamadali ako. Period. As we arrived at the condominium tower, bumaba agad ako sa sasakyan nito.

I was about to walk when he stopped me. Napalingon ako sakaniya. He's now holding my arm, preventing from slipping away on him.

“Calm down. Hindi ko alam kung ano nangyayari pero kumalma ka. Don't rush.” he pleased.

Bigla akong nakaramdam ng panlalambot. It lightens my worry, for atleast a certain of time. I smiled at him softly. Tama nga siya wala akong magagawa kung magmadali ako.

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami patungo doon. Napansin kong hawak pa rin niya ang cellphone niya, he just can't stop fiddling with his phone.

Umakyat ang inis sa aking ulo. Nauna akong maglakad kaya agad na humigpit ang kamay niya sa'kin. Taas-kilay akong napabaling sakaniya. Ibinulsa niya ang phone niya ar inaya akong maglakad ulit.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now