Chapter 15

4K 84 3
                                    

Happy reading
__

Nang matapos na naming ihatid si Jayla sa loob ng subdivision nila. Nagpumilit kasi si Marsee na ihatid na lang siya sa loob kaya heto ako ngayon sa frontseat habang si Marsee naman ang nagdadrive.

"Ano kayang magiging reaction ni Valerie kapag nakita niya yung itsura mo. Siguradong magsasabi sabi na naman ng kung anu-ano, inggitera kasi yun diba" natatawang pahayag ni Marsee habang nagd-drive.

Tumawa rin ako. "Baliw. Hindi naman siguro saka mabait din naman yun umiba lang yung ayos ng mukha niya." sabat ko naman.

"Umayos yung mukha kasi tinulungan na'ting gumanda tas iniwan rin pala tayo at pinalit sa mga Queen bee niyang kabarkada." sabi na niya na may diin.

"Tapos nung nagbreak sila nung Dm na yun, iniwan siya ng kabarkada niyang mga spoiled brats tapos ano? Ang kapal ng mukha niyang bumalik sa atin? Hindi sana ako pupunta kung hindi ka pupunta e." Gigil na dagdag ni Marsee.

Natawa ng lang siya na may pagkasarkasmo ang boses. "Remember the day nung una na'tin siyang nakilala? Nung highschool tayo?" biglang tanong niya sakin.

Sinubukan kong alalahin ang lahat ng nangyari noon. “Ah... 'yon ba yung kinakawawa siya ng mga kaklase na'tin kasi gustong gusto niya si Dm?" hindi ko siguradong tanong.

Tumango naman siya at ngumisi.

Flashback

(Way back when they were just highschool.)

Kumakain kami ni Marsee sa Cafeteria dahil vacant namin ngayon.Nang may napansin kaming kaguluhan sa kabilang table na pinapalibutan ng mga estudyante.

"Lapitan muna na'tin yun besh" aya ko kay Marsee at tumango na rin siya. Tumayo kami at nilapitan ang table na iyon.

"Ang landi landi mong babae ka! Makalapit ka kay DM akala mo maganda ka? Manang ka naman manamit. Hindi ka nababagay rito! Such a freak" singhal ng isang babae sabay duro sa nakayukong girl.

"Gusto ko lang naman kasi si DM!" mabilisan na sabi nung nakayukong babae.

Napataas naman ang kilay nung babaeng nanduro kanina. "What a bitch! And you think na magugustuhan ka ni Dm by letting him copy your assignments? tignan mo nga ang sarili mo." mataray na asik ng babaeng nanduro.

"Ano ba ang pakialam niyo?" napataas ang boses ng nakayukong babae at iniangat ito ang ulo niya.

"Sumasabat ka pa."

Sasampalin na sana siya nung bitch girl; Thalia. Pero pumagitna si Marsee at hinawakan ang kamay nung bitch girl.

"Now here comes the loser!" sigaw ni bitch girl at tumawa

"Are you referring to yourself, Thalia?" natatawang hatol ni Marsee. Go bes! Si Thalia pala yung name nun

"Excuse me?" sabi ni Thalia gurl at napairap.

"Dadaan ka?" pamimilosopo ni Marsee. "No, nakakatawa pareho kayong losers. " ani ni Thalia

"Isn't it the other way around? Aren't you a pathetic loser who claims to be naturally gifted but, look at you. Your boobs. Your jaw. Your nose. Your chin. Your lips. Magpaparetoke ka na lang hindi pa pantay. Why don't you go back to your doctor to see if he can still fix it for you? Ang dali sabihing pinagawa mo 'yan, 'cause there's nothing wrong with doing a plastic surgery. The only problem is that you keep on denying it for fame.”

“Anyways, greedy people are the epitome of entitled clowns. You can wear as much as how many layers of cosmetics you want. Still, your face is parang nakuryente." nagsitawa ang mga estudiyante na nasa paligid sa sinabi ni Marsee at si Thalia naman umuusok ang ilong sa galit

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now